Mariah's Point Of View
Na-late ako sa first subject. Mabuti na lang hindi masungit si Ms. Rosco Ok lang sakanya ang ma-late ang estudyante niya, pero huwag na huwag mo siyang gagalitin dahil ng pe-personal 'yan.
Umupo na ako sa upuan ko na nasa tapat lang ni callia. Kinulbit niya ako pero hindi ko siya nilingon dahil nag tatampo ako sakanya. Yung sinabi ni lewis. Yung sa hershey's chocolate thingy. Wala naman talaga akong chocolate na ipinabibigay 'no.
Ewan ko kung ano ang naisip ni callia kung bakit niya ginawa 'yun. Nakakaasaaar.
Napagkamalan pa ako na may gusto kay lewis. Naniwala tuloy si justine myloves ko. Huhu. Paano na kami niyan? Siguro nasasaktan si justine ngayon? Oh Em! Bwisit kasi si callia eh. Hinahadlangan niya ang pag-ibig ko.
Kinulbit ulit niya ako kaya lumingon na ako at tinignan siya ng masama. Tinaasan niya ako ng kilay. Tinignan niya ako na sinasabing what-the-fck-is-your-problem?
Binalik ko na lang ulit ang tingin ko kay Ms. Rosco at nakinig sa tinuturo niya. Magtutuos tayo mamaya callia.
---
Pagkalipas ng ilang oras, recess na. Makakausap ko na si callia. Hindi ko siya magawang kausapin kanina dahil sunod sunod ang pasok ng teacher namin.
Tumayo ako kaagad at humarap kay callia na nag aayos ng gamit niya.
"HOY!" Sigaw ko kay callia at tinuro pa siya. Nag tinginan saakin ang mga kaklase ko at pati si callia.
"Oh problema mo te?" Kalmadong sagot niya. Lumapit ako sakaniya at niyugyog siya.
"Bakit mo ginawa 'yon ha? Bakit sinabi mong nagpapabigay ako ng chocolate sayo para kay lewis ha? Bakit ginawa mo 'yon babae? Akala niya tuloy crush ko siya! Sumagot ka! Wala na, wala na akong pag-ibig! Naniwala siya kay lewis!" Sat-sat ko habang niyuyugyog pa rin siya.
"Takte! Tigilan mo nga 'yan!" Inalis niya ang mga kamay ko na nasa braso niya. Naupo ako sa tabing upuan niya at siya naman ay nakatayo sa harap ko.
"Naniwala siya. Wala na. napahiya na nga ako kanina, napagkamalan pa akong may gusto sa lewis na 'yon. Ang puso ko parang--" Natigil ako sa pagmukmok nang sumabat si callia.
"Mariah anong drama 'yan? Mag tigil ka nga diyan."
"Eh bakit mo kasi ginawa 'yon?" Sa totoo lang, gustong gusto kong kurutin si callia sa singit niya.
"Eh bakit mo sinabi na hinahanap ko siya? Alam mo ba na pag dating niya dito kanina, yung mga babaeng kaklase natin nag hihintay ng isasagot ko kung bakit ko daw hinahanap si lewis! Tarantang taranta ako kung ano isasagot ko. Eh saktong may hawak akong hershey, Ayun! binigay ko para hindi mapahiya ang lalakeng iyon. Haller! Ayoko naman sabihin na bibigyan ko siya ng chocolate galing sa'kin. ASA! Pero don't ya worry, hinila ko siya palabas ng room para walang makichismis at doon ko sinabi na pinabibigay mo ang hershey sakin para sakaniya dahil nahihiya ka. Hahaha! I'm sarreh friend! Kung nakita mo lang kanina ang nga mata niya, kumikinang at tuwang-tuwa." Paliwanag niya.
Napa face palm na lang ako. Bwisit. Sa dinami dami na pwedeng sabihin, eh 'yun pa. Talaga naman!
"Callia nakakainis kaaaaa!" Tumayo ako at kukurutin na sana siya sa singit kaso umilag siya.
"Halika dito! Kukurutin talaga kita ng pinong pino!" Gigil na sabi ko.
"Hayaan mo na, sabihin mo na lang kay fafa justine na siya talaga ang gusto mo at sabihin mo kay lewis na hindi talaga siya ang crush mo. Ok?" Haaay. Napabuntong hininga ako. 'Yun lang naman ang magagawa ko eh.
"'Wag mo ng uulitin 'yun ah. Papatayin na kita pag gumawa ka ulit ng kalokohan." Biro ko. Hindi naman ako pumapatay 'no.
"Oo na, oo na. Tara na nga! Tomguts na 'ko."
Pag punta namin sa canteen, Lumundag agad agad ang puso ko nang makita ko si justine. Kumakain siya at.. Nag salubong agad ang mga kilay ko dahil kasama niya si lewis. Silang dalawa lang sa lamesa.
Nahihiya pa ako kay justine dahil sa sinabi kong huwarang thingy. Ang haba ng speech ko tapos ang masasabi ko lang pala sa bandang huli ay isa siya huwarang estudyante. Kung hindi lang sana umeksena ang isang lewis herin.
Nang makabili na kami ng pagkain namin, inikot ko ang mga mata ko sa napakalaking canteen na ito. Kaso sa kasamaang palad, walang bakante.
"Wala ng bakante ano ba 'yan!" Naiinis na sabi ni callia. Ito pa naman ang ayaw na ayaw niya.
"Ay mariah! Sa lamesa na lang tayo nila justine maki-share. Makakausap mo ang crush mo Taralets!" Papayag na sana ako kaso nandiyan si lewis. Naiinis ako sakaniya. Na-aasar lang talaga ako sa presensya niya. May mga ganun naman talaga 'di ba?
"Wag diyan, Sa iba na lang." Kahit gustong gusto ko pa. Baka isipin ni lewis at justine, kaya kami makiki-share sakanila ay dahil may gusto ako kay lewis. Psh.
"Ano ka ba? Chance mo na 'to para makausap si justine mo. Ayaw mo ba n'on ha?" Tinaas baba pa niya ang dalawang kilay niya.
"Gusto." Mahina at Nakanguso kong sagot. "Pero kasi---"
Bago pa ako makapagsalita. May tumawag saamin.
"Mariah! Callia!" Lumingon kami sa nakakaasar na tumawag saamin. Kumaway kaway pa siya.
"Nandito kami!" Sigaw niya. Medyo malayo kasi sa kinatatayuan namin ang pwesto nila. A-ano daw? Akala ba niya hinahanap namin sila? Napatingin kaming dalawa ni callia sa isa't isa. What the!?
*End Of Chapter 3*
BINABASA MO ANG
This Confession Sucks
Ficção AdolescenteSa tuwing aamin ako ng nararamdaman ko, Bakit laging may pumipigil? May galit yata sa akin ang tadhana. Susuko na ba ako o susubukan ko ng paulit-ulit? I am Mariah Li and this confession sucks.
