Chapter 7 - Orasan

17 2 0
                                    

Nagulat agad ako sa pagbukas ko nito. Mayroon agad na bumungad na email. Meron itong title na Muli. Kaya ako'y nababahala dahil ang email na ito ay galing din sa akin. Wala naman akong ginawa na ganitong email. Tiyaka hindi rin ako nagse-send ng ganito sa aking sarili. Bakit ngayon lang din ito ginawa based sa time and date nito. (08:30 P.M. | June 08, 2032)

Binuksan ko ang email. Mayroon itong laman na video. Sinimulan ko itong panuorin. Nagsimulang umimik ang lalaki. "Ako, ikaw, mula sa hinaharap." Tumindig ang mga balahibo ko nang makita ko ang sarili ko sa video. Ibang-iba sa kasalukuyan kong anyo. Mahaba ang buhok ng aking hinaharap na katuhan. Hindi ko rin alam kung nasaan siya based sa background niya. Para siyang nasa silid-aklatan. Ni-pause ko ito; hindi ako makapaniwala. Seryoso? Ako ba talaga ito? Ang tanda ko naman tingnan dito. Ni-resume ko na ang video.

"Makinig kang mabuti sa mga sasabihin ko. Alam kong naguguluhan ka sa mga sandaling ito, pero nakikiusap ako na sundin mo lahat ng ito." Seryoso siyang nagsasalita. Nararamdaman ko yung lungkot sa kanyang mukha. Kaya nakikinig akong mabuti sa kanya.

"Anong pakiramdam na kaharap mo ang iyong sarili?"

"Kinakabahan ka ba?"

"Parehas lang tayo; kinakabahan din ako habang ginagawa ito. Ako yung klase ng tao na walang pakialam sa hinaharap at nakaraan. Alam mo yan diba? Gusto lang natin i-enjoy ang kasalukuyan." 

"Pero ito ako ngayon, handa kang gabayan." Napangiti na lang siya bigla.

"Alam kong bata ka pa sa mga sandaling ito. Ang mga bagay na nagpapasaya lamang sa inyo ang gusto ninyong gawin.  Kasiyahan lamang ang hinahanap niyo. Ganito rin ang hinahanap namin sa ganitong edad. Ako'y bata lamang na tumanda ang edad. Ako'y bata pa rin katulad ng kahapon."

"Sa mga sandaling ito. Alam kong nangungulila ka kay Alexandra. Maswerte ka lang dahil hindi pa ganoon katagal ang iyong pangungulila. Sa sandaling ito 20 years na siyang wala. Labis-labis na ang pangungulila ko sa kanya. Mas matagal na nga lang ang pagdurusa ko kaysa sayo."

Anong ibig mong sabihin?

"Totoo ang iyong narinig. Sa panahong ito wala na si Alexandra."

Hindi ko mapigilan na bumagsak ang ulan mula sa aking mga mata. Siguro, napuno na ang mga ulap ng mga emosyon.

" Alam kong nalulungkot ka sa aking mga sinasabi. Kumalma ka muna Raphael. Huminga kang malalim." Sinunod ko ang kanyang payo.

"Sa mga sandaling ito; makinig kang mabuti. Tandaan mo lahat ng mga sasabihin ko sayo. Mangyayari ang lahat ng ito. Kaya ang iyong misyon ay pigilan ang lahat ng ito na mangyari. Kung hindi mo ito mapipigilan. Matutulad ka sa akin."

Susubukan kong tandaan lahat ng sasabihin mo. Susubukan kong ibahin ang landas na dinaanan mo.

"Hindi na tungkol sa pag-ibig kay Alexandra ang ating pag-uusapan. Tungkol na rin ito sa mga nangyayari rito sa Pilipinas sa hinaharap. Pagkatapos ng digmaan. Maraming buhay ang nawala lalong-lalo na sa mga tao. Nanalo ang mga bampira ngunit hindi naging maganda resulta nito para sa bansa. Namatay na si Ace. Pinalitan ni Alexander ang posisyon ng presidente. Alam kong nakilala mo na siya sa mga sandaling ito."

Tumigil siya sa pagsasalita. Kinuha niya ang baso sa kanyang tabi. May laman itong kulay pula. Hindi ko mawari kung anong inumin ito. Nagpatuloy siya sa pagkukwento.

"Likas sa bawat nilalang ang pagiging mabait pero likas din sa atin ang kasamaan. Sa pagkawala ng kanyang iisang anak na si Alexandra. Gusto niyang pagbayarin ang mga salarin. Ginawang alipin ng mga bampira ang mga tao. Ang kanilang mga lahi na ang namumuno sa bansang ito."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Meet My VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon