CHAPTER 3

42 1 0
                                    


Miggy's POV

Dahil sa tapos na klase namin napagpasyahan naming umuwi na! Dumaan muna kami sa bakery dahil nagugutom si Kuya! Ito namang isa ayaw magsalita tulala pa habang nakatingin sa labas!
" Hoooy problema mo? Bat kanina ka pa tulala?"Tanong ko sa kanya
Napatingin naman siya sakin at yinakap nito yung bag niya
" May iniisip lang ako Tito "Sagot niya
" Talaga? Bat parang malumanay ka? May masakit ba sayo?"Tanong ko
" Wala Tito okay lang ako "Sagot niya
Nakita ko to kanina lumabas siya sa banyo tas nung tinawag ko siya di ako nilingon
" O ito tinapay snack muna tayo gugutom ako eh "Wika ni Kuya Miguel sabay sakay sa kotse at umupo ito sa driver seat
" O kain kainin mo yan "Wika ko sabay bigay ng tinapay sa kanya
Tinanggap naman niya yun at nagsimula ng magmaneho si Kuya pauwi sa bahay namin
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang makarating kami sa bahay namin naunang pumasok sa bahay si Kian dahil dinala ko pa yung mga pinamili namin kanina inutusan kasi kami ni Nanay eh!
" Bilis pasok "Wika ni Nanay Fe(Kasambahay namin) habang may dala itong kahoy
Tuluyan kaming pumasok ng kambal ko tsaka nagpahinga muna ako sa sala dahil napapagod ako
" Nanay Fe nasan si Nanay?"Tanong ko sa kasambahay namin
" Wala! Andun umalis! Bukas pa uuwi kasama Tatay niyo "Wika niya
" Galit po ba kayo? Bat ambalis niyo magsalita?"Tanong ko
" Bilin sakin Ng Nanay mo walang makakalabas sa inyo! Matulog daw kayo ng maaga "Sagot niya
" Okay po "Sagot ko
Dahil sa nagluluto na yung kasambahay namin agad akong pumunta sa taas para magbihis na! Napadaan ako sa kwarto ni Kian at dahan dahan ko itong binuksan! Nakita ko naman siyang nakadapa at nakatakip ng unan yung mukha! Sigurado akong may problema na naman to di lang sinasabi samin kung ano .

Tomas's POV

Dumaan muna ako sa Mall para bumili ng mga pagkaing paborito ni Kian! Siya nga pala ako si Tomas Hernandez kaklase ako ni Kian at isang taon akong matanda sa kanya! Maputi , matangkad at higit sa lahat gwapo HAHAHA! Ewan ko ba dun sa taong yun paiba iba mood kanina masaya kami sa room tas nung nagrecess lang di na ako kinakausap! Nagtanong ako kay Candy kaso nagkibit balikat lang ito! Tas nung uwian namin kanina di man lang ako pinansin! Napag isip isip nga ako kung may kasalanan ba ako pero sa tingin ko wala! Kaya napagpasyahan kong pumunta dito sa Mall para bilhin mga paborito niya tsaka hihingi ako ng tawad kung may kasalanan ba ako sa kanya! Lakas ng tama ni Kian sakin ewan ko ba bat parang ginayuma niya ako! Kinakabahan nga ako eh dahil mapapalaban kami sa basketball dahil sa susunod na linggo na gaganapin yung liga! At balita ko nasa listahan daw si Kian sa labanan ng utak ewan ko nalang sa makakalaban niya! Halimaw pa naman yun pagdating sa sagutan!
" Tomas bilis na baka naghihintay na Papa mo dun "Wika ni Mama
" Ito na "Wika ko
" Andami naman niyan? Kanino ba yan?"Tanong ni Mama
" Ibibigay ko po kay Kian tsaka Kay Candy "Sagot ko
" Osige bayaran mo na yan hihintayin ka namin ng Papa mo sa kotse! Bilisan mo ha "Wika ni Mama
" Opo "Wika ko
Dahil sa tapos na ako mamili agad akong pumila para magbayad sana pansinin na ako bukas ni Kian! Wala naman akong kasalanan sa kanya bat di niya ako pinansin?
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang matapos akong maligo agad akong humiga sa kama! Kinuha ko phone ko tsaka tinawagan ko si Kian baka sakaling gising pa yun! Tinawagan ko siya ulit dahil biglang pinatay niya yung tawag ko sa pangalawang pagkakataon sinagot niya ito

                         •  ON CALL •

" Hello " -Kian

" Kamusta? Pagud ka ba? " -Ako

" Si Tomas natutulog na ako eh "Reklamo niya

" Maya na usap muna tayo "Wika ko

" Umiikot yung kasambahay namin baka malaman niyang gising pa ako isusumbong ako nun kay Mama " -Bulong niya sa cp

" Gusto mo bang pumunta ako dyan? "Biro ko

" Sige subukan mo! Si Tito haharap sayo sige ka "Wika niya

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT S3Where stories live. Discover now