The lady with a fragile love
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental
~~~~~
"Bitawan mo'ko sabi, ano ba!" galit na galit kong sigaw sa kaniya dahil hinawakan niya bigla ang braso ko, pinipigilan ang pagalis ko....
Ang pag alis ko sa buhay niya
"Babe, wag mo'ko iwan please. Subukan ulit natin hm? please wag mo'ko iwan diko kaya eh, please wag naman ngayon parang awa muna Babe wag mo'ko iwan" nakaluhod siya habang binibigkas ang mga salitang mas lalong nagpapasikip ng hininga ko... mga salitang tumuturok sa puso ko.
Diko talaga kayang makita siya na umiiyak dahil nasasaktan ako.....nanghihina ako sa tuwing makikita ko siya na umiiyak lalo na at ako ang dahilan ng mga luhang lumalabas sa mga mata niya
Parang Tanga lang Mia, sinaktan ka ng lalaking nakaluhod sa harap mo pero naawa at nahihirapan kang makita siyang umiiyak.
Come on, Mia. Wag ka magpadala sa acting niyang boyfriend na magiging ex muna dahil kapag pinatawad at pinagbigyan mo ulit siya sa gusto niya eh uulit ulitin na naman niya ang panggagago sa'yo. Sasaktan niya ulit 'yang puso mo
Tama, tama ang sinasabi ng utak ko dahil kapag hindi ako nakipaghiwalay sa kanya ngayon, gagawa na naman siya ng kagaguhan at masasaktan na naman ako.....
Ako na naman ang kawawa
Ako na naman ang aasa na magiging okay ulit ang lahat
Ako na naman ang magmamahal sa kaniya ng sobra
Huminga ako ng malalim at pinilit ko ang sarili ko na wag siyang kaawan sa itsura niya dahil bakas ang sakit, lungkot at pagsusumamo na wag ako umalis, kitang kita ko sa mga mata niya na nahihirapan na din siya
Pero hindi ako magpapaapekto dahil alam kung palabas ulit ito. Hindi ko pwedeng pagbigyan ang gusto niya ngayon..... tama na... tama na ang apat na beses akong nagpakatanga sa kaniya, nagpauto at nagsayang ng panahon sa kaniya.
"Break na tayo, kaya tumayo kana diyan at ayusin mo ang sarili mo dahil kahit umiyak kapa ng dugo at lumuhod ng ilang beses sa harap ko, hindi na magbabago ang desisyon ko. Tapos na tayo Jake" pagkatapos kong sabihin ang mga salitang 'yon ay tumakbo nako at hindi na hinintay ang paliwanag niya.
habang sinasabi ko sa kaniya ang mga salitang iyon ay sumasakit ang dibdib ko. Nasasaktan ako pero diko kaya na makipagrelasyon ulit sa kaniya
Masakit ang alaala niya para sakin dahil panloloko lang ang ginawa niya, kaya mahirap para sa'kin na patawarin siya at tanggapin ulit sa buhay ko
Nasasaktan ako sa mga sinabi ko sa kaniya dahil kahit gaano kabigat ang atraso niya sakin ay may parte parin sa puso ko ang nagsasabing mali ang ginawa ko, mali ang sinabi ko....
mali dahil..... mahal kopa rin siya sa kabila ng mga ginawa niya
YOU ARE READING
The Lady with A Fragile Love
RomanceThere is a lady named Mianah Maureen R. Gutierrez. She have a simple life. She have a boyfriend-soon-to-be-Ex named Mark Jakeson L. Ramsay. Ang lalaking nagpa iyak at dumurog ng puso niya. Hanggang saan ang kaya mong ibigay na pagkakataon sa taon...