Nandito ako ngayon sa park. Pinapanuod ko ang mga bata maglaro mula sa malayo. Naparito lang naman ako para magpahinga. Habang ako ay nagpapalipas ng oras. Nasaksihan ko ang mga batang ito na pinagkakaisahan nila ang isang batang babae. Sa tingin ko nasa edad 12 taong gulang na sila. Pinapanuod ko lang sila mula rito sa aking inuupuan. Hindi ko na rin matiis ang aking nakikita kaya lumapit na rin ako para siya ay tulungan.
Sinugod ako ng mga batang ito. Wala silang alam sa ginagawa nila. Alam lang nilang maging marahas. Oo, nilabanan ko sila. Sobrang tanda ko na para sa mga ganitong klase ng away. Kailangan nating gawin para tayo ay may matulungan. Tinulak ko ang isa sa kanila at tila sila ay natakot. Umalis na sila.
"Ayos ka lang ba?" wika ko sa kanya. Inabot ko ang aking kamay sa kanya.
"Maayos naman po ate," wika ng batang babae.
"Sumama ka sakin," wika ko sa kanya.
"Sige po," wika ng batang babae.
Pumunta kami sa malapit na hospital.
"Bakit po tayo nasa hospital?" wika ng batang babae.
"Para gamutin ang mga sugat mo," tugon ko sa kanya.
"Wala po akong pera. Huwag na lang po," wika ng batang babae.
"Akong bahala. Huwag kang mahiya," tugon ko sa kanya.
"Bakit ka nilang pinagkakaisahan?" sabi ko sa kanya.
"Hindi ko rin po alam," tugon ng batang babae.
Nang matapos siyang gamutin sa hospital ay nagtungo na kami pabalik sa kanyang tahanan. Gusto ko siyang ihatid.
"Ate, pwede po bang bumalik tayo sa park?" wika ng batang babae.
"Sige," sabi ko sa kanya.
Umupo kami sa isang swing. Nakatingin lang ako sa kanya. Pakiramdam ko sobrang lungkot ng pinagdadaanan niya.
"Kumusta ka po, Ate?" wika ng batang babae.
"Maayos naman ako. Ikaw, kumusta ka?" sabi ko sa kanya.
"Maayos din naman po," wika ng batang babae.
Bumili kami ng mga pagkain. Nakakatuwa yung ganitong sitwasyon. Parang mag ate lang kami. Para akong may nakakabatang kapatid. Nahihiya siya pero sabi ko sa kanya na huwag siyang mahiya at pumili lang siya ng gusto niya. Humanap kami ng mauupuan.
Lumipas ang ilang mga minuto at naubos na namin ang aming mga kinakain. May tumawag sa aking cellphone. Sinagot ko ang tawag. Kaya nagpaalam na ako sa kanya. Nagmamadali na akong umalis.
"Kailangan ko na munang umalis. Mag-iingat ka," sabi ko sa kanya.
"Ate, maraming salamat po. Mag-iingat din po kayo," tugon ng batang babae.
Niyakap niya ako. Tuluyan na akong umalis. Napulot ng batang babae ang isang notebook na dala-dala ng babaeng tumulong sa kanya.
BINABASA MO ANG
Meet My Vampire
VampireMarami sa atin ang nagtatanong kung ano nga ba ang mga bampira. Marami rin sa atin ang nag-iisip kung paano sila namumuhay. Sa hindi inaasahang panahon ay nakakilala ako ng isang bampira. Marami akong nalaman tungkol sa kanila. Hayaan ninyong ipaki...