Chapter 7

24 2 0
                                    

Jealous Naya

Life is hard with problems ahead. You'll be in the middle of chasing that light alone and drowning by the dark. There is no peace when there is no contentment in our hearts. That's why love existed to bring everyone into the pain before getting the peaceful end.

Nagising akong maganda ang pakiramdam. Nag inat ako ng mga kamay at napansing wala na si Samael sa aking tabi. Umuwi na siguro yon at napagod kaka alo sa akin para makatulog.

Bumangon na ako at agad pumasok sa banyo para makaligo. Mabilis lang aking pagkilos dahil balak kong ipasyal si Roni sa labas. Hindi ko siya masyadong nalambing kagabi dahil sa nangyari.

I wore a white halter top, a sweat pants and I paired it with my white Nike Air Force 1. Binihisan ko si Roni ng white swetshirt para bumagay sa akin kahit papaano. Nilagyan ko din siya ng tali dahil baka mapasobra siya sa takbo.

I checked my hair and put it in a ponytail style. I got my airpods already and we're ready to go down for breakfast.

Bigla kong naalala si Samael, I wonder why he's not beside me when in fact he said last night he wouldn't leave me. What a liar. Nainis ako bigla.

Bago pa tuluyang masira ang aking mood, Dinala ko na si Roni sa baba papuntang dining area.

May mga naririnig akong boses galing doon. Huminto ako saglit at napagtantong nangunguna ang boses ng aking ina. Gulat ako dahil ang bilis nilang nakauwi, akala ko pa naman next month pa.

Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Sorry talaga Mr. Leventris at ikaw pa ang natakbuhan ni Nayeli kagabi. We couldn't do anything since we're miles away at masama din ang panahon hindi kami agad naka contact dahil nawala ang signal" Suyong sabi ng aking ina. 

Pumasok ako at napatingin silang tatlo sa akin. Andito pa pala ang isang to, kala ko naman umuwi na.

He eyed me from head to toe. I raised my brow to him.

tumikhim ako at nilingon ang magulang ko.

"Anak did you sleep well?" Papa asked me and walk towards me.

he hugged me. "Yes dad, I'm feeling better now" I gave him a small smile.

mama also came towards me to give me a tight hug. " I was so scared last night. I couldn't contact you due to bad weather. " halata sa mga mata ng aking ina ang kaniyang pag alala.

"It's okay mom, Samael got my back last night." Sabi ko habang pabalik balik ang tingin ko sa aking ina at kay samael na nakaupo na sa hapag.

"C'mon ija, tikman mo ang niluto ni Mr. leventris." Hinawakan ako ni mommy at pinaupo sa tabi ni samael. 

"Kakauwi lang namin kanina at nadatnan namin siyang tahimik na nagluluto." inangat ko ang tingin kay mommy at malisosyo itong tumingin sa akin at kay samael pabalik.

Ako naman ngayon ang tumingin sa gawi niya. Biglang uminit ang aking puso dahil sa sinabi ni mommy.

Tinitigan ko lang siya hanggang siya ang pumutol sa tinginan namin at pansin kong pumula ang kaniyang tenga.

That's odd.

Aabutin ko sana ang serving spoon sa fried rice na niluto niya nang siya mismo ang kumuha para ilagay sa aking
plato.

"Is this enough already?" He asked me.

Pansin ko ang mga asarang tingin ng aking mga magulang.

I cleared my throat. "Yes"

He also served me egg, bacon, and milk.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Where did you know that I prefer milk for breakfast?" I curiously asked.

Loved by the ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon