Chapter 4

28 3 0
                                    

Old man

Mabilis lumpias ang mga araw at ang huling bisita ni Samael ay noong sinabi nila mama ang aming maging set up sa hinaharap. No calls, No messages, No communications at all.

Laking pasalamat ko at hindi siya kagaya ng iba na sobrang kulit. I don't like clingy boys too.

Nasa living room ako kasama si Roni na naglalaro. Ang tunog lang ng tahol ni Roni ang naririnig sa boung mansiyon. 

It's November 1 today so I planned to visit kuya Ethan's grave. Another special day to talk with kuya. Napangiti ako sa iniisip ko.

"Anak?" mahinang sabi ni mama. Hindi ko namalayan na nakauwi na pala sila. As usual naka formal sila. Hindi ko sila masyadong kinakausap simula noong nangyari sa hapagan nakaraang linggo.

"Hmm" Sabi ko habang hindi inalis ang tingin kay Roni na naglalaro pa din.

"Your dad and I will be having a business trip in Hongkong. We can't spend the Halloween here anak kasi kailangan naming humabol sa flight mamaya. Binisita na namin ang kuya mo" She seriously said.

Tumango ako. "I'll visit kuya later." Maikli kong sabi.

"Sige mag iimpake na ako para sa damit namin ng papa mo"

Tinanguan ko siya ulit. Kaya tumayo na siya agad at umakyat.

Great! Akala ko sabay kaming pupunta kay kuya. Last year ay hindi din kami nagkasabay dahil namatay ang lolo ko sa mother side na nasa London tumira. Umuna silang nagpunta sa London dahil iyak ng iyak si mama at sumunod lang ako the next day.

Wala akong sinayang na oras kaya umakyat ako at pumasok sa kwarto. Mabilis lamang akong naligo dahil marami akong gagawin ngayong araw. 

I checked the clock and it's 2 in the afternoon already.

Napagdesisyonan kong ihabilin muna si Roni sa kasambahay dahil tinatamad akong magdala ng aso ngayon. 

Ibinigay ko agad siya sa kasambahay na naatasan ko sa pag aalaga at lumabas na. I used my audi a6 car. Una kong pinuntahan ay ang isang flowershop malapit sa pupuntahan ko mamaya. I ordered it online kaya hindi ko na kailangan pang pumila at aantayin nalang ito sa gilid.

 Maraming tao ang dumadagsa para bilhan ng bulaklak ang mga namamayapang mga minahal. People give flowers to the deceased to pay respect and also to express their innermost feelings. Others give it for sympathy or for swift passage to life and death.

Mabilis kong natanggap ang bulaklak at agad narating ang Heavenly Garden Memorial Park. Paglabas ko ay sinalubong ako ng napakasarap na hangin. I smiled. 

This is my kuya's home.

Naglakad ako at nakarating agad sa kaniyang libingan dahil mas pinili nila mama na sa malapit lang para madaling mahanap ito.

Tinignan ko ito ng ilang minuto at napagpasiyahang umupo. Inilagay ko ang mga bulaklak sa gilid. I caressed his grave plate. 

"I miss you" Bulong ko. Ipinikit ko ang aking mata at naramdaman ko nalang na basa na pala ang aking pisnge.

"I promise you kuya, kapag kaya ko ng lumaban ulit, Yung kaso mo yung uunahin ko." malambing kong sabi.

"Mama and papa couldn't fight for you" Napayuko ako. "Naiintindihan ko naman yung rason nila pero hindi tanggap ng puso ko kuya" Nilabas ko ang emosyon na matagal ko ng tinago.

"Sisiguraduhin kong malalagot ang may sala sa harap ng korte kuya ethan." I gritted my teeth. "Alam kong nasasaksihan mo ngayong ang mga nagbago sa akin kuya but I'm still your little sister, I'm still your one and only princess at hindi iyon magbabag--" Natigil ako dahil sa isang sigaw.

Loved by the ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon