Chapter 4: Damn that fire alarm!

28 2 0
                                        

Mariah's Point Of View

"Ayos! Tara na mariah, 'Wag ka na mag inarte dyan. Si lewis na ang tumawag sa'tin. Lezgow!"
Alam kong gusto na akong hilahin ni callia papunta kela justine kaso may hawak siyang tray.

Nauna maglakad si callia kaya no choice ako kundi sundan siya at maki-join na sa dalawang lalake.

"Hi justine! Hi lewis! Thankyou nga pala, akala ko kakain kami ni mariah ng nakatayo eh." Daldal ni callia nang makaupo na kami. Katabi ko si callia, kaharap ko si lewis at kaharap ni justine si callia. Gusto ko pa naman sa harap ni justine. Psh. Nauna kasi umupo si callia eh. Dapat pinag bigyan niya na ako 'no.

Tinignan ko si justine habang kumakain. Nang mapansin niya, tumingin siya sakin at ngumiti. Ayayay! Mahihimatay na yata ako. Ginantihan ko naman siya ng ngiti at sinimulan ko ng kainin ang pagkain ko. Ganun din naman ang ginawa ni callia.

"Wala yun. Alam ko naman na dito kayo pupunta samin eh. Nahihiya lang itong si mariah sa'kin. Kaya tinawag ko na kayo." Bigla akong nabulunan. A-anong---? Ang tindeee.

"Oh dahan-dahan naman. Nabigla ka ba sa sinabi ko? Sorry." Inabutan ako ni lewis ng tubig kaya ininom ko na. Tumawa si calli na halata naman na peke. Tss.

"Ha ha ha. Bakit naman siya mahihiya sa'yo? Atska hindi naman talaga namin kayo pupuntahan dito." Tama. Tama yan calli. Tinuloy ko na ulit ang pagkain ko. Bakit ang tahimik ni justine? Na turn off kaya siya dahil nabilaukan ako? Ang baboy naman kasi.

"Wag niyo na i-deny. Tayo-tayo lang naman eh At isa pa..." Tumigil si lewis sa pag sasalita at ramdam ko na tumingin siya sa akin.

"Kaya nahihiya si mariah kasi nga alam niyang alam ko na na may gusto siya sa akin." What the fck. Narinig ko pa siyang bumulong. "Nakakahiya naman talaga"

Agad ko siyang tinignan ng masama. Walang hiyang 'to. Tumigil si justine sa pagkain at tumingin sa amin dalawa ni lewis. "Alam niyo.."

Tumigil siya saglit at hinawakan ang baba na parang nag iisip.
"Bagay kayong dalawa. Sino ba ang manliligaw sa inyo?" Pagtutuloy niya.

Dyahe! Nasaktan naman ako d'on. Tayo kaya ang bagay. Anla!

Ngumuti at nag kibit balikat lang si lewis habang kumakain.
"Honestly, I don't like lewis. Nag kamali lang si callia kanina." Sabi ko habang nakatingin kay lewis.Tumingin siya sa akin habang ngumunguya. Tinignan niya ako na parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

"Yes. Mariah is right. Sorry nag kamali ako." Natawa si lewis saglit at tumingin kay callia.

"Paano ka naman mag kakamali? Sobrang liwanag ng pagkakasabi mo na para sakin ang chocolate na 'yon. As i've said, ok lang sa akin na crush ako ni mariah. Hindi niyo na kailangan pang mag sinungaling." Umiling iling siya at tinuloy ang pagkain niya.

"Mariah wala naman magiging problema kung crush mo si lewis eh. Ah gusto niyo tulungan ko pa kayong magkatuluyan?" Nakangiting sabi ni justine sa akin. Ouch. Bakit ganyan ka? Ayoko kay lewis gusto ko ikaw. IKAW.

Tumingin na lang ako sa pagkain ko. Wala na akong gana. Tss. Mag sasalita pa lang sana si lewis kaso biglang nag salita si calli.

"Nag kamali lang talaga ako guys. Para kay sayo talaga yon justine. Akala ko kasi kay lewis niya gustong ibigay."

Mabilis akong tumingin kay calli habang ang mga mata ko ay nanla-laki. Ohmygod! What are you saying callia mier? Dito na ba ako mag co-confess? Hala hindi ako ready! Miski ang dalawang lalake ay natigilan.

"P-para sakin?" Takang tanong ni justine. "O-oo hehe. Sayo talaga gustong ibigay ni mariah 'yon. Promise!"

Dahan dahan kong tinignan si justine na halatang nagulat pero agad din naman itong napalitan ng pag tataka.

"Bakit sa'kin? Don't tell me-ako ang--" Bago pa niya matuloy ang sinasabi niya, biglang tumunog ang fire alarm.

Agad agad kaming nag tago sa ilalim ng lamesa. Isang mahabang bell at pagkatapos ay tatlong sunod sunod na bell ang tumunog. Kaya mabilis at natataranta kaming lumabas ng canteen.

This is the 2nd time. Aamin na sana ako sakaniya. What a beautiful day -____-

*End Of Chapter 4*

Author's note:
Sorry sa short update. Thankyou for reading guys!

This Confession SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon