CHAPTER 6

0 0 0
                                    

The lady with A fragile Love

"Bakit mo alam ang pangalan ko?" Tanong ko sa kaniya sabay tingin ng masama. Kinikilabutan ako sa lalaking to

"I'm Mark Jakeson Ramsay in case you forgot, MM" he said then, wink at me, Again. Yuck! Nakakasuka. Kung sa ibang babae niya siguro ginawa yun nangisay na sila sa kilig

Bakit ba panay ang kindat niya sakin. Nakakainis ha. Kung isa yan sa mga da-moves niya para magpapansin at pakiligin ang babae well, ibahin niya ako kasi hindi ako kinikilig. Naiinis ako sa totoo lang

The first time i saw him, i hate him so much! Ayaw ko sa buong pagkatao niya!

"So? You know what Mr. Ramsay i don't like the idea calling me MM by you. My nickname, whole name only belongs to those people who i know and in fact, i don't know you so, stop calling my name Mr. Wink" mahaba kong paliwanag dahil naiinis ako sa kaniya. Inform na natin siya para maaga niyang malaman na wala siyang karapatan na tawagin ako sa pangalan ko

We don't know each other

We're not friends nor close

Ang kapal lang ng mukha para tawagin niya ako sa pangalan ko na para bang close na close kami.

"Woooooo"

"Smooth"

Komento naman ng mga ka teammates niya. Parang mga baliw.

"But I like calling your name. What's wrong with that? i don't see any reason to not be calling you by your nickname or even your whole name" paliwanag ni playboy. Ughh! meron at meron talaga siyang isasagot sa mga sinasabi ko.

Dahil nakaupo ako at kumakain pa, unti unti akong tumayo at nilapit ang mukha ko sa kaniya ng sa gayon ay madama niya ang inis ko sa pagkatao niya.

"Reason? Ok I'll give you one reason why i don't want you to call me. I. DON'T. KNOW. YOU. I don't fucking know you so technically, you don't have the rights or permission to call my name. Is that enough reason to stop you calling my name?" sinasabi ko ang mga katagang yan ng deretsong nakatingin sa mga mata niya. Inis at pagka disgusto ang pinapakita ko sa lalaking to. Ghosh, na stress ako sa playboy na'to.

" HAHAHAHAHA" tawa ni playboy pagkatapos ko siyang sungitan at sabihan ng mga salitang ngayon ko lang sinabi sa isang lalaki.

Ang sarap manakal ng tao lalo na kung yung kausap mo ay baliw. Walang nakakatawa sa mga sinabi mo pero yung kausap mo nagawang ngumiti at tumawa. Wth diba. Baliw ata tong lalaking to e.

"Anong nakakatawa sa mga sinabi ko?" galit kong tanong sa kaniya dahil hindi parin siya tumitigil sa kakatawa.

"HAHAHAHAHA" tawa niya ulit

"Ano ba kasing nakakatawa?!" galit kong tanong dito. Mukhang napatigil ito sa pagtawa dahil tumaas na ang boses ko tumingin na rin ang ibang studyante sa mesa namin.

Lumingon mona ito sa paligid at sinabing ok lang daw kami, may pinaguusapan lang. Nagpaliwanag pa e wala naman nagtatanong sa kaniya.

Pagkatapos niyang magpaliwanag sa ibang studyante na nakatingin sa'min ay tinignan niya ako at unti unti na namang sumilay ang ngiti sa mga labi nito. Kinagat niya ang pang ibabang labi niya para pigilan ang tawa na gustong kumawala.

"Walang nak-kakatawa s-sa sinabi mo MM, natawa ako kasi ang sungit mo e, para kang Bulkan na ready nang sumabog anytime. Ang pula ng mukha mo tuloy" lumapit ito sakin at dahan dahan niyang tinaas ang kamay niya habang nakatingin ng diretso sakin. Deretso sa mga mata ko " Natuwa ako kasi mas binigyan mo nang pansin ang galit mo sakin keysa sa Kanin na nandiyan sa mukha mo" bigla niyang hinawakan ang mukha ko at dahan dahan na tinanggal ang kanin na nakalagay sa gilid ng labi ko.

Ang lapit ng mukha namin sa isa't. Isang tulak lang nila samin mahahalikan na'ko ng lalaki na 'to...Na hindi ko papayagan. No, never!

Habang hawak niya ang mukha ko ay titig na titig ito sa lips ko na para bang gusto niyang halikan. Matagal niyang tinignan ang mga labi kong natural ang pagkapula.

"Next time Miss, make sure na walang naiiwan na kanin sa napakaganda mong mukha bago mo' ko sigawan ha? oryt baby?" pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang yan ay gusto kona lang magpalamon sa lupa! Nakakahiya!

LUPA, LUPA, AKO'Y LAMUNIN MO NYAYON DIN!

NAKAKAHIYA!

" HAHAHAHA" tawa ng mga teammates niya.

Sh*t. Nakakahiya talaga

Lintik na lalaking 'to. Pinahiya pa' ko sa harap ng teammates niya

Hindi dapat niya makita na naapektuhan ako sa pagpapahiya niya sakin. Kailangan bumalik sa masungit na MM.

Back to Attitude mode

"E, ano naman kong may kanin sa mukha ko? duhhhh! kanin lang yan at di yan nakakamatay. Di mona kailangan na tanggalin pa sa mukha ko yung kanin kasi kaya kong tanggalin magisa"

"Is that so? kasi sa tingin ko kailangan mo ng tulong ko para tanggalin yang kanin na nakadikit sa mukha mo e. Or masyado ka lang namangha sa kagwapuhan ko kaya dimo napansin na may kanin na pa lang nakadikit sa gilid ng labi mo?" unti unti na naman siyang lumalapit sakin"Hindi kita magsisisi kasi gwapo naman talaga ako"

Ughhh!! Kapal ng face nito. Masyadong mahangin

Kung makapuri sa sarili akala mo naman siya na pinaka gwapo sa buong mundo. E, mas gwapo pa panabong ni papa ko keysa sa kaniya.

San ka siya kumukuha ng kapal ng mukha para makapagyabang siya? Porke mayaman at famous, gwapo na agad? Diba pwedeng dahil playboy ka kaya ka naging famous.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Lady with A Fragile LoveWhere stories live. Discover now