Cry 9

825 12 0
                                    

Note: I am sorry for the late update. Friday ata ang naging last update ko dahil inasikaso ko ang Love At First Sight. Hahaha! And yes, it is finished! :) Tho ang konti lang ng chapters. Hahaha. Enough with that, here's Chapter 9 guys! Thank you again for adding this on your Reading List! :)

====================================

I went to my condo. Yup, I have my own condo. This was my Uncle Tommy's gift when I was eight years old. And no, my parents didn't know about this. So I am very safe. At ang tanging problema ko lang ngayon ay ang credit cards ko. May possibility kasing ipa-freeze 'to ng mga parents ko, knowing what I did to my father dear.

Pagkasalpak ko ng gamit ko sa condo unit, bumaba ako at sumakay ng kotse. Syempre, kahit ganito ako gusto ko pa rin makita kung okay ang lagay ng tatay ko. Tsaka kung hindi ako magpapakita ngayon, paniguradong sari-sari ang makukuha kong sermon mula sa mga kamag-anak namin. I rolled my eyes on that thought.

Pag isa nga lang ang nanenermon sa akin, ayaw ko nga. Lahat pa kaya sila? Duh! They are so pathetic! They didn't know that hindi lalo ako sumusunod kapag pinagsasabihan nila ako? Geez! I should remind them.

Nang makarating na rin ako sa wakas sa ospital kung nasaan na-admit si papa, agad akong pumunta sa nurse station. Okay, I don't know what they called it. Tsaka hindi na mahalaga yun. They are just a waste of time!

"Excuse me, where's the room of Mr. Vicente Tuazon?" I asked a nurse and she looked at me from head to toe with her eyebrows raised. Alam kong out of place 'tong suot ko dahil naka-cocktail pa ako na animo para akong pupunta sa club. I rolled my eyes at hindi na napigilang magtaray. "Well, look, miss. Wala akong panahon para buong gabi mong tignan lang ang suot ko. Alam kong maganda ako, kaya huwag kang tumunganga sa harap ko. Just tell me where's the fucking room of Mr. Vicente Tuazon?" Mukha naman siyang natauhan dahil sa biglaang pagtataray ko. That's better!

But before she answered me, may tumawag sa akin kaya napatingin ako rito. "Leilah!" And my eyes widen on what I saw.

This can't be happening.

"P-Percy?" I almost whispered his name. Anong ginagawa niya rito? At bakit ganyan ang bihis niya? Don't tell me, nandoon siya kanina sa party?

Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ako sa kamay tsaka nagpunta sa hindi ko alam na lugar. Shit! My heart is beating so fast. Buong paglalakad namin, sa kamay naming magkahawak lang ako nakatingin. Damn! I could just forget about the whole world and be with Percy! Naputol ang pagtingin ko rito nang inalis niya ang kamay niya. I frowned on that one. Sayang! Holding hands while jogging na kami oh! I mentally shrugged and pushed away my thoughts.

"You shouldn't have come." Nagulat ako sa biglaang pag-iba ng aura niya. It became. . .cold? What the hell is happening?

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Mamaya na muna 'tong pagpapantasya ko. "At bakit?" I crossed my arms over my chest.

"Dahil you're Delilah." Sabi nito kaya lalong tumaas ang kilay ko. Okay, he's acting weird right now. Anong nangyayari?

"Oh, do you even heard yourself? I am Leilah! Ano ngayon?" Wait, I think I remembered that line of mine. Saan nga ba iyon? Ah basta!

"Damn! Stop being a bitch. Galit ang pamilya mo sa'yo! What you did was not right! Maling-mali ang ginawa mo kanina! Sa tingin mo ba mapapatawad ka nila kapag nagpakita ka? Fuck! Kung ako yun, hindi! So you should get out here!" Sigaw niya na nagpabasag sa puso ko. A-ano? Nararamdaman ko na may luha sa gilid ng mata ko. No! I won't cry!

"Why, Percy?" Was the word came out from my mouth. Tinignan ko siya at hindi ko mabasa ang ekspresyon niya.

"Don't ask me that question. It's for you to find out." Sabi niya at tumalikod sa akin. Pero hinawakan ko siya sa braso niya. Hindi ko alam kung bakit pero it was my instinct who did it.

"Percy. . . Hindi mo ba ako mapapansin?" I asked. Yes, I know it's super off topic! Pero hindi ko mapigilan itanong sa kanya yan eh. Nasasaktan ako eh. Mentally and emotionally.

He glanced at me and said, "No." With that he left me there and walked away. As if on cue, my tears started to fall.

Damn this one!

Lumabas ako ng ospital at nagpunta sa malapit na park nito. Gusto kong ilabas itong nararamdaman ko! Ayoko nang itago 'to! Nang marating ako doon, I started shouting, screaming and talking to Him.

"What?! Ganito na lang ba lagi?! Ako na lang ba?! Bakit ba ako na lang ha?! Can You just give me a break just for one day?! Alam Mo bang nasasaktan na ako? Dang! Sana na lang namatay na lang ako! Sana na lang hindi na ako nabigyan ng pagkakataon para mabuhay sa mundong ito kung ang ibibigay Mo lang sa akin ay puro ganito! I lost faith on You because of what happened to him. . ." I remembered as I remembered the day when I lost my favorite person in the world—my Daddy.

Walang nakakaalam na anak ako sa labas. Mom got pregnant when she was twenty-one at nung time na yun, kasal sil ni Tito Vicente. Plano sana akong ipalaglag noon dahil ayaw malaman ni Mom na may anak siya sa ibang lalaki. But my father was so good to be true, hindi niya hinayaan na ipaglaglag ako. Pinilit niya si mama hanggang sa nagkaroon sila ng kondisyon. I would stay to my father's side kapag naipanganak na ako. And daddy promised  mom na aalagaan niya ako ng mabuti. Alam na ni Tito Vicente ang tungkol dito. Nagalit siya dahil nabuntis si mama sa iba. Pero di kalaunan, tinanggap din. True to my daddy's words, inalagaan niya ako ng mabuti. Hindi ganoon kagarbo ang buhay namin noon. Simple lang at kuntento na ako doon. As long as I'm with my daddy, masaya ako.

But everything changed when something happened. My daddy was working for the Tuazon that time and he was a driver. Madame Elizabeth, Tito Vicente's mom, want to go to their resthouse sa Batangas. Since family driver si Daddy, siya ang nag-drive patungo doon. Pero nabalitaan na lang namin na may SUV na nalaglag sa balon. Malapit ito sa Batangas and guess what? That SUV was the one that my father and Madame Elizabeth used papuntang Batangas. And yeah, I just lost the most wonderful person.

Labis na lang ang pagdaramdam ko nun. Isipin niyo, I was three years old when that happened. Hindi ko ma-take ang mga ganoon. At dahil buhay pa naman ang nanay ko, kinupkop ako at doon pinatira na lang sa bahay nila. Kaya ganoon na lang ang galit sa akin ni Tito Vicente dahil sa lahat ng pangyayari.

Bumuhos ang luha ko kasabay nang malakas na pagbuhos ng ulan. "Why do You have to do this? Ang sakit na eh! Sana namatay na lang ako! Shit." I said at nagpunta sa kotse ko. I started the engine nang makapasok ako. Pupunta ako sa dati naming bahay. I know na nakatayo pa yun doon dahil pinababantay ko yun. It's an hour away lang from here kaya agad ko na ito pinaandar.

Habang papunta ako doon, palakas ng palakas ng ulan. Halos hindi ko na makita yung dinadaanan ko. But my eyes widen when I saw a headlight na papunta sa akin. Shit! Iilagan ko sana but it's too late.

All I know is everything went black.

A Daughter's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon