CHAPTER 1

7 1 0
                                    

The lady with a fragile love

MIANAH POV


Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom namin para dun na lang hintayin ang bestfriend kung late lagi kung pumasok.

Ang ingay grabi. Para akong nasa concert ni Alden Richards nito. Hindi pa nga nagsisimula ang laro at try out pa lang, todo cheer na mga studyante. Makasigaw kasi mga studyante lalo na ang mga babae parang wala ng bukas, samantalang three days pa yung program

Every ZoneMeet na lang ata talaga iingay ang school namin dahil sa mga players na naggagwapuhan at naglalakihan ng katawan

Yes girl, you read it right. Malalaki talaga katawan nila at blessings yan para sa mga babae na malalantud HAHA juk

Ang Daming tao. Bukod kasi sa mga players ay marami ring outsider na pumapasok sa loob ng school namin na gustong manuod ng laro.....

Manuod nga ba or pumunta lang sila para makita ang mga players dahil karamihan sa kanila ay may itsura at magagaling maglaro sa kahit anong sports.

Hindi ko rin naman sila masisisi dahil nakasalubong kuna ang ibang players at masasabi kong may itsura nga sila. Yung tipong mapapanganga kana lang dahil sa taglay nilang kagwapuhan at kakisigan. High School pa lang sila pero nakahulma na ang mga katawan.

Nung malapit na'ko sa classroom namin ay nakasalubong ko Adviser namin na si Miss, Alapin. Bata pa ito pero strikto at masungit . Tinawag niya ako kaya lumapit ako sa kanya para marinig ko kung ano man ang sasabihin niya

"Good morning po, Miss Alapin. Bakit niyo po ako tinawag?" magalang na tanung ko sa kaniya.

"Good morning. It's good that you are the first i saw in our section because i will assign you to check the attendance since ikaw ang President ng section natin" paguutos ni Miss sa'kin. Dapat pala nagpalate na lang ako di hindi sana ako nautusan

"Okay po, Miss. I will do it po" magalang na sagot ko. Pambihira pati pag check ng attendance trabaho na rin ng studyante. Asan sahod ko kung ganun?

"Thank you, Mianah. Give me the attendance sheet later in covert court if you're done, okay?" covert court? Ibig sabihin manunuod si Miss kaya siya pupunta dun. Makakanuod sila pero ako hindi! "at wag kang aalis sa loob ng classroom hanggat hindi mo tapos ang pagchecheck ng attendance." great! hindi ako makakanuod ng laro dahil maaga pa at mukhang mamaya pa darating ang mga classmates ko. Kaya matatagalan ang pagchecheck ko ng attendance.

"Noted po Miss" sagot at pag sunod ko sa utos niya dahil wala naman ako magagawa eh, Professor ko siya, studyante lang ako. Ano laban ko diba?

Pagkapasok ko sa loob ng classroom namin ay umupo ako sa pinakalikod dahil nawalan na'ko ng energy para sa araw na'to.

Ayts. Nilabas kona lang ang ballpen ko at inihanda kasama ang attendance sheet na pagchechekhan ko. Natulala ako dahil wala akong kasama sa loob ng classroom namin at napakatahimik. Ang boring boring ng araw ko

"Sana pala 'di na lang ako pumasok para hindi ako nautusan. Excited ako pumasok kanina kasi gusto ko manuod ng laro lalo na sa Basketball game huhu kaso 'di nako makakanuod dahil may gagawin ako" pagkausap ko sa sarili ko. Nageemote ako dahil hindi ako masaya ngayon, dahil 'di ako makakanuod ng laro.

Sad ako ngayon

"Bakit kaya wala pang pumapasok na kaklase ko? Kanina pa' ko andito at naghihintay pero wala parin dumadating" tanung ko sa sarili ko dahil nakakapagtaka na wala pakong nakikita na kaklase ko magmula kanina.

Tumayo ako saglit at sumilip sa labas ng bintana. Lumapit pa'ko ng kaunti at nakita ko ang maraming studyante na sobrang saya nila. Yung iba kasama kaibigan nila na manuod at yung iba naman ay pagkain ang kasama-este dala dala na akala mo manunuod ng cine, samantalang laro ang papanuorin nila. Food is life talaga.

Bumalik nako sa pwesto ko kanina sa likod at umupo dahil naiinggit lang ako sa mga studyante na masayang nag aabang na mag simula ang laro. Ang saya saya nilang lahat. Buti pa sila masaya at nageenjoy, samantalang ako ito malungkot at mag-isa sa loob ng classroom

Sino ba naman kasi ang hindi malulungkot kung inutusan kang magcheck ng attendance diba? Imbes na nasa gymnasium ako at naghihintay na magsimula ang laro e andito ako sa classroom, magisa na para bang nakalaan talaga ito para sa'kin at hindi ang panunuod ng laro.

Sana all nasa labas!

Sana all masaya!!

Sana all nageenjoy!!!

Sana all nanunuod ng game!!!!

"Pano ko kaya maeenjoy ang ZoonMeet kahit na may ginagawa ako?"tanung ko sa sarili ko dahil kailangan ko libangin sarili ko kasi kung hindi, mababaliw ako dahil wala akong kasama ngayon. Di ako sanay na mag-isa dahil kasama ko lagi yung bestfriend kong lokaloka.

" Teka, speaking of lokaloka, bakit wala pa yong babaeta na yon? sobrang late nam-" naputol ang tanung ko sa sarili ko dahil biglang may tumawag sa'kin

"MM, asan ka?" narinig kung tanung ng malantud-este maingay kong kaibigan na si Betally

Hindi ako sumagot dahil wala parin akong energy. Feeling ko kinuha lahat ng attendance na'to ang energy ko e. Juk HAHA OA ka girl

"There you are" niyakap niya ako agad nung makita niya ako. "Akala ko nasa labas ka e, buti na lang at dito ang una kong pinuntahan" pagkausap niya sa'kin na malakas ang boses na akala mo malayo ako. Tsk, maingay talaga tong babae nato

"oo andito lang ako at kanina pa sa totoo lang. Bakit ngayon ka lang pumasok? Sobrang late muna alam mo ba yun?" tanung ko dahil late ito lagi pero never lumampas ng 1hr kaya nakapagtataka ngayon.

"Anong ngayon lang pumasok? Duhhh, kanina pa'ko andito babe ano kaba. Nasa gymnasium ako kasama ko yung mga classmates natin nanunuod ng laro" wtf. So, naghihintay pala ako sa wala ganun? kasi andun pala silang lahat sa Gymnasium samantalang ako, andito at hinihintay sila na dumating! Mga Yawa kayo.

"Bwisit naman oh. Kanina kopa kayo hinihintay lahat kasi magchecheck ako ng attendance kaso di ako makapagcheck dahil ni isa senyo wala pang pumapasok dito sa classroom dahil nasa Gymnasium pala kayong lahat at nanunuod ng laro" naiinis ako! kanina pa pala sila andito pero di man lang nila naisip na pumasok saglit sa classroom para sa attendance nila.

Pano nga pala nila maiisip na pumasok saglit dito kung nakahain nasa harap nila ang mga players na naggagwapuhan at naglalakihan ng katawan diba? mukhang nablangko utak nila na ATTENDANCE IS A MUST dahil sa mga players

Halatang malalantud mga classmates ko dahil inuna pa nila mapanuod at icheer ang kaniya kaniyang crush nila keysa sa attendance nila.


:) "Let us always meet each other with Smile, for the smile is the beginning of love"


- Mother Teresa

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hi po. Pasensya nasa story ko kasi first time ko magsulat(type) sa wattpad. Hindi pa ako magaling Eheh kaya sana po don't judge me hehehe.

Enjoy po sa pagbabasa! ♥️

Kapag binasa niyo po itong story ko, ngayon pa lang po thank you!








The Lady with A Fragile LoveWhere stories live. Discover now