Chapter 1: Failed.

55 2 0
                                    

Mariah Li's Point Of View [Mariah
pronouncation: Maraya]

"Justine"
Mahinang tawag ko pero sapat lang para marinig niya. Nasa harap ko siya ngayon. Nakatayo kami sa tapat ng isang puno.

Nasa likod kami ng school. Heto na, aamin na ako. First time kong magcoconfess sa isang lalake.

Tinaas ni justin ang dalawang kilay niya. Parang sinasabing 'bakit?'

"M-M-May s-sasabihin ako" Inhale exhale. Kaya mo yan mariah.

"Ano yun?" Tanong niya.

"Ah eh" Lakas ng loob please? bakit di ko masabi? Nandto na eh. Fight!

"I O U?" Biro niya. Natawa naman ako. Kinakabahan pa rin ako.

"K-kasi" nakayuko lang ako dahil hindi ako makatingin sakanya ng diretso.

"Kasi ano?" Wala ng atrasan eto na talaga. Go go go! Huminga muna ako ng malalim.

"Gus---"
"JUSTINE!" Paksyet! Sabay kami napalingon sa tumawag sakanya. Antae naman nito! Istorbo kang lalake ka! Siya yung kabarkada ni justine. Si lewis.

Tumakbo si lewis papunta samin. "Bwiset na lewis" bulong ko.
"Ha?" Takang tanong ni justin sakin. Sabi ko bwisit tong lewis na 'to!

"Ah wala" sagot ko sabay kamot sa ulo kahit hindi naman makati ito.

"Oy justine tara na" Sabi ni lewis nang makalapit na siya dito. Tara na daw? Panain kita eh! Argh. Ang sama mo mariah! Tss.

"San ba?" Tanong ni justin kay lewis. Ngayon sila na ang magkaharap.

"Diyan lang sa kanto. Pustahan daw sabi ng mga ugok" May pagkamayabang na sagot nito. Ikaw ang ugok! Ay ano ba pinagsasabi ko!

"O tara! Baka walang palag yung mga 'yon" Edi kayo na magusap! Parang nakalimutan niyo na nandito ako. -_- Haller i'm here!

Gusto kong kumaway sa kanila at sabihing 'Nandito pa po ako! Baka gusto niyo kong pansinin?' Pero asa naman na magagawa ko 'yun.

"Ah mariah una na ko" paalam sakin ni justin. Sa wakas na alala niyo na nandito pa ako.

"S-sige ingat" sabi ko tska umalis na.

Hindi ko na sila pinagsalita pa. tumakbo ako papuntang CR. Humarap sa salamin at ginulo gulo ang buhok. Buti na lang mag isa ako dito dahil siguradong pagkakamalan akong baliw ng makakakita sakin.

"Hanubaaaa" Hinilamos ko nalang ang mga palad ko sa mukha. First time kong magtatapat naudlot pa!

Nakakainis, masakit at nakakadismaya. Lecheng yan! Nakakainis. Dahil sa lewis na iyon! Andun na nga eh! Nasaktan at dismayado ako. Ang tagal kong inipon yung lakas na loob ko para umamin tapos maiistorbo lang pala!?

Akala ko maamin ko na eh. Akala ko mailalabas ko na tong nararamdaman ko sakanya. Pero wala eh! Napunta sa WALA ang LAHAT.

****The next day

"Bang bang! into the room i know you want it, bang bang! all over you i'll let you have it wait a minute let me take you there, wait a minute till yah aaah!" Idaan sa kanta ang epic fail kong confession. Wooo ang saya grabe yeah -_-

Natapos ko na rin kantahin yung Bangbang. Nasa kwarto ko nga pala ako. Saturday ngayon kaya walang pasok. Freedooom! E ano ngayon kung sabado? Gusto ko lang magkulong. Isang araw palang ang lumilipas ang so-epic-fail- confession-ni-mariah.

"Buong araw ka na lang ba magkukulong at kakanta dyan?! Utang na loob ang sakit na ng tenga ko sayo mariah!" Ay teka! Nandito din pala ang bibi ko. Bestfriend ko siya. Bibi ang gusto kong itawag eh. Callia ang pangalan niya. Ang cute at sobraaang ganda pang bestfriend ko.

"Pake mo? hayaan mo na ko! Ganito ko icelebrate ang epic--"

"Oo na oo na! Epic fail chuchu mo na yan! Sino bang may kasalanan?"

"Yung bwisit na lewis na yun!" Ayan. Na aalala ko na naman kung paano siya umeksena samin.

"Utot! Nanisi ka pa! Kung hindi kalang sana magcoconfess dyan sa justin na yon, hindi ka sana nag iinarte ngayon! Drama mo inday!" Wow ang bait talaga ni callia. Thankyou ha? Maraming salamat sayo. Grabe kaibigan talaga kita. -_______-

"Anong ako? Kung hindi lang sumulpot yang si lewis, eh di sana nasabi ko narin na gusto ko si justin! Friend mag isip ka nga!" Ganyan talaga kami lagi ni callia. Sagutan everyday.

"Ikaw ang mag isip friend! Pag nasabi mo na ba na gusto mo siya, masaya ka na? hindi ka masasaktan? Paano kapag sinabi niyang ayaw niya sayo tapos bigla nalang siyang iiwas? Diba?" Bigla naman akong natauhan sa sinabi niya. Oo nga, paano kung iwasan niya ko at ireject? Hala! Mas masakit yon.

Napasandal nalang ako sa head board ng kama ko at nagbuntong hininga.

"Tama ka nga. Eeeehhh!" Ginulo gulo ko yung buhok ko. Para kong tanga. Alam ko. T_T

"Eh anong gagawin ko? gusto ko talaga siya eh. Malay mo naman may gusto din siya sakin? Ang bait kaya niya sakin tapos lagi niya kong nginingitian. Lagi pa kaming nagkakatinginan. Syempre mag a-asume ako na may gusto siya sakin. Kaya nga gusto kong sabihin agad na gusto ko siya. Para naman malaman ko kung may feelings din siya sakin. Tska siguro naman hindi niya ko iiwasan kasi nga ang mabait siya lagi saakin." Pinaglaruan ko nalang yung punda ng unan ko.

Nakita kong napahilamos ng mukha si callia gamit ang dalawang palad. Yung parang naiinis siya saakin? Ano bang problema niya? Ayaw ba niya kong magkalove life? Huhu.

"Ewan ko sayo! Mabait talaga siya kahit kanino at lagi niyang nginingitian ang mga kakilala niya at yung nagtitinginan kayo? Jusko naman! paanong hindi siya titingin sayo eh kung ano-ano pinag gagawa mo sa sarili mo para lang mapansin niya. Mariah ano ka ba!?" And again. Napahilamos na naman siya ng mukha gamit ang kanyang dalawang palad.

*End Of Chapter 1*

This Confession SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon