"WHAT the heck is wrong with you?" sigaw ng lalaking naka-mask nang makatayo ito at saka hinarap siya. Kung nakakamatay lang ang uri ng tingin ay paniguradong kanina pa siya nakahandusay sa sahig at unti unti nang binabalutan ng lamig ang kaniyang buong katawan. Ang singkit nitong mga mata na nag-aapoy sa galit ay nakatuon sa kaniya. Hindi nito inaalis ang mask na suot nito. Hindi tuloy niya makita ang itsura ng walang hiya.
Naramdam niya ang biglang paghila sa kaniyang braso ng kaniyang kaibigang si Angel. Nang tapunan niya ito ng tingin ay nakita niya kaagad ang matinding kahihiyan at pag-aalala sa mga mata nito. Muli siyang hinila ni Angel sabay iling pa ng ulo nito na para bang sinasabi na humingi siya ng tawad. Hindi niya pinansin ang kaibigan kapagkuwan ay muling ibinalik ang tingin sa lalaki. Sa sandaling 'yon lang niya napansin ang biglang pagtahimik ng kanilang paligid na para bang sa kanila na lang umiikot ang mundo. Napansin niya rin ang ilan sa mga tao sa kanilang paligid na nakataas ang mga cellphone at nakatutok sa kanilang dalawa.
"Aba! Huwag mo akong ma-english english!" aniya rito. "Ang lakas ng loob mo na magpakita sa kaibigan ko after what you did to her?" singhal niya sa lalaki.
"What are you talking about?" kunot noong tanong ng lalaki sa kaniya. There is something shown in the man's eyes that she can't name. Nang akmang magsasalita na sana ulit siya para awayin ang ex ng kaniyang kaibigan ay hindi na niya nagawa dahil buong lakas siyang hinila nito palayo sa lalaki at sa mga taong nakikiusyoso.
"Teka Angel! Bakit ba basta mo na lang akong hinila? Hindi pa ako tapos turuan ng leksyon ang lalaking 'yon!" sigaw ni Syndy nang bigla na lang siyang hilahin ng kaniyang kaibigan patungo sa staff room.
"Alam mo ba ang ginawa mong kahibangan, Synds?" nanlalaking mga matang tanong nito sa kaniya na siyang ikinakunot ng kaniyang noo. Nakadantay ang dalawang kamay nito sa kaniyang magkabilang balikat samantalang seryosong nakatingin sa kaniya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang embarrassment at worry na makikita sa mga mata ng kaniyang kaibigan. Napailing si Syndy agkatapos ayinalis ang kamay ng kaniyang kaibigan sa kaniyang mga balikat. Hinawakan niya ng mahigpit ang dalawang kamay nito.
"Alam ko na mahal mo pa rin siya Angel pero as your friend I need to avenge you from what he done to you. Dapat lang 'yon sa ginawa niyang panloloko sa 'yo," paliwanag niya ngunit imbis na makita ang kaginhawaan sa mukha nito ay mas lalo itong napakunot.
"Ano bang sinasabi mo, Synd? Ano'ng mahal? Hindi ko mahal si EX!" asik niya. Ilan pang sandali ay parang may bumbilya na bigla na lang umilaw sa ibabaw ng ulo ni Angel. Kasunod ang pamimilog ng mga mata at ng bibig nito.
"Wait! Don't tell me napagkamalan mo siyang ex-boyfriend ko?" tanong nito mas lalong lumala ang pag-aalala sa mukha ng kaniyang kaibigan. Hindi nakapagsalita si Syndy dahil totoo naman ang sinabi ng kaniyang kaibigan bukod doon ay nalilito na siya sa nangyayari sa kaniyang kapaligiran. Kung hindi ito ang kaniyang Ex-boyfriend then bakit Ex ang tawag niya sa lalaki?
Narinig niya ang malakas na paglagutok ng isang bagay sa balat. Nang tiningnan niya ang kaibigan na si Angel ay naka-face palm ito at halata ang pagka-bother nito sa kaniyang ginawa sa lalaking 'yon.
"Wait lang! Nalilito na ako! Kung hindi siya ang ex na nanloko sa 'yo eh bakit ex ang tawag mo sa kaniya?"
"Siya si EX as in Ethan Xavier! Isang sikat na pianist sa Amerika. Nakilala ko siya dahil isa ako sa kaniyang subscriber sa Cliptube," pagkukuwento ni Angel sa kaniya.
Nang akmang magsasalita na sana siya tungkol sa lahat ng mag sinabi nito sa kaniya nang bigla na lang pasok ang namumula sa galit na kanilang manager. Nakasuot ito ng cosy shirt na puno ng shining glitters at ang white pistol pants nito ay siyang hapit na hapit na putok nitong tiyan. Bukod doon ay nakasuot pa ito ng retro futuristic glasses at yellow scarf. Narinig pa niya ang pagsinghap ng kaniyang kaibigan sa kabiglaanan.
BINABASA MO ANG
Syndyrella Syndrome
Ficción GeneralSyndy Dimaculangan can be categorized as a modern day Cinderella dahil sa kaliwa't kanan nitong trabaho at sideline works. Wala na siyang oras sa halos lahat ng bagay maliban sa isa. Ang pagiging fangirl ni Song Ji Ho, isang sikat na korean singer-s...