Louise's POVNang matapos akong magluto ng almusal agad kong hinain yun at dinala sa hapag kainan! Pumunta ako sa kwarto ng anak kong si Ethan dahil nandun yung Apo ko natutulog pa! Di ko nga alam kung bat dito yun umuwi kagabi eh! Buti nalang pinaalam ko agad kay Balae Roxie na nandito yung Apo ko baka kasi maghanap sila kung saan saan! Nakita ko namang nakaharap sa salamin yung Apo ko at bagong hilamos ito kaya lumapit ako sa kanya
" Halika na mag aalmusal na tayo "Wika ko
Tumingin naman siya sakin at yinakap ako kaya yinakap ko din tong Apo ko
" I love you Mama "Yakap niya sakin
Hinalikan ko noo niya tsaka sabay kaming lumabas sa kwarto!
" O halina kayo dito "Wika ni Romeo
Naunang umupo yung Apo ko dahil kinuha ko pa yung gatas yun naman paborito niya sa umaga
" Teka! Umiyak ka na naman ba? Bat namumugto yang mga mata mo?"Tanong ni Romeo sa Apo niya
" Tsk! Si Papa! Ganyan lang talaga mata ko twing gigising ako ng maaga "Sagot ni Kian sa Papa niya
" Ganun ba?"Wika ni Romeo
Umupo na din ako sa hapag kainan at nagsimula na kaming mag almusal
" Kamusta dun sa school mo? Okay ka lang ba dun?"Tanong ko
" Opo Mama okay lang po ako dun "Sagot niya
" Girlfriend meron na ba?"Tanong ni Romeo sa Apo niya
" Ayoko po mag-girlfriend Papa "Sagot ng Apo ko
" Bakit naman?"Tanong ni Romeo sa Apo niya
" Wala pa naman yan sa isip ko Papa "Sagot ng Apo niya
" Tsk! Ang hina mo naman! Papa Ethan mo maraming chix yung nadadala nun dito sa bahay nung high school pa yun "Wika ni Romeo
" Romeo kumain ka na ngalang dyan nagsisimula ka na naman "Saway ko kay Romeo
Napatahimik naman yung asawa ko tsaka nakita kong napailing iling yung Apo ko!
" Wag mong pansinin yang Papa mo kumain ka nalang dyan "Wika ko
" Maaaa kelan ba kasi uuwi sila Papa? Antagal tagal na nila dun sa London di pa umuuwi "Wika ng Apo ko
" Di ko nga alam sa Papa mo eh! Di naman sila nagsasabi kung kelan sila uuwi "Wika ko
" Sabi ni Mama di daw sila sigurado kung uuwi sila sa susunod na taon! Pano na yung graduation ko? Wala sila ni Papa "Wika ng Apo ko
" Ano naman kung wala sila sa graduation mo? Nandito naman kami ni Papa Romeo mo eh tsaka sila Mama Roxie mo "Wika ko
" Gusto ko kompleto tayo lahat eh "Wika niya
Alam namin ni Romeo kung kelan uuwi sila Margaux pero di pa pwede sabihin yun kay Kian dahil isusurprise daw nila yung Apo ko sa graduation day! Tsaka sa araw ng graduation day yun din yung araw na kaarawan ni Ethan tsaka ni Kian kaya nga naghahanap kami ng lugar kung saan gaganapin yung celebration
" Papa ikaw? Baka may alam ka "Wika ng Apo ko kay Romeo
" Di ko nga nakakausap si Papa mo! Busy sila sa trabaho kaya mag antay kalang uuwi din sila "Wika ni Romeo
" Kelan pa? Uuwi ba sila kung matanda na ako? Kakainis na maghintay "Wika ng Apo ko
Palihim akong napatawa dahil halos durugin na yung kinakain niya! Pero totoo yun uuwi sila Ethan sa graduation day ng anak nila! Dahil sa tapos na kami mag almusal agad nagpahinga sa sala yung dalawa! Niligpit naman ng kasambahay namin yung pinagkainan kanina tsaka lumabas ako dahil may nagdoorbell sa labas!
" Sino sila?"Tanong ko sa binata
" Ahm Magandang umaga po nandito po ba si Kian sa-sabi kasi ni Tito Menandro nandito daw siya "Wika niya at halatang kinakabahan ito
" Si Kian? Ah Oo nasa loob siya halika pasok ka "Wika ko
Agad naman siyang pumasok at isinara ko na ang gate pumasok naman yung binata kaya pinaupo ko muna siya sa sala!
" Dito ka lang hijo ha tawagin ko lang nasa taas kasi "Wika ko
" Okay po "Sagot niya
Agad akong pumunta sa taas at binuksan yung kwarto ng Apo ko! Nakita ko naman siyang nakaupo sa kama niya tsaka nagbabasa
" Kian baba ka muna may naghahanap sayo "Wika ko
" Sino po Mama?"Tanong niya
" Di ko alam kung sino eh "Sagot ko
Agad naman niyang libro niya sa mesa tsaka sabay kaming bumaba! Lumapit naman yung binata sa Apo ko kaya pumunta ako sa kinaroroonan ni Romeo!
" Sino yun?"Tanong ni Romeo sakin
" Ewan ko kaklase ata ng Apo mo "Sagot ko
Pumunta naman sila sa taas kaya hinayaan na namin ni Romeo! Nanood nalang kami ng TV dahil mamayang hapon aalis kami tsaka sila Gabriel yung maiiwan dito sa bahay namin .Ethan's POV
Kasalukuyan akong nandito sa sofa habang nanonood ng basketball katabi ko anak ko dahil may kasalanan siya sa Mama niya takot mapalo eh! Ako lang naman kakampi ng batang to eh alam niyo naman kamay ni Margaux mabilis mangurot! May papel kasi sa bag niya tsaka nakasulat dun na pinapapunta kami sa school ng anak ko dahil may nagawa na namang kasalanan tong batang to! Kaya ito tabi ng tabi sakin ayaw humiwalay dahil takot sa Mama niya
" Tatlong beses na akong pinapunta sa school mo Karl ha! Tas ngayon pinapapunta na naman ako "Wika ni Margaux habang nagliligpit ito ng mga pinagkainan namin kanina
" Ano kasi ginawa mo dun?"Tanong ko sa anak ko
" Wala man "Bulong niya sakin
" Anong wala? Bat may sulat na naman yung teacher mo para sa Mama mo?"Tanong ko
Di naman siya sumagot dahil dumaan si Margaux sa harap namin!
" Wag kang titingin tingin sakin ha! Kukunin ko yang mga mata mo "Wika ni Margaux sa anak niya
Nagtago naman yung anak ko sa likod ko kaya kinuha ko yung unan tsaka hinampas kay Margaux
" Wag mo nga takutin yung bata! Para kang baliw "Wika ko
" Wag kang tatago tago dyan kala mo di kita nakikita! Wag kang tatabi sakin mamaya ha! Ayoko na sayo di na ikaw di Karl "Wika ni Margaux sa anak niya
" Maya ka sakin "Wika ko kay Margaux
Pumunta naman siya sa taas dahil alam kong aayusin hihigaan namin! Humarap naman sakin yung anak ko tsaka kinausap ako
" Pano yan? Galit na naman Mama mo! Ikaw kasi "Wika ko
" Papa tabi tulog ha "Wika niya
Tumango ako at sabay kaming pumunta sa taas para matulog na! Pumasok kami sa banyo at sabay kaming nagsipilyo pinahiga ko anak ko sa kama at tumabi ako sa kanya!
" Matulog ka ng maaga ha! Pag natapos akong maligo tas maabutan kong gising ka pa lagot ka sakin "Wika ni Yanyan sa anak niya
Dahil sa takot pumikit agad yung anak ko tsaka yinakap ako!
" Mamaya ka talaga sakin kanina ka pa "Wika ko kay Yanyan
Tinarayan naman niya ako at pumasok na sa banyo! Abaaa pag ako naghubad sa harap niya tanggal yang init niya sa ulo! Hinayaan kong nakayakap sakin yung anak ko kaya nag open muna ako ng account ko! Nagulat nalang ako dahil tadtad na ako ng chat ng anak kong si Kian! Galit na galit na sakin dahil di ko nirereplyan mga message niya sakin! Yun kasi sabi ni Yanyan eh HAHAHA! Dahil sa humihilik na yung anak ko kinarga ko siya tsaka nilipat sa sarili niyang kama! Nakita ko namang lumabas na si Yanyan sa banyo pinupunasan buhok nito
" Buti naman tulog na yan "Wika niya
" Malamang matutulog yan ng maaga! Tinatakot mo kasi "Wika
Sumakay naman siya sa kama at bigla akong hinampas ng unan!
" Wag mo kasi kakampihan yang anak mo! Di natatakot sakin eh kasi alam niyang kakampihan mo "Wika niya
" Baliw ka ba? Alam mo naman mabilis matakot tas tatakutin mo pa "Wika ko
" Hmm sino ba di maiinis ha? Pinapapunta na naman ako sa school nila "Kurot niya sakin
" Ganyan talaga mga bata intindihin mo nalang "Wika ko
" Hay nako Karl ka "Hinga niya
Humiga naman siya sa kama kaya pinatay ko na din yung ilaw! Agad ko siyang pinatungan tsaka hinalikan kaso smack lang dahil kinurot pisngi ko
" Isa ka pa naiinis ako sayo "Kurot niya ulit sakin
" Lah! Bat ako na naman? Kanina yung anak mo tas ngayon ako? Abaaaaa pag ako naghubad sa harap mo tanggal yang init sa ulo mo "Wika ko
" Isa "Wika niya
" Pano kung gawa ulit tayo ng baby? Ilang buwan na din tayong di nakakagawa eh! Pwede ngayon malamig panahon mahal ko ano game ka ba?"Tanong ko
" Susuntukin ko yang mukha mo "Sagot niya
" Urghh! Margaux palagi nalang! Kelan mo ba ako pagbibigyan ha? Kakainis na! Sabi mo sakin nung ikakasal na tayo ibibigay mo sakin yung gusto ko "Wika ko
" Pag nakauwi tayo sa Pinas pagsawaan mo ko "Wika niya sabay halik sakin
" Tagal pa "Wika ko
" Papunta naman yun dun eh maghintay ka nalang "Wika niya
" Sabi mo yan ha! Pag nagpalusot ka na naman gagahasain na talaga kita wala akong pake kung sumigaw ka pa "Wika ko
" HAHAHA "Tawa niya
Ito minsan naiinisan ko eh! Yung gustong gusto ko pero ayaw akong pagbigyan! Ayokong magsarili sayang kasi pinag ipunan ko! Pero sige maghihintay ako! Nilublob naman niya mukha niya sa dibdib ko kaya hinawakan ko kamay niya at pinasok yun sa loob ng brief ko! Buti nalang hinawakan agad minsan kasi kinukurot eh! Yinakap ko yung mahal ko tsaka hinalikan ko noo niya! Sana palagi nalang kami ganto yung puro saya wala ng gulo at mga kontrabida dahil kuntento na ako kung anong meron ako! Masaya na ako sa piling ng kayakap ko at ngayo'y magdalawa na kaming anak hindi na ako magloloko .