Roxie's POVKasalukuyan akong nandito sa bahay dahil nakauwi na kami ni Menandro kahapon pa! Sa wakas may nahanap din kaming kasambahay para mag alaga sa mga anak ko tsaka sa Apo ko! Mukhang mabi-busy kasi ako ngayong buwam dahil may event sa kompanya ni Menandro at kailangan ko siyang tulungan dun! Ilang araw na din kaming di nag uusap ng anak ko dahil ayokong istorbohin sila dun sa trabaho nila ni Ethan! Nandito ako sa kusina nagluluto ng makakain nila kambal at Kian! Nagtataka nga ako eh kung bat ayaw pa nilang bumaba eh anong oras na! Kanina ko pa sila tinatawag pero ayaw naman sumagot wala ba silang pasok? Dahil sa luto na yung niluto ko hinain ko yun at dinala sa hapag kainan pumunta ako sa taas para isa isa silang gisingin!
" Kian! Wala ba kayong pasok? Tirik na yung araw oh! Bangon na "Wika ko sa Apo ko
" Maaa bababa nalang po ako "Wika niya habang nakabalot ng kumot
" Anong bababa? Lalamig yung niluto ko! Bumangon ka na dyan "Hila ko sa kumot niya
" Mama naman eh "Kamot niya sa ulo niya
Lumabas ako sa kwarto ng Apo ko at isa isa kong ginising yung kambal nakita ko namang lumabas na sa kwarto yung Apo ko at umupo ito sa hagdan habang kinukuskos yung mga mata nito
" Si Tatay po Nay?"Tanong ko
" Ayun kakaalis lang! Sige na baba na kayo ni Miguel "Sagot ko
Bumaba naman silang tatlo kaya bumaba na rin ako! Umupo ako sa hapag kainan at humarap ako sa kanila! Napansin kong tahimik yung Apo ko kaya hinayaan ko muna siya
" Okay ka na ba Miguel? Di na ba masakit yang paa mo?"Tanong ko
" Di na po Nay "Sagot niya
" Kung maglalaro kayo ng basketball siguraduhin niyo naman na di kayo mapipilayan kasi kawawa tong isa walang kasama pag umuuwi! Sabi sakin Matet sila daw naghatid dahil mag isa nalang siya sa school niyo "Wika ko
" Sorry po Nay "Wika ng kambal
" Sige na mag almusal na tayo "Wika ko
Nagsimula kaming mag almusal at ganun pa rin Apo ako nananatili itong tahimik! Ano na naman kaya meron sa batang to? Pero Kailangan ko munang ipakilala sa kanila yung mga kasambahay namin kaya nang matapos kaming mag almusal isa isa silang pumunta sa sala para magpahinga tinawag ko yung mga kasambahay namin at agad naman silang lumapit sakin
" Mga anak! Tsaka Apo sila pala yung mga kasambahay natin dito "Wika ko
" Ito si Nanay Fe(Kasambahay namin) niyo! Kababata ko siya mukhang mataray siya pero mabait yan "Wika ko
" Hello "Wika ni Fe(Kasambahay namin) sa tatlo
" Ito naman si Tatay Yolo niyo taga linis sa kotse ng Tatay niyo tsaka hardenero natin "Wika ko
" Hello po sa inyo "Kaway ng tatlo sa bago naming kasambahay
Agad naman nagsibalikan sila Ate Fe sa mga gawain nila
" Mama bat nakakatakot yung matandang yun?"Tanong sakin ng Apo ko
" Ganun lang talaga mukha ni Ate Fe pero mabait yun "Wika ko sa Apo ko
" Mukhang mas nakakatakot siya Nay kesa sayo "Wika ni Miggy
" Para may taga sumbong sakin kung ano pinag-gagagawa niyo! Tingnan natin kung tatalab yang mga katamaran niyo sa kanya! Kung nakakalusot kayo sakin sa kanya hindi tandaan niyo yan "Wika ko
Nagkatinginan naman yung tatlo na para bang natatakot sila! Ganun naman talaga si Ate Fe dahil kababata ko yun! Mahigpit yun sobra! Siya kasi tumayo bilang isang ama at ina sa mga kapatid niya dahil maagang nagpaalam yung magulang niya! Dahil sa nag uusap usap yung tatlo pumunta nalang ako sa kwarto para tupiin yung mga damit ni Menandro .Kian's POV
Habang nagsusulat ako lumapit naman sakin yung bagong kasambahay namin! Agad akong napaupo ng maayos dahil sa kanya kakatakot kasi siya mas nakakatakot pa kay Mama!
" Alam kong ikaw si Kian? Diba?"Tanong niya sakin sabay taas kilay
" Opo ako po "Sagot ko
" May tao sa labas tawag ka "Wika niya
Agad akong tumayo at lumabas sa bahay! Napatingin ako sa likod ko at tama nga ako nakatingin ito sakin na para bang binabantayan ako! Kakaiba talaga pag taga probinsya nakakatakot kasi sila
" Kian "Kaway sakin ni Tomas
" Oh? Bat ka naparito?"Tanong ko
" Free ka ba? Tara gala tayo "Sagot niya
" Nge! Baka pagalitan ako ni Mama lalo na't walang pasok! Alam mo naman na ayaw akong palabasin ni Mama pag walang pasok diba?"Tanong ko
" Andyan ba Mama mo? Kausapin ko "Sagot niya
" Tomas sa susunod nalang "Wika ko
Napatingin ulit ako sa likod ko at kasalukuyang nakatingin pa rin sakin yung bagong kasambahay namin
" Papasukin mo muna ako "Wika niya
Binuksan ko nalang yung gate tsaka pinapasok ko si Tomas! Tuluyan kaming pumasok sa loob ng bahay namin hanggang sa nakasalubong namin si Nanay Fe(Kasambahay namin)
" Hep! Sino tong binata na to? Kilala ba to ng Mama mo?"Tanong ko
" Magpapakilala palang po ako "Sagot ni Tomas
Tuluyang pumasok si Tomas at sumunod ako! Maglalakad na sana ako ng bigla akong kinalabit ni Nanay Fe dahilan para mapatingin ako sa kanya
" Po?"Tanong ko
" Infairness ang gwapo "Ngiti niya sabay tulak sakin
Ano ba tong matanda na to napangiti nalang ako at sumunod na kay Tomas!
" Asan Mama mo?"Tanong niya
" Wait lang tawagin ko "Sagot ko
Pumunta ako sa taas tsaka pumasok sa kwarto nila Mama at Papa! Nakita ko naman tapos ng magtupi si Mama napatingin naman siya sakin nung makita niya ako
" Oh? May kailangan ka ba?"Tanong niya sakin
" Ma pwede ba ako mamasyal? Nandyan kasi sa baba yung kaibigan ko niyayaya niya ako gumala eh "Sagot niya
" Nasa baba?"Tanong ni Mama
" Opo "Sagot ko
" Tara puntahan natin "Wika ni Mama
Sabay kaming bumaba ni Mama at lumapit kami kay Tomas! Kinakabahan nga ako eh dahil kakaiba tingin sakin ni Tito Miguel baka sabihin na naman niyang boyfriend ko si Tomas
" Ikaw ba yung kaibigan ng Apo ko hijo?"Tanong ni Mama may Tomas
" Kaibigan daw! Boyfriend naman niya "Rinig kong bulong ni Tito
Kinuha ko yung unan tsaka binato ko yun kay Tito
" Opo ako po si Tomas kaibigan ni Kian "Sagot ni Tomas
" San kayo pupunta ni Kian?"Tanong ni Mama
" Kahit saan po wag po kayong mag alala bago lumubog yung araw nandito na po yung Apo niyo "Sagot ni Tomas
" O edi sige payag ako! Kayong dalawa lang ba?"Tanong ni Mama
" Opo "Sagot ni Tomas
" O ano pang hinihintay mo? Magbihis ka na dun sa taas "Wika ni Mama
" Opo "Wika ko
Agad namang tumayo si Mama dahil tumawag si Papa Menandro! Tatayo na sana ako ng bigla akong pigilan ni Tito Miguel tsaka umupo ito sa tabi ko
" Talaga bang kaibigan mo lang tong katabi ko?"Tanong ni Tito kay Tomas
" Oo naman kaibigan ko lang siya "Wika ni Tomas
" Tito ano ba nakakahiya "Bulong ko
" Baka mamaya may tinatago na kayo samin di lang namin alam! Palagi ko kasi kayong nakikitang magkasama sa school eh tas masaya pa "Wika ni Tito
" Mamaaa tingnan mo dito si Tito nagsisimula na naman "Sigaw ko
" HAHAHA "Tawa ni Tito
Agad kong tinulak si Tito papunta sa taas tsaka bumalik ako kay Tomas
" Nako Tomas pasensya ka na Kay Tito ha! Chismoso yun eh "Wika ko
" Hindi okay lang! Alam ko namang nagjojoke lang eh "Wika niya
Kaya nga ayaw na ayaw kong magdala ng kaklase kong lalake dito sa bahay dahil nandito yung Tito ko eh! Kala mo si Mike Enriquez nang iimbistiga na nakakainis pa sobra .