CHAPTER 4

14 0 0
                                    

The lady with a a fragile love

Hindi ako yong tipo ng babae na basta basta naakit  o nahuhulog sa mga galawan  or yung mga damoves ng lalaki. Kaya naman, sinabi ko sa sarili ko na namalikmata lang ako at si Ally nga ang Kinindatan ng lalaki at hindi ako.

Ok lang, wala naman ako pakialam e. Hindi naman big deal sakin.

Naniniwala kasi ako na kapag ang isang lalaki gusto ang babae ay gagawa ito ng paraan kong pano niya maipapahayag ang nararamdaman niya. Kikilos ito para iparamdam at ipakita na talagang may pag tingin siya sa'yo. Hindi sa mga mabubulaklak na salita madadaan or maipapakita ang pagkagusto o pagkahulog sa isang babae. Kailangan ito ng Action. Kung nagsabi ka na gusto mo siya, pero hanggang sa salita lang. Pano niya makikita or mararamdaman na gusto mo nga talaga siya kung sa salita mo lang ito ipinahayag at hindi sa gawa, diba?

Kaya naman naisip ko na yung ginawa niyang pagkindat at pag Hi banda dito sa pwesto namin ay yun ang binulong sa kaniya ng lalaki

Kami siguro ng kaibigan ko ang napili nilang pagtripan. Ayts, mga lalaki talaga. Mukhang hindi na matatanggal sa kanila ang pagiging..... PLAYBOY

Kasalukuyang pinipili na ang top 5 sa dalawang grupo para maglaro. Hindi matigil ang hiyaw ng mga studyante lalo na ang mga babae dahil sa taglay ng mga ito na kagwapohan. Ang sakit sa tainga yung mga hiyaw nila. Yung iba kasi matitinis ang boses kaya nakakabasag ng eardrum talaga.

Idagdag niyo pa tong Katabi ko na kong makapag cheer akala mo wala ng bukas. Paos na nga siya e dahil  kanina pa siya nakikipagsabayan sa mga ibang babae.

Biglang tumayo at tumalon talon pa si Ally nong may tinawag ang announcer na kasama sa top 5. Pagkakita ko kong sino yung tinawag e, bigla akong nawalan ng gana dahil ang ganda ng pangalan niya pero playboy siya. Hindi bagay.

"And the last player is no other than, the MVP last year and team Captain of PHCP
Mark Jakeson L. Ramsay" pagkasabi ng pangalan niya ay mas dumoble ang lakas ng cheer ng mga babae. Mukhang marami siyang Fans ah, maraming maloloko nito panigurado yun.

Feel na feel kasi niya ang pagpapapogi sa loob ng Gymnasium dahil may pakaway kaway pa siyang nalalaman na akala mo artista ang peg. Hindi naman.

"Markk baby, Mahal na kita!"

Sige, sigaw mopa ate kahit paos kana. Push mo yan

"Jakeson ng buhay ko. Marry me pls"

Ay wow, ibang klase tong si ate girl. Kasal agad e playboy nga yan kaya wala sa Vocabulary niya ang salitang Kasal Dahil hindi naman siya seryuso at loyal.

"Ang gwapo gwapo mo Mark!"

"Isang pasilip naman sa abs mo Mark baby!"

Sigaw ni ateng coloring book ang mukha. Ang lakas ng pagkakasabi niya kasi inagaw niya ang microphone kay Miss/Sir Jay  kaya naman napalingon ang lahat sa kaniya, kasama na don si  Mark kuno ang pangalan. Bigla siyang Ngumiti sa babae at biglang.....

TINAAS NIYA ANG DAMIT NYA HANGGANG SA DIBDIB KAYA KITANG KITA ANG 4 PACK ABS NIYA

" Wahhhhh! Ang hot mo Mark!"

"Jakeson baby, mas hot kapa sa araw"

"MAS MASARAP KAPA SA ULAM KO, MARK!!" sigaw ni Ally na kinagulat ko dahil pati siya ay nakisigaw narin kasama ang ibang babae na halatang patay na patay sa Mark na'to.

Grabi yung hiyawan ng mga babae dahil sa ginawa niya. Si Ally dahil nakatayo siya at bigla akong sinabunutan dahil sa sobrang kilig. Kilig na kilig sila dahil nakakita sila ng 4 pack abs ng isang lalaki—wait, hindi lang pala basta isang lalaki ito dahil siya lang naman ang nagiisang tagapagmana ng mga RAMSAY CLAN. Siya lang naman Si MARK JAKESON L. RAMSAY na mayaman, gwapo "Daw" at  Playboy. Kaya hindi siya basta bastang lalaki na nakikita mo lang sa isang gilid na umiihi. Juk

The Lady with A Fragile LoveWhere stories live. Discover now