KABANATA DALAWA

11 10 1
                                    

"HAY! ANG buong akala ko talaga ay kung ano na ang nangyari kay Mang Elias kanina. Grabe kung makasigaw akala mo naman ay magugunaw na ang mundo 'yon pala na-flat lang ang gulong," saad ni Miajane habang inaayos ang pagkakasakbit ng bag nito sa likuran nito.

Nasa loob sila ng garahe ng bahay kung nasaan ang motor ng kaniyang Kuya Rob. Nang dahil sa biglaang paghingi ng tulong ng kanilang kapitbahay na si Mang Elias ay napagdesisyunan ng kanilang ama na sumabay na lang siya sa paghatid ng kaniyang Kuya Rob kay Miajane.

"Are you sure na puwede ito, Kuya Rob? Puwede naman kasi na mag-commute na lang ako," aniya.

"Ano ka ba? Ayos lang 'yon. Sumabay ka na," sagot nito samantalang ay kung ano'ng inaayos sa makina ng sasakyan. "Aayusin ko lang ito ng sandali tapos ay aalis na tayo. Maaga pa naman hindi ba?"

"Take your time, Kuya. Maaga pa para sa flag ceremony sa school namin," sagot ng kanilang bunso.

Lumapit si Syndy sa kaniyang nakakatandang kapatid pagkatapos ay "Kuya Rob, si Miajane na lang ang hinatid mo. Magco-commute na lang ako baka mamaya mahuli at magmulta ka pa," pagpapaalam ni Syndy bago tuluyang tinalikuran ang kaniyang kapatid at saka umalis. Narinig niya pa na tinawag nito ang kaniyang pangalan. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at iti-next na lang ito.

"Mahirap na kung mabigyan pa ito ng ticket. Nako! Paniguradong panibagong sakit na naman ito sa ulo kung nagkataon," saad niya sa sarili.

"Marhay na aldaw saimo, Syndy!"

Napatingin si Syndy sa tumawag sa kaniyang pangalan. Napangiti siya nang makita niya ang nasa 60 years old na ginang na si Aleng Chona sa usual na puwesto nito sa tapat ng tindahan ni Aling Nena. Kinuha ni Syndy ang isang supot ng limang pandesal na may laman mula sa kaniyang bag pagkatapos ay naglakad patungo sa babae at saka iniabot ang supot.

"Marhay na aldaw man, Aleng Chona. Pasensiya na po ito lang ang maiaabot ko sa inyo," aniya. Nakangiti naman 'yon inabot ng babae at saka sinimulang kainin ang nasa loob.

"Maraming salamat hija. Papalain ka nawa."

"Sige po Aleng Chona. Alis na po ako," paalam niya sa ginang at saka ay tinalikuran ito upang ipagpatuloy ang paglalakad.

"Mag-ingat ka hija," pahabol nito sa kaniya kung naman ay napatingin siya rito pagkatapos ay kinawayan ito.

"Good morning, Synds! Ang ganda ng gising na 'tin ah!" pagbati ng isang napakapamilyar na tinig sa kaniya. Mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti nang makita niya ang nakabistida niyang friend kasama ang asawa nito na nakaalalay lang rito. Iniwasan niyang mapangiwi habang nakatingin sa tiyan nito na tinalo pa ang laki ng dalawang pakwan. Halos hindi na ito makalakad pa ng ayos dahil sa dinadala. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ako minamadali ni mama ngayon eh! Mula nang kasal nito apat na buwan na ang nakalilipas ay wala na rin ang pangungulit ni mama kung kailan ako nagpakilala sa kanila ng lalaking iibigin ko. Iibigin? Ha! Never!

"Good morning, buntis!" balik niyang bati. Hinintay niyang makalapit ang mga ito sa kaniya bago muling naglakad. "Saan ang lakad niyong mag-asawa?" tanong niya.

"Magpapa-check up. Titingnan namin kung ilan ang nasa loob ng aking tiyan nang sa gano'n ay mapaghandaan na rin namin," sagot ng kababata. "Siyanga pala! Hindi ka ba nagsasawa na bigyan na lang araw-araw 'yong babaeng baliw na 'yon. Alam naman na 'tin na hindi lang isang Eh pati nga kamag-anak ni Aleng Chona hindi na rin siya inaasikaso," komento ng kaibigan.

"Iyon na nga eh. Alam naman na 'tin na kapos din ang pamilya mo tapos ay ganito pa ang ginagawa mo."

"Wala naman 'yon sa akin eh. Isa pa nalaman ko kasi na kapag alam mong kaya mo namang tumulong kahit sa maliit na bagay paraan kung hindi mo ginawa ay kasalanan 'yon sa kaniya," aniya sabay turo sa itaas. Kung meron lang sana akong mgagawa pa para maalis sa kalagayang 'yon si Aleng Chona...

Syndyrella SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon