********
She hated feeling accountable to anyone. She hated the idea of her moves being censored,being followed,being talk about. It was her life wasn't it? So if she fucked it up,no body should give a damn except her.
Pero hindi ganoon ang sitwasyon. Oh,no. It was very far from it. Dahil sa mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya,kailangan niyang ma-guilty sa mga choices na ginagawa nya sa kanyang buhay.
How could she help it if she always made the wrong choices?
Kasalanan ba nyang palagi syang napapaligiran ng mga maling lalaki? Dapat din ba syang sisihin dahil naghahanap sya ng makapagpapaligaya sa kanya? Matagal na syang nag-iisa. She hate it then,she hates it still.
Naulila sya sa edad na disiotso dahil sa car crush na kinasangkutan ng kanyang mga magulang;lasing ang driver ng Expedition na nakabangga sa BMW na sinasakyan ng mga ito. Galing ang mga ito sa supermarket. Siya naman ay matiyagang nag hihintay sa mga ito sa kanilang bahay pagkagaling niya sa university kung saan nasa second year college siya sa kursong Entrepreneurial Management.SA halip na ang kanyang mga magulang ang dumating gaya ng inaasahan niya ay mga pulis ang kumatok sa kanilang pinto. Pagkatapos sabihin ng mga itong na patay na ang kayang mga magulang ay agad syang nawalan ng malay. Nang bumalik ang kanyang huwisyo,numb ang kanyang naramdaman.
Hanggang sa mailibing ang kanyang mga magulang ay parang wala sya sa kanyang sariling katawan. Pakiramdam nya,ay tagamasid lang sya. Ngunit ng makabalik sya sa kanilang bahay ay nabalot sya ng nakakabinging katahimikan,noon lang nya hinarap ang katotohanang nag-iisa nalang sya sa buhay——walang katuwang o karamay. She felt abandoned by everyone she loved.
Solong anak ang kanyang mommy;patay na ang mga magulang nito,sumakabilang-buhay noong five years old palang sya.
Dalawa lang namang magkapatid ang kanyang ama at ang kanyang tito Amado. Kaya lang ay nasa California ang kang yang tito at ang pamilya nito,kasama ang kaisa-isang lola nya;lumisan sa kanyang tito nang mamatay ang kanyang lolo anim na taon na ang nakararaan.
Nang dumating ang mga ito sa burol ng kanyang mga magulang ay hinimok sya nitong sumama pabalik sa States. Peru tumanggi sya. Iba ang buhay ng mga ito. Bukod doon,hindi sya gaanong close sa kanyang tita Monica,ang asawa ng kanyang tito. Isa pa ayaw nyang malayo sa puntod ng kanyang mga magulang. Mas gusto nyang mamuhay dito sa Pilipinas. Ayaw nyang mamroblema sa pag-a-adjust sa bagong environment. Kaya nagtiis syang mamuhay ng mag-isa.
Sa tulong ng kanyang ninong Zaldy na sya ring abogado ng kanyang mga magulang,ipinagbili nya ang kanilang bahay pagkatapos ng isang Linggo pagkalibing ng kanyang mga magulang. Hindi na nya matagalang ang katahimikan doon at ang mga ala ala ng mga ito sa bawat sulok niyon. Umupa nalamang sya ng isang condominium unit malapit sa unibersidad na pinapasukan nya.
Kalaunan ay binili nya iyon. Malaki-laki rin naman ang napagbilhan sa kanilang bahay;May insurance ang kanyang mga magulang bukod sa ilan pang mga ari-arian nila. Ang tinira lang nya ay ang bahay-bakasyonan nila sa Tagaytay. Kumikita rin kasi iyon isang magandang investment. May educational plan naman sya kaya walang problema sa gastusin sa kanyang pag-aaral. Ang natirang pera ay inilagay nya sa bangko. Interes lang ang ginamit nya sa pang-araw-araw na pangangailangan nya. Ang kapital ay ginamit nya sa business na itinayo nya pagka-graduate niya.
Gumawa sya ng sariling mundo,malayo sa mga ala ala ng kanyang mga magulang. Pinalilibutan nya ang kanyang sarili ng mga kaibigan,mga kilalang maiingay,masasaya,walang iniisip na bukas o problema.
Peru sa kabila non,hindi nya kinalimutan ang mga values na itinuro ng kanyang mga magulang. Hindi sya naglasing, nagdroga o tumigil sa pag-aaral. Na-maintain nya ang kanyang matataas na grades. Ang nag-iba lang,naging mahilig syang maglalabas,mag-food time.
At walang tigil na kaka-party,marami syang nakilala at naging kaibigan dahil sa angking kagandahan at masayang disposisyon ,mga bagay na kinainggitan ni Frida Arellano,ang sosyalerang inggitera na inis na inis sa kanya.
Kaklase nya ito sa maraming subject. Unang kita palang nila sa isa't-isa noong first year college pa lang sila ay parehong kumulo ang kanya-kanyang dugo para sa isa't isa. Sa pagdaan ng panahon,sa halip na mabawasan ang animosity sa kanilang pagitan ay lalong umigting iyo.
Lumala iyon nang maging boyfriend nya si Randolph,ang kilalang fencing champion sa kanilang school. Matagal na palang pinagpapantasyahan ito ni Frida,peru di pinansin ito ng binata. Hindi matanggap iyon ng babae. Simula noon,nagkalat na ito ng kung ano-anong masasamang tsismis tungkol sa kanya. Ito ang nagpasimuno ng pagtawag sa kanya ng "Goodtime Belle." Dahil playgirl daw sya.
Maraming naniniwala sa paninirang iyon. Eh,pano nga naman,kung sino-sino ang palagi nyang kasama? Ngunit ang hindi alam ng mga ito,mga kaibigan niya ang mga iyon. Hanggang dumating sa puntong pinanindigan na nya ang mga ibinibintang sa kanya. Tutal ay nanliligaw rin naman sa kanya ang mga kaibigan nyang iyon at dahil wala rin namang syang sabit,sinagot nya ang mga ito. Ngunit dumami ang mga iyon.
Hindi naman nya pinagsasabay-sabay ang mga lalaki; isa-isa lang. Ang kaso,sunod-sunod ang mga iyon dahil naman nagtatagal ang kanilang mga relasyon. Pinuputol ang mga iyon kapag nagiging seryoso na an ka-partner nya. Ang gusto lamang nya ay kalaro,kasama sa kasiyahan,sa gimik,sa party.
Wala syang planong magpakaseryoso saga ito. Ang gusto lang nya ay kasama. Ayaw lang kasi nyang mag-isa. Kaya nga noon,lagi syang May ampon na kaibigan sa kanyang condo unit. Kapag May trouble ang mga ito sa mga pami-pamilya, siya ang ginagawang takbuhan ng mga ito. Mabuti nalang ay hindi tine-take advantage ang mga ito ang kanyang kabutihan. Pinakamatagal na ang isang Linggong pagkikita angga ito s kanya. Maaari din namang itinataboy ni Sonja ang mga ito,ang best friend-cum-'yaya' nya.
Na meet din nya ito noong nasa college pa siya. Kung hate at first ang naramdaman nya kay Frida,friends for the lifetime naman ang drama nila ni Sonja. Bunsong anak ito ng mag-asawang Fredrick at Maia Apostol,anak ito ng kilalang fashionista. Puro maarte ang pangalan nga magkakapatid—Aleksandr,Twyla,Sonja.
Ito ang naging karamay nya sa lungkot at saya ng kanyang buhay. Nang mamatay ang kanyang mga magulang,ito ang tanging taga saway ng baguhin nya ang kanyang lifestyle. At dahil isang tunay na kaibigan ito,naintindihan kung bakit sya nagkaganoon. Sa halip na iwan sya nito,naging kasa-kasama nya ito sa walang katapusang parties. Madalas ito din ang tagaawat kapag sumusubra na sya at tagapagpala kapag nakakalimot sya. Ito din ang dahilan kaya ngayon, at twenty-five, isa na syang successful na entrepreneur. Kasosyo nya kasi ito, the practical mind behind her flamboyant marketing savvy.
**********
A:n/ this is my first story I hope you can support me labidabss. ::))
YOU ARE READING
Intimate Secret's
RomanceKilalang playgirl si Isabella Martin. As a matter of fact, halos makompleto na niya ang twenty-six ng alphabet sa initials ng mga naging boyfriends niya. Alam nyang mahirap tanggapin iyon ng kahit sinong lalaki-lalo na kung ay isang kagaya n...