KABANATA ISA

17 10 6
                                    

Ang sabi nila malalaman mo kung mahal mo ang isang tao kung sa unang tingin mo pa lang sa kaniya ay makakaramdam ka na ng malakas na pagtibok ng iyong puso. You will feel the static electricity whenever you skin touches and he will come into your system at wala ka ng iba pang maiisip kun 'di siya but you'll know if he's the right one for you kung nakikita mo ang sarili mo together with him in the future. He will be there for you and listen to you. He will make you comfortable, comfort you when your sad and definitely will fit into your life.

***

INILIBOT NI Syndy ang kaniyang paningin sa pamilyar na lugar kung saan siya nakatayo. Pakiramdam niya ay ilang beses na siyang nakapunta sa lugar na 'yon ngunit hindi niya alam kung ano'ng pangalan ng lugar or kung nasaan ba ito sa mapa ngunit kahit na gano'n ay isa lang ang kaniyang masasabi rito. Mapayapa at napakatahimik. Bukod doon ay napakasariwa at napakalamig ng hangin na siyang nagpapasayaw sa mga talahib sa parang. Marami rin ang mga puno na makikita sa kaniyang paligid. Ang asul na kalangitan at ang mga napakapuputing mga ulap na tumutulong sa pagharang sa init na nanggagaling sa haring araw. It was her secret haven.

"Syndy." Agad na bumilis ang pagtibok ng puso ni Syndy nang marinig niya ang isang pamilyar na tinig na siyang tumawag sa kaniyang pangalan.

Nakangiting nilingon niya ang lalaking kaniyang pinakamamahal. Nakatayo ito ilang metro ang layo sa kaniya. Suot ang puting pants at puting ¾ sleeves shirt. Malawak ang ngiting nakamasid sa kaniya. Sumenyas ang binata gamit ang mga kamay nito. Sinesenyasan siyang lumapit na siya namang malugod niyang sinunod. Bumagal ang lahat ng patakbo siyang lumapit sa lalaki na para bang sa kanilang dalawa lang umiikot ang buong mundo.

Agad niyang niyakap ng buong higpit ang binata nang tuluyan siyang makalapit dito. Patuloy pa rin ang pagtibok ng malakas ng kaniyang puso habang nakatingin sa guwapong mukha ng lalaking kung saan tangan tangan siya ng mga bisig nito.

"Naneun dangsin-eul jeongmallo salanghabnida, Syndy," saad nito habang sinserong nakatingin sa kaniya. (I really love you, Syndy.)

Napangiti siya. "Nado saranghaeyo, JiHo-ssi," sagot niya. With her heart poundig, Syndy closes her eyes and pouted her lips waiting for the man to kiss her. (I love you too, Ji Ho.)

"Syndy..."

"Stop saying anything, Jiho-ssi. Just kiss me already."

"Syndy!"

Naimulat ni Syndy ang kaniyang mga mata at saka inis na tumingin sa binata nang bigla na lang siya nitong inalog ng sobrang lakas. Naiinis siya dahil nagpapakipot pa ito samantalang siya na nga itong lumalapit sa lalaki.

"What is it, JiHo-ssi?" iritableng tanong niya ngunit ang inis na kaniyang nararamdaman ay naglaho na ng parang bula nang biglang haplusin ng binata ang kaniyang mga pisngi na siyang kaniyang ikinasinghap. Pakiramdam niya ay nawala ang lakas sa kaniyang mga binti. Only Ji ho can make her swoon all over him.

"You have to wake up, Syndy." Napakunot ang noo ni Syndy sa sinabi ng lalaki at mas lalo siyang naguluhan nang biglang magbago ang mukha nito at maging ang bunso niyang kapatid na babae.

"Gumising ka na, Ate Synds!" sigaw nito sa kaniya.

Humahangos na napabangon si Syndy mula sa kaniyang pagkakahiga sa kaniyang kama dahil sa pagkagulat.

"Hay! Mabuti naman at gising ka na, ate!"

Napadako ang tingin ni Syndy sa dalawang tao na kasama niya sa loob ng kaniyang kuwarto. It was her little brother and little sister. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay habang nakamasid sa kaniyang mga kapatid.

Syndyrella SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon