Isang kilalang Special store ang kanilang Intimate Secrets. Mga lingerie, pabango, at kung ano-ano pang pampaganda sa kababaihan ang mga tinda nila. Upscale Market Ang kanilang target; pagkaraan ng tatlong taon ay dalawa na ang branches nila. Isa sa Rockwell at isa sa Shangri-La.
Peru sa halip na purihin siya Nita sa tagumpay ng parteng iyon ng kanyang buhay, lovelife niya ang madalas na pinag-iinitan nito.
Iyon ang hindi pumapasa rito. Lalo at nalaman nito ang tungkol sa kanyang latest fling with Paul, isang model na kilalang pabling."Belle, when are you going to choose somebody you can get serious with? You're not getting any younger,". exasperated na sits nito sa kanya ng hapong iyon.
"Sonja, Paul and I are serious,". pagtatama nya rito.
"Right," sarcastic na komento nito.
"Okay, I'm not ready to get serious with anybody at this stage in my life. I'm quite satisfied with everything," pag-aamin nya. "Paul and I understand each other and this game. For a short while, we'll have all the fun that we want. Besides, we're not hurting anybody," paliwanag nya.
"Except yourself. You need somebody, Belle. Somebody mature, somebody who can give you stability and who will break down the walls you've built around you," lecture nito.
Tinawanan lang nya ito." Oh, not me! I love my singlehood.""Belle, this is me, Sonja, your bestfriend. Spare me all those trite nonsense, would you please?" Nakataas ang kilay na saway nito sa kanya.
"Opinionated as ever," puna niya rito. "Kailan mo ba tatanggapin na masaya ako sa ganitong buhay? Some people are born lucky in-love, like you. And some born to have fun, like me," biro niya.
Ang kauna unahang naging boyfriend nito, ay si Troy, ang sya ring naging asawa nito. Ikinasal ang mga ito eight months ago. Siya pa nga ang maid of honor sa kasal—ironic, dahil sya,si Isabelle Martin, kilalang hindi nawawalan ng boyfriend,ay nananatiling single parin.
"That's not true. Ikaw lang itong umiiwas sa tawag ng tunay na pag-ibig," kontra nito sa sinabi nya.
"Tawag ng tunay na pag-ibig??", Ulit nya. "Okay kalang? Ni bulong nga, wala akong naririnig kahit minsan, eh," natatawang sagot nya.
"Pano mo maririnig, lagi Kana lang nasa maingay na lugar?,"
Natawa sya. "Sonja, kailan mo ba ma re-realize na pang-goodtime lang ako? I'm not meant for a lasting relationship. Accept it. I have, a long time ago."
"Stop that. Huwag mong maliitin ang sarili mo." saway nito. "You just haven't met the right man yet."
"There's no right man, Sonja. Not for me. Nakalimutan nila sa itaas ng gumawa para sakin." biro nya.
" You're wrong,Belle. There's a man out there, specially for you, and one day, you'll meet him.". Puno ng convincing ang boses nito.
"Kailan? Sure ka bang makikilala ng lalaking iyon? Baka naman ay maligaya na iyon o kaya'y nawawala." biro nya.
"Sge, mag biro ka ng mag biro. Kapag dumating ang araw na iyon, kakainin mo din lahat ng sinabi mo."
"Whatever." Kibit-balikat lang ang gumanti nya rito. Hindi sya naniniwala sa destiny. Ang alam nya, ang tao ang gumagawa ng sarili kapalaran nito. Ayaw lang nyang makipagtalo rito; ipilitan nya ang sariling paniniwala, alam nyang hindi kayang baguhin ang isip nito. Buung-buo ang paniniwala nito sa mga tinatawag nitong "matches in heaven".
Nang iwan sya nito para magtungo sa store nila sa
Shangri-La ay nahulog sya sa malalim na pag-iisip.
Lately nagsawa na rin naman siya sa takbo ng kanyang buhay. She just couldn't admit to her bestfriend she wanted more from her relationships. Natatakot lang sya. Her deepest desire contains her deepest fears. She knew that true hunger, true need brought pain. And she did not exclude love.Simula ng mamatay ang kanyang mga magulang ay hindi na sya nagkaroon ng lasting attachment sa kahit kanino. Naniniwala sya na magbubunga lamang iyon ng unwanted complications. Numero uno na roon ang heartbreak. She wanted to avoid that at all cost. She had her own shares and they were enough to last her a lifetime.
******
Sana po suportahan nyo ang story ko thanks.
At kung May grammatical errors po comment nyo lang po para maayos ko.
Thank you :)
YOU ARE READING
Intimate Secret's
RomanceKilalang playgirl si Isabella Martin. As a matter of fact, halos makompleto na niya ang twenty-six ng alphabet sa initials ng mga naging boyfriends niya. Alam nyang mahirap tanggapin iyon ng kahit sinong lalaki-lalo na kung ay isang kagaya n...