Chapter 6- Vampire Society

23 1 0
                                    

"Naalala mo na ba ako Raphael?" tanong ni Alexandra.

Ang mysterious girl na iniwanan na lang ako sa ospital. Naalala na kita Alexandra. Siguro, tama na ang panahon para magkita tayong muli.

"Oo, natatandaan ko na. Pagkatapos kitang iligtas sa gubat. Iniwanan mo lang ako sa ospital. Galit na galit sakin sila lolo noon," sabi ko sa kanya.

Napangiti na lang si Alexandra. Ang ganda niya. "Sorry na," wika ni Alexandra. Biglang may dumaang malakas na hangin. Napahinto siya sa pagsasalita.

"Ano nga bang nangyari noon sa gubat?" tanong ko sa kanya.

"Nalaman ng mga sundalo kung saan kami naninirahan. Kaya pinuntahan nila para ubusin kami. Mabuti na lamang ay nakatakas ang lahat," wika niya.

"Noong sandaling natagpuan mo ako ay naabot ko na halos ang aking limitasyon. Masaya ako at nandoon ka noong mga sandaling iyon. Kung wala ka siguro ay wala na rin ako sa mundong ito," dagdag ni Alexandra. 

Masaya rin ako Alexandra na makita kang muli sa kasalukuyan. Kahit iniwan mo ako noon.

"Raphael, maraming salamat. Utang ko sayo ang buhay ko," wika ni Alexandra. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Ang ma-appreciate ng ibang tao. Pakiramdam ko kasi nitong mga nagdaang taon ay walang kwenta ang aking buhay. Sa totoo lang ang pilosopiya ko sa buhay ay mamatay na lang. Kasi ano nga ba ang purpose ng mga ginawa mo sa mundong ibabaw kung sa huli ay mamatay ka rin naman. Sa ngayon nag uumapaw sa saya ang aking puso. Hindi mapigilan ng aking mga bibig na ngumiti.

"Wala yun Alexandra," tugon ko sa kanya. Lumapit siya sa akin. Niyakap niya ako. Hindi niya mapigilang lumuha. Kaya napilitan na lang akong yakapin pa siya nang mas mahigpit. Ang hiling ko lang kay Bathala sa mga sandaling ito ay habang buhay na lang kaming ganito.

"Nandito na sila," wika ni Alexandra.

"Sinong sila?" tanong ko sa kanya.

"Philippine Vampire Executioner," wika ni Nalix.

Nagulat na lang ako dahil bigla na lang nagsulputan ang mga bampira sa rooftop. Napaligiran ng mga bampira ang kinakatayuan namin ni Alexandra. Mula rito ay makikita mo na ang mga sundalo na nakapalibot sa buong lugar. Nagsimula na ang digmaan. Unang umatake ang mga sundalo. Pinaulanan kami ng mga bala ngunit hindi ito tumatama. Ang mga bala ay lumulutang lamang sa ere at biglang babagsak sa lupa. Kaagad na nawala ang ilang bampira  at makikita mo na sinugod na nila ang mga sundalo. 

Nagiging madugo ang labanan. Sa mga sandaling ito hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Kapag nagpatuloy pa ito, maraming buhay ang mawawala. Nilapitan ko si Alexandra.

"Kaya mo bang patigilin ang digmaan?" sabi ko sa kanya.

"Malabo na Raphael. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Ang mahalaga ngayon ay tumabi ka lang sa akin. Po-protektahan kita," wika ni Alexandra. Sa pagkakasabi niya, alam mo talagang seryoso siya. Sumunod na lamang ako. Parang hindi nauubos ang kalaban na mga sundalo. Marami silang back-up. Nakarinig na lamang kami bigla ng isang tunog na sobrang sakit sa tainga.  Parang binibiak ang ulo mo. Napaluhod sila Alexandra at iba pang mga bampira.

"Ace Royall," wika ni Nalix.

"Dakilang taksil," wika ni Alexandra.

Mula sa kinakatayuan namin ay may lumipad na missile. Napigilan ito nila Alexandra.  Bigla na lang may taong lumitaw sa harapan namin. Sobrang tangkad nito. Maputi at nakasuot ng barong tagalog na kulay puti, itim na pantalon at itim na sapatos. 

"Sumainyo ang kapayapaan," nakangiting sinabi ng lalaki.

Nang makita ko ito, nakaramdam ako ng takot. Sinipa nito si Alexandra sa tagiliran. Lumipad si Alexandra. Sinundan ito ng lalaki sa paglipad niya. Bigla na lamang akong nakaramdam ng galit. Kaya sinugod ko ang lalaking ito. Nang malapit na ako sa kanya ay lumingon siya sa direksyon ko. Nakangiti ito. Lumutang na lang ako bigla. Sinakal niya ako.

Meet My VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon