Mikael's POVPagkatapos kong ihatid si Sophia sa bahay nila agad akong umuwi dahil ihahatid ko din si Kian! Tulog pa kasi siya kanina nung puntahan ko siya sa kwarto ni Papa! Agad kong inilagay sa motor ko yung helmet ko tsaka pumasok ako sa bahay namin! Nakita ko namang nag aalmusal na si Kian habang masaya silang nag uusap ni Mama! Kailangan akong magpanggap na kaibigan ko talaga si Kian sa harap ni Mama dahil sa simula palang sinabi ko kila Mama na okay kaming dalawa kahit di naman talaga dahil sa mga kasalanang nagawa ko sa kanya!
" Oh nandito na pala si Mikael "Wika ko
Umupo ako sa tabi ni Mama tsaka humarap din ako sa kanya
" Naihatid mo na ba si Sophia?"Tanong ni Mama sakin
" Opo Ma "Sagot ko kay Mama habang nakatingin kay Kian
Agad naman siyang yumuko at pinagpatuloy na niya pag aalmusal niya
" Hinanap kita kagabi di man lang kita nakita san ka ba nagpunta ha! Binigyan mo lang si Kian ng gatas kagabi nawala ka na "Kurot ni Mama sa tenga ko
" Maaaa nasa harap tayo ni Kian maya na tayo mag usap "Bulong ko kay Mama
" Edi mabuti kung nasa harap tayo ni Kian para malaman naman niya kung gano ka katamad "Sermon sakin ni Mama
Napatingin ako kay Kian na kasalukuyang nakatingin samin! Bigla nalang ako nahiya dahil kay Mama! Kaya nga ayokong dalhin ni Sophia yung mga kaibigan niya dito dahil pinagkakalat talaga ni Mama kung ano lang ginagawa ko sa bahay na to
" Puro lang ba pa pogi nakikita mo kay Mikael Kian sa twing nasa school kayo?"Tanong ni Mama kay Kian
Napatingin naman sakin si Kian at bigla itong tumango
" Maniwala ka sakin di yan naglilinis sa kwarto niya! Di yan naglalaba puro lang yan barkada! Puro pa pogi lang to alam "Wika ni Mama
" Maaa ano ba nakakahiya "Bulong ko kay Mama
" Batukan pa kita eh "Wika ni Mama
Nakita ko namang palihim na napatawa si Kian kay Mama! Napakunot noo nalang ako dahil naisahan na naman ako ni Mama!
" Kung may ginagawang di maganda si Mikael sayo sabihin mo lang kay Tita ha! Isusumbong ko din to sa Papa niya kung meron man "Wika ni Mama kay Kian
Dahil sa tapos ng mag almusal si Kian agad naman siyang tumayo at pumunta sa taas! Magbibihis na ata yun
" Ihatid mo si Kian ha! Maliligo na yun "Wika ni Mama
" Opo "Wika ko
Kakainis naman si Mama baka ma turn off sakin si Kian! Napasampal mukha nalang ako dahil nakita kong tumawa si Kian kanina habang pinapagalitan ako ni Mama! Baka ano isipin nun! Pumunta ako sa taas at pumasok ako sa kwarto ko! Isa isa kong dinampot mga damit ko baka pumasok si Kian tsaka baka makita niyang makalat kwarto ko! Wala kasi dito maid namin umuwi muna sa kanila dahil day off niya ngayon kaya ako na naman maglilinis sa kwarto ko!
" Mikaeeeel wag kang aalis ha! Ihahatid mo pa si Kian "Sigaw ni Mama sa baba
" Opo "Wika ko
Nang matapos kong linisan kwarto ko lumabas na ako sa kwarto ko! Bababa na sana ako ng makita kong lumabas si Kian sa kwarto ni Papa kaya bumalik ako at lumapit ako sa kanya
" Tapos ka na?"Tanong ko
Tanging tango at ngiti lamang yung isinukli niya! Kaya sabay kaming bumaba tsaka lumabas sa bahay!
" Titaaa uuwi na po ako "Sigaw ni Kian kay Mama
" Sige ingat kayo "Sigaw ni Mama habang nasa mga halaman siya
Sabay kaming lumabas sa bahay namin tsaka napahinto naman siya ng makita niyang motor yung sasakyan namin
" Motor sasakyan natin?"Tanong niya
" Oo bakit?"Tanong ko
" Mikael natatakot ako sa motor eh "Sagot niya
" Tsk! Wag ka matakot ako naman maghahatid sayo eh "Wika ko
" Mikael naman "Takot niya
" Tsk halika na "Hila ko sa kanya
Sumakay ako sa motor ko at sumakay din siya sa likod kita ko namang natatakot ito dahil sa mukha niya
" Hawak na baka mahulog ka "Wika ko
Humawak naman siya sa balikat ko dahilan para palihim akong mapatawa
" Bahala ka mahuhulog ka pa rin kung dyan ka hahawak "Wika ko
" Eh san ba ako hahawak? Natatakot na nga yung tao nananakot ka pa "Wika niya
Hinawakan ko dalawa niyang kamay tsaka pinapulupot ko yun sa tyan ko
" Dyan ka humawak para di ka mahulog "Wika ko
Di naman siya nagsalita at inayos ko na motor ko! Pinasuot ko yung isang helmet ko sa kanya at agad kong hinawakan kamay niya tsaka pinapulupot ulit sa tyan ko dahil unti unti niyang tinatanggal
" Wag mong bilisan Mikael ha "Wika niya
Palihim akong napangiti dahil sa nakayakap siya sakin
" Sagot kasi "Kurot niya sa tyan ko
" Aray ko "Wika ko
Tumango ako at tuluyan kaming umalis! Napayakap naman siya sakin ng mahigpit at dahil sa walang maluwag yung kalsada pinaharurot ko na motor ko! Kala niya iuuwi ko siya sa bahay nila gusto ko siyang masolo eh kaya bahala na!
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Dinala ko siya sa lugar na kung mahalaga saming dalawa! Dito kami tumatambay noon sa twing wala kaming magawa lalo na kung nag iinuman sila Tito Ethan tsaka sila Papa noon! Agad kong niyayaya si Kian pumunta dito tsaka dito lang kami naglalaro! Malapit lang dito yung lumang bahay namin pero iba na nagmamay ari nun! Nandito lang naman kami sa puno ng narra nandito pa nga yung upuan dito eh
" Bat mo ko dinala dito? Baka hanapin na ako nila Mama "Wika niya
" Wala lang wala kang may naalala dito?"Tanong ko
Napatahimik naman siya at tumingin sa paligid nakita ko namang palihim siyang napangiti
" Dito lang naman tayo pumupunta pag nag iinuman sila Papa tsaka sila Tito Ethan diba?"Tanong ko
Walang tao dito dahil natatago tong lugar na to marami kasi puno tsaka napapalibutan ng mga bulaklak! Dahil sa umupo siya umupo din ako sa tabi niya
" Parang tayo lang yung tumatanda Mikael kahit di tayo nakakapunta dito di pa rin nagbabago tong lugar na to "Wika niya
" Oo nga eh "Wika ko
Agad namang pumasok sa isip ko yung mga panahong wala pa kaming pake alam sa mundo! Yung gusto naming maglaro lang maghapon habang masaya kami sa isa't isa dahil kasama niya ako at kasama ko din siya