January 20, 2013
Dear Diary,
Natapunan. Nabasa. Naapakan.
Leche! Lagi na lang ba ako mamalasin?! Favorite ata ako nitong Tadhana na 'to! Alam kong maganda ako at siguro naiinggit 'to. Tss! If I know, nai-insecure sa'kin 'tong Tadhana'ng 'to. Sinasabi na nga ba eh! Napakabakla talaga nitong si Tadhana!
Akalain mo bang napaka-insecure nitong Tadhana'ng ito?! Bakit ba ako lagi ang trip nito?! I know that I'm beautiful pero please lang, huwag muna ako. Tss!
Yung kaninang silver kong long dress, ito! Nangingitim na! At ang nakakainis? Nag-aya akong umuwi na dahil nawalan na ako sa mood pero hindi nagsipayag ang mga parents ko. Geez! Nakakainis yung ganun! Hinihingi ko nga yung susi ng kotse para ako na lang mag-drive pero hindi nila ako pinansin. Wow! Just wow! Kainis, ha!
More nakakainis is my bestfriend invited Percy! Akalain mo yun?! Nadatnan niya ako na ganun ang itsura. Another second epic fail! Nakangiti siya ng nakakaloko sa'kin when he saw me like that. Ugh! Gustong-gusto kong umiyak dahil sa inis.
Ang malas-malas ko nung time na 'yun.
Now now, could someone tell me na may mas malas pa sa akin?!
Imbyerna,
Leilah
**
I looked myself at the full-length mirror in front of me. Masasabi ko na ang ganda ko sa silver na long gown. Buti na lang kahit papano magandang pumili 'tong si Mama. Nakakainis kasi minsan ang taste nito. Hindi ko nga alam kung sinasadya niya akong inisin o nagmamaang-maangan pa. Pero anyway, maganda naman na ako ngayon. I mean, mas maganda na ako ngayon. Kung nandoon lang si Percy, for sure na mapapansin niya ang beauty ko.
After looking myself, bumaba na ako. Nandoon naman ang lahat at ako na lang ang hinihintay. Ayan! Mas gusto ko yung ako yung hinihintay kaysa sa ako yung pinaghihintay. It's just, I'm too pretty to wait for them. Like hello! Mukha akong Dyosa ngayon kaya sorry sila. "Ang bagal mo!" Inis na sambit ni Mama. I rolled my eyes heavenward. As usual, lagi naman yan inis sa akin whenever pinaghihintay ko sila. Ewan ko ba! Ang lakas ng mood swing ng nanay ko. Minsan ang hirap basahin. But as the beautiful me, hindi ko na lang pinapatulan. Mahirap na at baka ma-grounded ako ng wala sa oras.
Lumabas na kami at sumakay sa kotse. Si Papa ang nagd-drive, while si Mama ang nasa Passenger. Ako naman at tsaka yung kapatid kong maliit ang nasa likod. Kanta siya ng kanta na sobrang nakakainis. Kaya ang ending, ayun! Tinarayan ko. "Tahimik ka nga! Una, wala ka sa tono. Pangalawa, mali lyrics mo. Pangatlo, nakakabingi. Pang-apat, hindi maganda ang boses mo!" Bulyaw ko sa sobrang inis. Masisisi niyo ba ako kung napakaikli ng pasensya ko pagdating sa mga bata? Masyado kasing makulit at para silang alien! Hindi marunong umintindi. Kapag pinapatahimik mo, mag-iingay. Nakakainis yung ganun! Saan bang planeta sila galing?
"Don't shout at your sister, Delilah." Kalmado pero inis na sabi ni Mama.
"It's Leilah! Ugh!" Sabi ko at tumingin na lang sa bintana. Kabadtrip ha! Sana na lang hindi na ako sumama kung alam kong masisira lang ang gabi ko.
Another five minutes had passed at nakarating na kami sa destination-Marco Polo Hotel. Una agad akong lumabas sa kotse at tsaka pinagmasdan ang building. I was amazed of how huge the building is. Parang gusto ko na dito lagi magpa-check in. Oh how I wish dito na lang ganapin ang debut ko.
"Change venue. Change of plans. Dito na lang ako magd-debut." Sabi ko kay Mama at nahalata ko naman ang pagkabigla sa mukha niya dahil sa mga sinabi ko. Well, I'm Leilah! At dapat lang masunod ang lahat ng gusto ko. Because I'll be the next queen of this world.
Taas noo akong naglakad papasok ng hotel, not minding my family behind me. Excited din naman ako pumasok para makita kung gaano kaganda 'tong lugar na 'to. Nagpunta kami sa receptionist at tinanong kung nasan ang Wedding Anniversary ng mga Jimenez. She told us na gaganapin ito sa may garden daw nila. Without any second thought, dumeretso na ako and there! I saw Freda. She's wearing a mint green dress. Sleeveless ito hindi gaya nung akin, walang sleeve yung isa pero yung isa meron. Nai-imagine niyo ba? Well, imagine-in niyo na lang mabuti!
"Freda!" I called her at tumingin siya sa gawi ko. Sinalubong niya ako ng ngiti at nilapitan. Well, hindi uso ang beso sa amin kaya niyakap niya ako. And I did the same.
"Goddess ang tsura mo, ah." She laughed and I smirked.
"You're not bad as Maria Clara." Pang-aasar ko at napatigil naman siya sa pagtawa tsaka pinanlakihan ako ng mata. And now, it's my turn to laugh!
"Whatever, Leilah. Pasalamat ka nandito sila Mom at hindi ako makakaganti. Humanda ka lang sa monday!" She sticked her tongue out and I rolled my eyes. Childish!
I saw my family na nasa iisang table at kausap ang mga Jimenez. Well, hindi naman na kataka-taka kung bakit close din ang mga parents namin sa isa't-isa. Pumunta na ako doon nang umakyat na sa stage ang mag-asawa. Meaning, mag-uumpisa na ang program.
To be honest, na-bored ako sa napakahabang speech ng mga kapatid nila ah. Hindi ko naman aakalain na pati pala kamag-anak nila ay darating. And at last, pagkatapos ng mahaba-habang speech ni Mayor Gomez, isa sa kamag-anak nila at mayor dito sa Cebu, at ng sayawan, nagkainan na. Kaya pala dito ginanap yung Anniversary dahil kapatid ni Mrs. Jimenez yung mayor ng Cebu. Galante! Big time! Bigyan ng jacket!
"OMFG!" Bigla kong sigaw pero sapat na para marinig ng mga parents ko. "What have you done?!" Irita kong tanong sa kapatid kong ubod ng kulit. Pinunasan ko gamit ang tissue ang nadumihan na parte sa damit ko. Ano ang ginawa? Ayun! Tapunan daw ba ako ng spaghetti. Kaimbyerna itong maliit na bata na 'to ah!
"Delilah, watch your mouth. Where's your manners?" Medyo galit ang tono ng tatay ko. How can I watch my mouth eh tinapunan ako ng kapatid ko?! And wait, kapatid ko ba 'tong siraulong 'to?!
I rolled my eyes at tumayo. Makapunta nga sa CR! Pero ang malas ko nga naman! Anong nangyari?! Ayun! Natapon lang naman yung wine at sa mukha ko naman sumemplang. Kung hindi lang ako nakapagtimpi, sasapakin at sisigawan ko na ang mga tao dto! At bago pa ako maka-survive papuntang CR, lintek! Inapakan muna yung laylayan ng damit ko kaya ang dumi kong tignan. Geez! Ang malas ko ngayon.
"Delilah, you okay?" Nanlaki ang mata ko sa nagsalita. Shit! That voice. Dahan-dahan akong humarap and I saw Percy! Of all people, bakit siya na naman ang nakakita sa kahihiyan ko?! Napangiti ako ng hilaw at tumango. I mouthed, "CR lang." He nodded. Pero ang nakakainis! NAKITA KO YUNG PAG-NGITI NIYA NG NAKAKALOKO! It's so embarrassing!
BINABASA MO ANG
A Daughter's Cry
Duchowe"There will always be someone willing to hurt you, put you down, gossip about you, belittle your accomplishments and judge your soul. It is a fact that we all must face. However, if you realize that God is a bestfriend that stands beside you when ot...