Mariah's Point Of View
Nasa school ako ngayon. 15 minutes bago mag simula ang klase. Nandito ako sa gate ng Florastine Academy. Ang school na puro mayayaman ang nag aaral. Well, isa na kami doon.
Ito ang school na pinapasukan namin ni callia, justine at ang lewis na 'yon. Ehem. Galit ako kay lewis. Istorbo kasi siya.
Kahit pinagalitan na ako ni callia, Go lang ng go! Keri ko 'to.
Maya-maya lang, natanaw ko na si Justine at..
WTH? Bakit magkasama sila ng lewis na 'yan? Paano ko siya makakausap? Tsk. Ah alam ko na!"Uy Justine! Lewis!" Tawag ko sakanila. Sabay naman silang napatingin saakin. Lumapit silang dalawa dito. Habang nag lalakad silang dalawa, kay justine lang ako nakatingin. Ang gwapo talaga.
Iniisip ko na sana siya na ang taong para saakin. Paano kaya pag naging kami? Ako na ang pinakang pinaka mapalad na tao sa daigdig. Sana sigurado ako na may gusto talaga saakin si justin.
"Huy mariah huy!" Natigil ako bigla sa pag de-day dream kay justine nang i-wave ni lewis ang kamay niya sa tapat ng mukha ko. Kahit kailan talaga.
"Ah ano 'yun?" I blink twice. Oh em. Nakatunganga kaya ako sa kawalan kanina? Nakakahiya.
"Bakit mo kami tinawag?" Tanong ni justine. My goodness! Simpleng bakit lang niya, nag wawala na agad ang puso ko.
"A-ah eh kasi.. Lewis!" Naka ngiting turo ko kay lewis.
"B-bakit?"
"Tawag ka kasi ni callia. Puntahan mo siya sa room. Kanina ka pa niya hinihintay. Dalian mo! BILIS!" Tinulak tulak ko pa siya palayo saamin.Hindi naman talaga hinahanap ni callia si lewis eh. Paraan ko lang 'yon para makausap ko si justin. Sana lang hindi ako pagalitan ni callia mamaya.
"Uhm. J-justin?" Kaming dalawa na lang. YES! Sana masabi ko na.
"Yes?" Tanong niya habang nakangiti saakin. Nginitian niya ako! Nginitian niya ako! Nginitian niya ako! Nginitian niya ako! Nginitian niya ako! Ang OA ko na.
Teka. Paano ko ba sasabihin? Matagal na akong nag handa dito.
"Yung sasabihin ko nga pala! Diba dapat may sasabihin ako sayo nung nakaraan?" Nakangiti kong tanong sakaniya.
"Ah oo nga pala. Ano ba 'yun?" Dapat sa magandang lugar ko sasabihin 'to. Ayoko naman na sa gate kami mag kaaminan.
"Sasabihin ko sayo sa garden. Tara?"
"Bakit sa garden pa?" Ano ba naman! Syempre sa garden ang magandang lugar dahil peaceful doon at isa pa, masosolo kita. Walang gaanong tao doon kapag ganitong oras eh.
"B-basta. Huwag dito" Tumango lang siya kaya nag lakad na kami papuntang garden.
Pag punta doon, Thankyou lord! Dahil kaming dalawa lang ang nandito. Ohmygod! Heto na, Magkakalove life na ako. Excited at kinakabahan ako ngayon.
Sisimulan ko na ang speech ko tapos BOOM! Aamin din siya na gusto na rin ako tapos magiging kami na. Hihihi. Hindi ko kayang tumingin sakanya kaya tumingin na lang ako sa lupa.
"Ehem. Justine, una sa lahat inipon ko ang lakas na loob ko para lang sabihin 'to sayo. Matagal ko ng itong pinaghandaan.Alam kong mabait ka, matalino ka, mapagmahal ka, malakas ang loob mo, mabuti kang anak, kapatid at kaibigan. Idagdag pa doon na gwapo ka. Gusto kong malaman mo na---"
"JUSTINE!" Da fak! Hayop ka talagang lewis ka! Hindi ko na kailangan lumingon dahil kilala ko na ang boses na 'yan.
Lumapit si lewis dito at gustong gusto ko na siyang sakalin ngayon.
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni lewis.
"May sasabihin kasi sa'kin si mariah. Ituloy mo na. Gustong mong malaman ko na ano?" Sht. Kailangan umalis ni lewis para masabi ko.
"N-na a-ano ahm..." Ano sasabihin ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin habang nandito si lewis. Paano pag nahiya siyang sabihin na gusto niya rin ako? Dahil nandito ang kumag na 'yan. Nakakahiya kayang magtapat kapag nandiyan ang kaibigan mo.
Naghihintay silang dalawa sa isasagot ko. "G-gusto kong malaman mo na isa kang huwarang estudyante. Oo iyon nga. Hehehe" Saan ko napulot ang sinabi ko? Huwarang Estudyante? Geez.
Tinignan nila ko na parang nawi-weirdohan saakin. Sana mawala na lang ako na parang bula. Nakakahiya! Shemay.
"Huwarang estudyante? Si justine? Hahahaha! Comedy ka pala mariah eh." Natawa na silang dalawa. Sht. Sobrang nakakahiya.
"Mariah naman. Nambola ka pa." Sabi ni justin. Soooooobrang nakakahiya na talagaaaa!
*KRIIINNNGGG*
YES YES YEAH!
Saved by the bell. Salamat talaga lord! Nag bell na ibig sabihin simula na ng klase.
"Baka ma-late pa tayo, tara na?" Pag aaya ni lewis saamin ni justine."Ah mauna na lang kayo, may tatawagan pa kasi ako eh." Wala naman talaga akong tatawagan eh. Nahihiya lang ako sumabay sakanila.
Hindi kami magkaklase. Si justin at lewis ay section 4-B. Kami naman ni callia, 4-C. Pero hindi kami bobo ah. Limang section per year level. Sa isang classroom, 40 students ang laman.Tumango lang sila at tumalikod na para maglakad papuntang room nila. Pero napahinto si lewis kaya huminto rin si justine.
Lumingon si lewis saakin.
"Nga pala, Thankyou dito." Itinaas niya ang kamay niyang may hawak na hershey's chocolate."H-ha?" Takang tanong ko. Nakaharap na silang dalawa at tulad ko, mukhang naguguluhan din si justine sa sinabi ni lewis.
"Pinabigay mo kay callia 'to para iabot sakin diba? Ikaw talaga. Sabi ni callia, nahihiya ka daw ibigay sa'kin 'to kaya siya ang inutusan mo na ibigay to saakin. Thankyou ulit ah? Paano mo nalaman na paborito ko 'to? Ikaw ha?" Ngumiti siya ng nakakaloko saakin.
"Hindi ko alam na crush mo ako. Una na kami bye!" Nakangising sabi niya. Tumalikod na si lewis at bago pa tumalikod si justine, nginitian ako ni justin. Yung ngiti na sinasabing 'crush mo pala kaibigan ko ah'. At tuluyan na nga silang umalis.
Naiwan akong nakatulala doon at gulong gulo sa nangyari. What the hell?! Anong pinagsasabi niya?
*End Of Chapter 2*
BINABASA MO ANG
This Confession Sucks
Fiksi RemajaSa tuwing aamin ako ng nararamdaman ko, Bakit laging may pumipigil? May galit yata sa akin ang tadhana. Susuko na ba ako o susubukan ko ng paulit-ulit? I am Mariah Li and this confession sucks.