Chapter 6.1 - Vampire Society

9 2 1
                                    

May tumatapik sa aking mukha. Napakalambing din ng boses nito.

"Ginoo~"

"Ginoong Raphael."

"Raphael."

Unti-unti kong minumulat ang aking mga mata. Malabo ang paningin ko. Kaya hindi ko makitang mabuti kung sino ang nagsasalita. Naaaninag ko lang mukha ni Alexadra. Kaya hinawakan ko ang kanyang kamay. Pero nagkamali ako hindi pala siya si Alexandra. Siya si Samantha. Sa pagkakatanda ko nagkita na kami sa party.

"Ginoo, ano po iyon?" tanong ni Samantha.

Nahihiya ako sa ginawa ko, kaya kaagad kong binitawan ang kamay niya. "Sorry, hindi ko sinasadya," sabi ko sa kanya. Kaagad akong umupo para tumayo.

"Pa saan po kayo?" tanong niya.

"Nasaan si Alexandra?" tanong ko sa kanya.

Biglang nagbago ang mukha ni Samantha, nang marinig niya ito. Kaya inulit ko ang tanong ko sa kanya.

"Nasaan siya?"

"Kinuha na siya nila Ace," tugon niya.

Napatulala ako sa sinabi niya. Nagsimula na ring tumulo ang aking luha. Nagsimula na ring lumutang ang mga gamit sa loob ng kwarto. Sumuka ako ng dugo. Hindi ko maintindihan. Paano nangyari iyon? Pero teka, paano?

Hindi ko maipaliwanag ang emosyon na nararamdan ko. Bakit parang nahihirapan akong huminga? Tanging galit lamang ang nararamdaman ko. Gusto kong maghiganti. Hindi ko mapigilang tumulo ang mga luha. Sa mga sandaling ito si Alexandra ang naaalala ko.

Pumasok si Nalix sa loob ng kwarto.

"Magpaliwanag ka Nalix!"

"Huminahon ka muna Raphael," wika ni Nalix.

"Maiwan ko po muna kayo mga ginoo," wika ni Samantha. Lumabas si Samantha ng kwarto.

"Magsalita ka!," pasigaw kong sinabi sa kanya.

"Natalo kami," wika ni Nalix.

Bumaba na ang mga nakalutang na gamit sa paligid ko. Patuloy pa ring pumupatak ang mga luha hindi ko ito mapigilan. Sa mga sandaling ito si Alexandra ang naaalala ko.

"Iniligtas tayo ni Alexandra. Pinatakas niya tayo," wika ni Nalix.

"Bakit ninyo siya iniwanan?" tanong ko.

"Nakiusap siya sa akin. Nag-aagaw buhay kana noon Raphael. Walang balak si Ace na patakasin tayo. Kaya nilabanan ni Alexandra mag-isa si Ace at nilabanan naman ng aking mga sundalo ang mga sundalo ng PVE (Philippine Vampire Executioner)," wika ni Nalix.

Napatahimik na lang ako sa mga sinabi ni Nalix. Kasalanan ko kung bakit siya nahuli.

"Ilang araw na ang lumipas? Anong gagawin nila kay Alexandra?" tanong ko kay Nalix.

"Tatlong araw na ang lumipas nang mahuli nila si Alexandra. Dalawang araw ka ng walang malay Raphael. Sigurado ako, ikukulong nila ito sa Camp Luna sa Bataan," wika ni Nalix.

"Hindi ko maintindihan," sabi ko kay Nalix.

"Kakampi ng PVE si Ace," wika ni Nalix.

"Paano nangyari yon?" tanong ko.

"Mahabang kwento," wika ni Nalix.

"Makikinig ako," sabi ko sa kanya.

"Magpahinga kana lang muna," wika niya.

Tinalikuran na ako ni Nalix. Lumabas na siya ng kwarto. Humiga na lang ulit ako dahil nahihilo ako. Ang daming pumapasok sa isip ko. Kumusta na kaya si mama? Sigurado akong nag-aalala na iyon. Magagalit talaga si mama pag-uwi ko, lalo na at napahamak si Alexandra. Isusumbong pa ako ni mama kay papa.

Meet My VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon