CHAPTER 3

9 0 0
                                    

The lady with a fragile love

"Mia, dito kana sa tabi ko dali" bungad agad sa'kin ni Albert pagkarating namin sa pwesto kung saan sila nakaupo. Kinuha niya ang kamay ko at pinapaupo sa katabi ng upuan niya.

Nung uupo na sana ako ay bigla akong sinabihan ng Wait  ni Ally sabay  hawak sa  kamay ko.... pinipigilang maupo

Pagkatapos akong paalisin sa upuan katabi kay Albert ay binalingan naman niya ito ng tingin at nakipagrebatihan.

"Hoy, anong diyan na? no way! Sa'kin tatabi ang kaibigan ko dahil may  nakareserve ng upuan kaya dito siya sa tabi ko." pakikipagtalo pa ni Ally kay Albert kung kanino ba'ko tatabi.

Natawa na lang ako dahil nagtatalo pa silang dalawa kung sino ba dapat ang katabi ko at kung saan ba'ko uupo.

Pinagaagawan pa talaga nila ako. Ayts, ang ganda ko talaga. Ito yung isang problema ko sa pagiging maganda e, lagi akong pinag aagawan.

Iba ang karisma ng beauty ko.

Pagkita ko sa ibang studyante malapit sa kinatatayuan namin ay nakatingin sila sa'min na akala mo mga artista kami na umaacting dahil tutok na tutok talaga sila sa kung ano ang nangyayari at sa susunod na mangyayari.

Napabuntong hininga na lang ako at pinigilan ang dalawa dahil kung hindi, baka hindi na basketball game ang papanuorin ng mga 'to kundi kami na

"Wag na kayo mag-away kung kanino ako tatabi kasi pinagtitinginan na tayo ng ibang students oh." mga marites, nakikinig pa talaga sila with matching lapit ng katawan sa'min.

Kung ako, iba ang karisma ng beauty.... Yung mga Marites dito iba ang bagsik ng tainga at bibig.

" Albert pasensya na ha, kay Ally na'ko mauupo kasi siya ang kasama ko at nakapagreserve na siya ng upuan. Next time na lang ako mauupo sa tabi mo"

"Sige ayus lang Mia. Sa susunod na lang tayo magtatabi. Kapag pinilit at nakipagtalo pa'ko kay Betally baka lahat ng students  ang makikinig at manunuod sa'tin" pagsabi niya. Natawa na lang ako kasi tama naman siya . Marami kasing mga Marites dito, babata pa pero, chichismosa na

"Sige, upo na kami ah. See you na lang mayang lunch break" pagpapaalam ko sa kaniya.

Umupo na kami sa pwesto namin ni Ally. Nakakaloka, nag away pa silang dalawa kung saan ako uupo, samantalang magkalapit lang mga upuan namin.

"A pleasant morning to Everyone!! Today, we all gather here at MCNHS to have are Zone Meet  2015. Before we proceed to our  game, I would like  to  make a few  announcements." pagintro ng MC na si Miss/Sir Jay. Diko sure gender niya medyo magulo kasi

"First of all, please be informed that the estimated duration for this event will be most likely around 2 hours, or the maximum duration will be  around 2 and a half." ay bongga matagal ang oras ng basketball. Sulit ang pagpasok ni Ally nito. Matagal ang laro dahil magagaling ang mga players at halatang wala sa vocabulary nila ang salitang TALO. Makikita mo talaga na competitive silang lahat.

" On Day 1 of this  program, it will open by  Parade  of our Miss and Mr of every school, together with the players and demonstration of cheers from each team. On Day 2,  the battle of  Champion to champion will  begin. On Day 3, it will serve as our Awarding Ceremony to the best  players of this school  year"

"As you can see today, we have 6 schools and every schools have a representative teams that will challenge and compete among other teams."

"And i can say that today is such a great day  as we have  gather  the young players and of course, the parents of every teams. For your information, we have already appointed some volunteer parents as the official photographer of MCNHS. They will do their best to take pictures of every single meaningful moment during the game. But.... i know,some of you might be too excited as this might be your child's first  big day, and will  step into the Gymnasium  unconsciously. Hahaha"  nagjoke pa si Miss/Sir Jay. Tawang tawa naman ang ibang parents na nakaprepared na for taking pictures of their Son.

"I do not want to waste your precious time any longer. And I'm sure that all the students" pagkasabi ni Miss/Sir Jay ng students ay biglang nagsigawan ang mga ito na akala mo may nahulog na pera galing sa langit " Professors" ang mga guro naman ang nag-ingay pero tama lang. Mas malakas parin ang hiyaw ng mga studyante "coach of every teams" malakas at nakakatakot ang hiyaw ng mga coach halatang may pinaglalaban sa sigaw nilang 'yon "and our Players" sumigaw ng napakalakas ang mga players at sinundan pa ng mga studyante dahil kinilig ang mga tao dahil yung ibang basketball players ay naghubad ng Jersey kaya kita ang pandesal nila. Nangingisay na sa kilig ang mga babae dito dahil sa pasabog ng mga players. Tumayo at tumalon talon pa ang iba dahil sa kilig "can't wait to start the game." Kita niyo naman diba? may papandesal ang mga basketball players natin. Nakakaloka kayong lahat. "Therefore, ladies and gentlemen, please be  seated and as the basketball game will start within 5 mins  from now"  pagtatapos ni Miss/Sir Jay sa napakahabang announcements.

Mag start na ang game. Nakahanda na ang mga players  at hihintayin na lang ang sasabihin ng referee kung sinong school ang maglalaban ngayong  araw

"MM, tignan mo yung number 08, mukhang magaling siya maglaro no?" Ang gwapo at ang Hot pa niya" pag kausap sakin ni Ally sabay turo sa isang matangkad, maitim ito pero bumagay sa kaniya dahil sa taglay niyang kagwapohan.

Mukhang magaling nga siya base sa kilos nito. Halata rin na siya ang Team Captain dahil hinahayaan siya  ng coach nila para  magexplain sa mga kasama niya kung saan ipepwesto ang bawat isa at kung ano ang Magiging strategy nila para sila ang unang makapuntos

Nasa bandang gilid kami at sakto ito sa pwesto nila kung saan sila umuupo. Nasa pangalawang linya lang kasi kami kaya nakikita namin sila ng malapitan. Pinagmasdan ko lang siya dahil kung mapapansin niyo ay siya ang lamang sa lahat ng kasama niya.

Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko dahil kinalabit siya ng katabi niya at tinuro ako kaya nahuli niya akong nakatingin sa kanya..

Ang sarap magpalamon sa lupa ngayon. Mekeni mekeni, dugdog doremi, lupa akoy lamonin mo, ngayon din

May binulong sa kaniya yung lalaking nagturo sakin kanina. Tumango tango ito habang nakangiti na akala mo ay maganda at magiging successful kung ano man ang sinabi ng lalaki sa kaniya. Mukhang may pinaplano ang mga ito. Tumitig mona siya sakin ng 15 seconds. Oo, binilang ko talaga kasi iba yung dating ng tingin niya sa'kin.

Pagkatapos niya akong titigan ng 15 seconds ay bigla siyang kumindat at nagwave ng kamay sabay sabi ng HI pero walang itong tunog..

Nangingisay nasa kilig ang kaibigan ko dahil akala niya, siya ang tinignan ng lalaki at nagsabi ng Hi.......

"kyahhh! MM nakita mo ba 'yon? Kinindatan niya ako tapos nag Hi pa siya sa' kin. Grabi, mahal kona ata siya bes" loka lokang tugon ni Ally. Mukhang tinamaan na ito sa lalaking 'yan dahil ang pula pula ng mukha niya at tudo ngiti pa siya.

Hinawi niya ng dahan dahan ang buhok  papunta sa likod ng tainga niya at nagpacute bigla. Gusto ko sanang sabihin na tumigil na siya sa pagpapacute kasi hindi naman siya ang kinindatan at sinabihan ng
Hi, kundi ako.....  napaisip ako bigla at napatanung sa sarili ko kong.... AKO NGA BA?

Baka  si Ally talaga at hindi ako. Baka namamalikmata lang ako. Oo, tama si Ally nga ang kinindatan at hindi ako.




~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

To all my readers, Remember this:

:) Smile Beautiful Lady. You're Beautiful. You're enough. You're worth it.

Good evening, Everyone! Enjoy reading! Sana magustuhan niyo ang update ko.

The Lady with A Fragile LoveWhere stories live. Discover now