KABANATA TATLO

11 10 0
                                    

NAPATINGIN SI SYNDY sa kaniyang wrist watch kapagkuwan ay nagsimulang magbilang ng mahina sa sarili habang pinupunasan ang lamesa sa loob ng shop. Nang pumatak na ang alas-tres ng hapon ay napangiti siya dahil isa lang ang ibig sabihin ng alas-tres sa kaniya. Ang pagtatapos ng kaniyang duty sa FLUFFY Ice Cream Parlor. Agad niyang itinigil ang pagpupunas sa table kapagkuwan ay nagtungo sa opisina ng kaniyang uncle. Katulad ng ginawa niya kanina ay kumatok muna siya sa pintuan nito pagkatapos ay 'tsaka lang ito binuksan.

Taas kilay siyang tiningnan siya ng kaniyang uncle. May hawak itong calculator at mukhang abala sa pag-compute ng pera. "Ahm. Bossing tapos na po 'yung duty ko," mahinang aniya. Hindi naman sumagot ang kaniyang uncle bagkus ay tumingin lang ito sa wrist watch nito. "Puwede na po ba akong umalis, uncle?" dagdag na tanong niya.

Ikinumpas lang nito ang kamay dismissing her out of his sight. Mas lalong napangiti si Syndy. Pinunasan niya ang kaniyang noo sa pamamagitan ng kaniyang braso pagkatatapos ay agad siyang nagtungo sa loob ng staff room at saka nagpalit ng kaniyang mga damit. Muli siyang tumingin sa kaniyang orasan. Tamang-tama lang para sa susunod kong raket.

"Oh Syndy, out ka na kaagad?" tanong ni Bernadette sa kaniya nang makasalubong niya ito sa labas ng staff room.

"Hanggang alas-3 lang talaga ng hapon 'yang si Syndy, Berna. Huwag ka ng magtaka. Part-timer lang kasi siya rito," sabat ni Alicia.

"Ay gano'n ba? Sayang naman! Akala ko pa naman ay puwede tayong gumimik mamayang uwian kahit saglit lang," naghihinayang na ani ng kaibigan.

Napakamot na lang si Syndy sa kaniyang batok habanng nakatingin dito. "Siguro sa susunod na lang, Bernadette. May isa pa kasi akong trabaho eh,"sagot niya. Binigyan na lang ng ngiti ang dalawang kaibigan saka nagpaalam sa mga ito. Akmang lalabas sana siya ng may makasalubong siyang lalaki na siyang papasok naman ng shop dahilan upang muntikan na siya nitong matamaan kung hindi lang siya nakaiwas kaagad.

"I'm sorry. I didn't notice you," saad nito sa kaniya.

Tinapunan niya ng tingin ang kabuuan ng lalaki. Matangkad ito, maputi na animo'y labanos, nakasuot ito ng worn out jeans at fitted na t-shirt. Kapansin-pansin tuloy ang malalapad ang dibdib at mga braso nito na namumutok sa mucle. Napanganga si Syndy at hindi makagalaw. Para siyang na-star struck sa binata.

"Hey! Are you fine?" tanong nito habang ilang beses na pinitik ang daliri nito sa kaniyang harapan na siyang nakapagpabalik sa kaniya sa realidad. Pakiramdam niya ay nag-init ang kaniyang mukha habang nakatingin sa lalaki.

"I-I'm f-fine. Thank you," sagot niya. Tumango ang binata kapagkuwan ay nalakad patungo sa loob ng shop. Ipinaling ni Syndy ang kaniyang ulo pagkatapos ay ilang beses pa niya itong tinapik tapik ang kaniyang dalawang pisngi. Binalingan niyang uli ng tingin ang binata na kasalukuyan nang nasa harapan ng counter. "Hay! Ano ba, Syndy? Umayos ka nga!" saway niya sa sarili kapagkuwan ay tuluyan nang umalis sa kaniyang shop.

Nang tuluyang makalabas si Syndy ay agad siyang pumara ng jeep. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at saka nagtipa ro'n ng mensahe na on the way na siya para sa kaniyang kababatang kaibigan na kasama niya sa isa pa niya niyang pinatratrabahuan na agad naman nitong sinagot makalipas ang ilang minuto.

From: Julie
Ingat ka bestie! Dalian mo dahil sabi ni boss ay maaga tayong magbubukas

Napangiti siya sa kaniyang nabasa. Ilang pang sandali ay nakarating na siya sa kaniyang sunod niyang trabaho. Nang makababa siya ng jeep ay agad na nanuot ang amoy ng dagat sa kaniyang ilong. Iniinat niya ang kaniyang dalawang braso at saka ngiting naglakad patungo sa isa sa mga building na nakatayo sa tabing dagat.

"Welcome to Seaside Ba—" Natigilan si Julie sa pagbati nang makita niya si Syndy na pumasok sa loob ng bar. "Ikaw pala bestie! Akala ko'y may customer na tayo," saad nito sa kaniya. Nakasuot ito ng denim shorts at kulay puting croptop samantalang may itim na apron na nakatali sa baywang ng babae.

Syndyrella SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon