CHAPTER 10

99 0 0
                                    

             
Margaux's POV

Dahil sa graduation day na bukas ng anak ko agad naming ibinaba yung mga maleta namin! Uuwi na kasi kami ngayong araw dahil bukas isusurprise namin yung anak ko! Sigurado akong panibagong iyak na naman yun pag di kami dumating sa graduation niya! Kay bilis naman ng panahon yung Kian kong naka diaper pa noon gragraduate na ng señior high school ngayon! Sabi pa sakin ni Papa may manliligaw na daw yun! Talagang batang yun di manlang nakinig sa sinabi ko sa kanya!
" Tan wala ka na bang naiwan dito?"Tanong ko kay Ethan
" Wala na! Nasa loob na ng maleta lahat ikaw baka may naiwan ka?"Tanong niya sakin
" Wala na "Sagot ko
Sabay sabay kaming lumabas sa bahay namin!
" Yeees! Uwi na kamii "Sigaw ng anak ko
" Bebe ka wag maingay "Wika ko
Sumakay naman si Ethan sa kotse dala yung anak niya!
" Wag niyo pabayaan yung bahay ha ilang linggo lang kami dun "Wika ko sa mga maid namin
" Masusunod po "Wika nila
" Pag gabi na kung wala na kayo pupuntahan ilock niyo na agad yung gate tsaka pinto "Wika ko sa kanila
" Masusunod po "Wika nila
" O sya aalis na kami "Wika ko
Sumakay na din ako sa kotse tsaka nagpaalama sa kanila! Si Tatay yung nagdala sa kanila dito dahil kailangan namin ng mag aalaga sa anak namin tsaka mag aasikaso sa mga gawaing bahay dahil sa twing umuuwi kami ni Ethan galing trabaho pareho kaming pagod
" Sa airport na po ba tayo Sir Ethan?"Tanong ng Driver namin
Tumango si Ethan tsaka nagsimula ng magmaneho yung driver ni Ethan! Humiga naman sa hita ko yung anak ko kaya hinawakan ko kamay ni Ethan hinawakan din naman niya kamay ko tsaka hinalikan yung noo ko
" Sa wakas makikita na din natin yung anak natin "Wika niya
" Sigurado akong iyak agad yun HAHAHA "Mahina kong tawa
" Sayo naman nagmana yun! Kunting asar lang pikon agad tas magsusumbong kila Nanay "Wika niya
" Sakin din nagmana yung katalinuhan ng anak ko wala kang ambag dun "Wika ko
" Anong wala? Batukan pa kita eh baka nakakalimutan mo top student din to nung nag aaral pa ako "Pagmamayabang niya
" Top student mukha mo! Wag ako Ethan kilala kita "Wika ko
" HAHAHA "Mahina niyang tawa
Sumandal ako sa balikat niya tsaka napatingin ako sa anak kong nakahiga sa hita ko
" Excited ka na ba makita si Kuya mo?"Tanong ko sa kanya
" Sobra man Mama "Sagot niya
Sigurado akong iyak din aabutin nito pag nakita to ni Kuya Ares tsaka minsan nagsusumbong sakin yung anak ko na pinagtutulungan daw siya ng kambal ewan ko ba kung anong meron sa tatlo kaya matagal magka love life sobra kasi mapang asar tas ang aarte
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang makarating kami sa airport nakasalubong namin yung Tita ni Ethan umupo muna kami ng anak ko dahil nag uusap pa sila! Ilang minuto nalang kasi yung flight namin! Maya maya pa'y nakita kong papunta na samin si Ethan dahilan para mapatakbo tong anak ko papunta sa Papa niya
" Ano? Tapos na ba kayo mag usap ng Tita mo?"Tanong ko
Yung Tita niya yung nag aalaga sa Lolo at Lola ni Ethan dito sa London minsan lang sila makauwi sa Pinas dahil marami din sila inaasikaso dito
" Oo "Sagot ko
" Ano sabi?"Tanong ko
" Uuwi din pala sila Lolo "Sagot niya
" Kelan?"Tanong ko
" Ewan ko alam mo namang busy din sila sa kalupaan nila "Sagot niya
Umupo din naman siya sa tabi ko tsaka uminom ito ng tubig
" Tan may sasabihin ako "Wika ko
" Ano?"Tanong niya
Napatingin ako sa anak kong busy sa kakakain kaya di niya maririnig sasabihin ko
" Sabi sakin ni Tatay kagabi may manliligaw na daw anak mo "Wika ko
Napatigil naman siya kakainom ng tubig at biglang kumunot noo!
" Yung anak ko? May manliligaw na?"Tanong niya sakin
" Oo nakausap na daw ni Tatay nung nakaraang araw lang "Sagot ko
" Nako hindi ako papayag hanggat di ko yun nakikita at di ko nakakausap harapan "Wika niya
" Ano magagawa natin eh pumayag na sila Tatay "Wika ko
" Basta hindi ako papayag hanggat di ko yun nakakausap "Wika niya
" Bakit naman?"Tanong ko
" Baka mamaya manloloko yan tas saktan anak ko baka ano pa magawa ko sa lalakeng yun "Sagot niya
" HAHAHA baliw! Sabi ni Tatay okay naman daw makikita naman natin yun tsaka kakausapin ko din "Wika ko
" Ito namang anak mo nagmana sayo ang bata bata pa anlandi na "Wika niya
Dahil sa sinabi niya'y nainis ako! Kaya agad kong kinurot braso niya
" Aray ko biro lang "Wika niya
Naghintay nalang kami ng ilang minuto dahil aalis na kami! Makikita ko na din anak ko! Sigurado akong magugulat yun pag nakita niyang kami ni Ethan yung aakyat sa stage hindi si Nanay at Tatay
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Gabi na kami makarating sa Pinas! Bago kami lumabas sa eroplano huminga ako ng malalim! Napangiti nalang ako dahil makakaapak na ulit ako sa lugar kung saan ako lumaki agad kaming bumaba ni Ethan habang nakahawak sakin yung anak ko hawak naman ni Ethan yung maleta namin at napansin kong nakatingin yung ibang babae kay Ethan! Abaaa kumikiringking ata sa Asawa ko bigyan ko kayo ng tig isang batok eh
" Ganyan talaga pag gwapo pinagtitinginan ng mga babae "Pagmamayabang ni Ethan sa mukha niya
" Sirain ko pa yan eh "Wika ko
Mahina naman siyang napatawa kaya nang makalabas kami sa airport agad kong nakita si Papa Romeo kasama si Mama! Agad namang napatakbo tong anak ko papunta sa kanila at yinakap niya yung Lolo't Lola niya
" Mamaaa "Yakap niya kay Mama Louise
Lumapit kami kay Papa tskaa yinakay niya kami ni Ethan! Kinuha naman ng driver ni Papa yung maleta tsaka isinakay ito sa kotse
" Mama asan man Kuya?"Tanong ng anak ko kay Mama
" Nandun kila Mama Roxie mo "Sagot ni Mama
Dahil sa gabi na napagpasyahan naming sumakay na sa kotse para umuwi na!
" Anak niyo kanina di pumasok sa school kanina "Wika ni Papa Romeo
" Po? Bakit naman?"Tanong ko kay Papa
" Ewan ko ba sa batang yun araw araw nagtatanong sakin kung kelan kayo uuwi tas kung wala akong maisagot iiyak agad ang tagal niyo na kasi dun tas ngayon lang kayo umuwi "Wika ni Papa
" Marami kasi kami inasikaso dun Pa lalo na't nagpatayo kami ng sarili naming kompanya "Wika ni Ethan
" Kayo na magpaliwanag niyan sa anak niyo "Wika ni Papa
Agad namang nagmaneho yung driver ni Papa at tuluyan kaming umalis! Napatingin ako sa anak kong tulog na habang nakayakap kay Mama napagod ata sa biyahe maingay kasi yan habang nasa eroplano kami kanina kaya ayun napagod ata kakakuda kanina
" Papa pwede po ba muna tayo dumaan sa mall? May bibilhin lang kasi ako para kay Kian eh "Wika ko
" Oo ba "Wika ni Papa
Napatingin naman sakin si Kian at biglang kumunot noo ito
" Di pa ba yan marami?"Turo niya sa maleta na para sa anak kong si Kian
" Mga damit tsaka sapatos lang naman yan eh! Gusto kong bilhan yung anak mo ng mga gusto niya "Sagot ko
" Tsk "Wika niya
Kilala ko anak ko mahilig yun sa mga pabango tsaka daming arte nun sa katawan! Nung bata ako hanggang sabon lang ako! Tas minsan lang kami nun makabili ni Olga ng pabango namin pero tama nga si Tatay malaki pinagbago ng noon at ngayon! Dahil sa inaantok ako sumandal muna ako sa balikat ni Ethan tsaka umidlip muna .

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 02, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT S3Where stories live. Discover now