Chapter 3- Kapangyarihan

75 9 1
                                    

Nakauwi na kami sa bahay. Samantalang ako ay hinang-hina kaya natulog na lang muna ako. Binabantayan ako ni Alexandra. Hindi siya mapakali.

8:30 pm ginising ako ni Alexandra. Nag-aalala siya kay Raphael dahil  nararamdaman niya na hindi maganda ang pakiramdam ni Raphael.

"Ang taas ng lagnat mo," wika ni Alexandra.

"Ayos lang ako," nakangiting sinabi ni Raphael.

"Raphael, huwag mo nga akong pinaglololoko! 40°C ang temperature mo," wika ni Alexandra.

Bumangon si Raphael. Pakiramdam niya ay hilong-hilo siya. Kaya kaagad siyang nagtungo sa banyo. Sumuka nang sumuka si Raphael. Hinihimas ni Alexandra ang likod ni Raphael.

"Ok ka lang ba? Siguro yan yung sintomas love ng pagkagat ko sayo," wika ni Alexandra.

Ang kagat ng vampire ay nagtataglay ng virus na tinatawag nilang veximia. Sa oras na hindi ito magamot ay pwede mong itong ikamatay.

Pumunta si Alexandra sa kanyang kwarto. Kinuha niya ang gamot. Ibinigay ni Alexandra ang gamot kay Raphael. Ipinaliwanag niya lahat ng impormasyon tungkol sa gamot. Ang tawag sa gamot ay lamiasine. Ang gamot na ito ay ginawa ng mga vampire. Dumaan ito sa masusing pagsasaliksik. Inaayos nito ang cells na sinira ng virus. Sa recovery point, ang cells na papalit sa mga nasira ay galing sa cells ng mga vampire. Isa sa mga katangian ng mga vampire ay ang pagpapahilom ng mabilis. Kung sakaling magkaroon sila ng sugat ay kaya nitong gumaling sa loob lamang ng 5 segundo. Depende kung gaano kalaki ang sugat. 

Ang gamot ay may mga side effects. Kung ang taong iinom nito ay hindi susuka ng dugo ibig sabihin ay ganap na siyang vampire. Para tuluyan kang maging vampire kailangan mayroong kumagat sa iyo at tiyaka mo iinumin ang gamot. Kung sakaling sumuka ito ng dugo ay mananatili siyang tao ngunit magkakaroon ito ng kapangyarihan.

Ininom ni Raphael ang gamot. Matapos niyang inumin ay nagsuka si Raphael ng napakaraming dugo. Nahimatay si Raphael. Kaagad na tinulungan ito ni Alexandra. Nilinisan ni Alexandra si Raphael. Binuhat niya si Raphael papunta sa kwarto niya. 

Biglang natumba sila, nahulog sila sa kama. Nakapatong si Alexandra kay Raphael. Nakatitig siya sa mga mata nito. 

"Ang bigat mo naman kasi love," wika ni Alexandra.

Matapos niyang ihatid si Raphael ay bumalik na siya sa kanyang kwarto. 

June 02, 2032

Pagsapit ng umaga. Nagising na si Raphael. Bigla siyang sumuka ng dugo. Pagtingin niya sa kanyang paligid nakita niya na lumulutang ang mga kagamitan. Pumasok si Alexandra sa kwarto ni Raphael. 

"Anong nangyayari?" wika ni Raphael.

"Huwag kang matakot. Hindi kana normal na tao," wika ni Alexandra.

"Vampire na ako?" wika ni Raphael.

"Hindi naman. Nagkaroon ka lang ng kapangyarihan," wika ni Alexandra.

"Hindi ka tuluyang naging vampire pero nagmutate ang cells mo katulad ng sa amin," wika ni Alexandra.

"Masama ba yun?" wika ni Raphael.

"Hindi pero sa pagkakaalam ko, sa tuwing gagamit ka ng kapangyarihan mo ay may kapalit ito at ito ay ang sarili mong dugo," wika ni Alexandra.

Inabot ni Alexandra ang tissue kay Raphael.

"Kumalma ka lang. Sa ngayon hindi mo pa kontrolado ang iyong kapangyarihan," wika ni Alexandra.

Bumaba na ang mga kagamitan sa loob ng kwarto.

"Kumusta pakiramdam mo?" wika ni Alexandra.

"Maayos naman ako. Medyo nahihilo," wika ni Raphael.

"Kaya mo bang pumasok?" wika ni Alexandra.

Meet My VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon