Chapter 5: Savior Lewis Herin.

38 2 0
                                        

Mariah's Point Of View

Bad trip ako ngayon. Nasa classroom ako at nakikinig kay Mrs. De Fuente ang teacher namin sa filipino. Nakikinig nga ba ako? Kanina pa ako nakabusangot dito. Walang sunog. Napindot lang ng walanghiyang ka-schoolmate namin. Pero napangiti ako dahil may na-alala ako.

***FLASHBACK

Nag mamadali at mabilis kaming nag lalakad palabas. Hindi kasi pwedeng tumakbo dahil ang daming estudyante na nag pa-panic. Medyo nababasa na rin kami dahil sa fire sprinkler na nasa itaas. Automaic na gagana ang fire sprinkler kapag pinindot ang fire alarm.

"Calli--"
Lumingon lingon pa ako pero walang callia mier. Nasan na ang babaeng 'yon? Si justine at lewis ay nowhere to be found na rin.

Nang pababa na ako sa huling hakbang ng hagdanan, may gagong tumulak sa akin kaya nahulog ako at ang paa ko pa ay mukhang hindi ko mailalakad ng maayos dahil sa sobrang sakit. @#$%&ng lalake 'yon. Hindi man lang niya ako tinulungan. Hindi nga tumingin sakin eh. Gagong 'yon. Kapag nakita ko lang siya. Kaso nga lang hindi ko nakita ang mukha niya.

Sinubukan kong tumayo pero wala eh. Ang sakit talaga. Nasaan ka na ba justine? Huhu. Sana makita mo ako at buhatin hanggang makalabas dito. Naiiyak na ako dahil walang taong tumutulong sa akin. Justine! Nasaan k--

May taong biglang bumuhat sakin na parang bagong kasal. Laking gulat ko nang makita ko kung sino 'to.

"L-lewis" Mahina kong nasabi. Naglalakad na siya habang buhat-buhat ako.

"Bakit umiiyak ka? Dapat humihingi ka ng tulong. Pa'no na lang kung wala ako? Tsk." Napayuko na lang ako. Ayoko naman sungitan o sumbatan siya. Siya na nga tumulong eh. May point rin naman siya. Baka nga nasunog na ako kung hindi pa dumating si lewis. Teka, may sunog nga ba? Parang wala naman.

Narinig kong nag 'ehem' si lewis.Tinignan ko siya, diretso lang ang tingin niya sa daan. "Yung kamay mo *cough*" Oh. Ang higpit na pala ng pagkaka-kapit ko sa leeg niya. Kaya agad kong niluwagan.

"Sorry." Hindi na siya nag salita. Yumuko na lang ulit ako. Medyo na aamoy ko ang hininga ni lewis dahil malapit lang ang mukha niya sa mukha ko. Ang bango. Amoy mint.

Napatingin ako sakanya. Gwapo rin naman si lewis. Maputi, Singkit, matangos ang ilong, manipis at mapula ang labi. Walang bahid ng pimple o kung ano man sa mukha niya. Siguro kung lalake lang ako, insecure na insecure na ako sakanya.

Nabigla ako nang bigla siyang tumingin sakin kaya mas malapit na ang mukha namin sa isa't isa. Napalunok tuloy ako ng laway. SHUTANGINA!

"Shit!" Mura niya. Oh My god! Muntik na. Muntik na talaga. Natapilok kasi siya kaya muntikan ng mag dikit ang mga labi namin. Iniwas ko ang tingin ko at yumuko nalang ulit at ulit. Pinagpapawisan tuloy ako. Hala! Ang bagal naman namin makalabas.

Pagkalabas namin, agad kaming tinulungan ng mga taga-clinic. Tinignan nila ang paa ko at may ginawang kung ano-ano. Sinabi nilang aksidenteng napindot ang fire alarm kaya pinabalik na nila kami sa classroom. Yung taong nkapindot naman suspended. Ewan ko kung ilang araw.

Sinabi ng nurse na nabalian ako. Gusto pa niya akong mag stay sa clinic kaso sabi ko huwag na. Simpleng bali lang naman 'to. Iika-ika nga lang akong mag lakad.

Pag balik ko sa classroom, nandoon na ang teacher namin. Nag paumanhin ako dahil late ako sa klase niya at dahil mabait siya, Pinaupo lang niya ako sa pwesto ko. Halatang gustong gusto na ako tanungin ni callia kung anong nangyari sa paa ko.

Tinignan ko siya na nag sasabing mamaya ko na sasabihin. Dahil ayokong makipag daldalan habang may nag tuturo sa harap. Haaay. Nakaka badtrip.

***END OF FLASHBACK

Mabait din pala si lewis. Hindi pa pala ko nag papasalamat sakanya. Nakakahiya naman tuloy. Hayaan na nga, kapag nag kita na lang kami.

May tatlong rason kung bakit badtrip ako ngayon.

Una, Ma-aamin ko na sana kay justine kaso may tangang estudyante. Nandun na eh. Tatanungin na sana niya kung siya daw ba ang gusto ko. Tsk.

Pangalawa, Sa lalakeng nag tulak sa akin.

Pangatlo, Paano ako makakalakad ng maayos? Iika-ika akong mag lalakad ngayon. Hindi tuloy ako makakagala.

Bakit ang sama ng araw na 'to sakin? Linggo-linggo naman akong nag sisimba ah. Nag huhulog pa nga ako ng pera sa simbahan. Di 'ba tuwing mag mi-misa may mga madreng nag i-ikot habang hawak ang isang basket at doon ka mag huhulog ng pera, kahit mag kano pa ang gusto mo? Diba?

Natapos ang time ng filipino na kaunti lang ang natutunan ko. Buti nga may natutunan pa eh.
Nakipag palit si callia ng upuan sa katabi ko kaya siya na ngayon ang katabi ko.

"Istart-eran mo na, ngayon na. Simula ng lumabas tayo sa canteen hanggang sa makalabas ka." Sinimulan ko na nga ikwento sakanya ang lahat. As in lahat. Kasama na doon ang muntikan na 'yon. Pero hininaan ko lang ang kwento pag dating sa part na 'yun. Baka kasi may makarinig at makarating pa sa kung saan-saan ang chismis. Mabilis kumalat ang chismis lalo na sa mga taong chismosa't chismoso.

"Nakakakilig friend! Sa totoo lang, bagay talaga kayo. Sayang naman ang muntikan na 'yon. Ipa-pilay mo pa nga yung isa para buhatin ka ulit tapos matatapilok na naman siya tapos ayun na! Natuloy na ang muntikan!" Binatukan ko naman siya.

"Sira ulo! Mas bet ko pa kay justine." Nakita kong nag bago ang expression ng mukha niya.

"OMG! May sasabihin pala ko sayo. Tungkol kay fafa justine mo." Hininaan niya ang pagsabi ng 'tungkol sa fafa justine mo' Kinabahan ako. Base sa magandang mukha niya, hindi maganda ang sasabihin nito.

"A-ano yun?" Kabado ngunit kalmado kong tanong. Kalma lang mariah. Kapag ganyan kasi ang mukha ni callia hinding hindi mo magugustuhan ang malalaman mo.

"Kasi ganito 'yon." Lumapit siya sa tenga ko at bumulong.

"Kanina, paglabas namin nakita ko si justine sa lugar kung saan bihira lang ang makakakita. Nakita ng dalawang mata ko na may lalakeng nakayakap sakanya."

*End Of Chapter 5*

A/N: Maraming salamat sa pagbabasa. Pasensya sa maikling update. Goodnight! :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This Confession SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon