Tinta

8 0 0
                                    

@vale_tine

Mula sa tinta ng aking panulat
Aking sisimulang isulat ang unang pagkagulat
At unti unting tutuklasin ang naganap at naging sugat
Hanggang makarating sa pinakadulo, dala ang saya at pait ng lahat.

Namayani ang takot sa sambayanan
Mundo'y parang natigilan
Ang kagimbal - gimbal na kaganapan
Pandemyang ugat ng kaguluha't kagipitan

Naging tahimik ang laban
Hindi makalma ang taumbayan
Na para bang tayo na'y naisahan
Ng 'di makita-kitang kalaban

Sa panginoon ns ating naging sandalan
Sa oras ng kagipitan
Dala nitong kalaban
Sandata natin ay dasal na kailanma'y di mahihigitan

Mga frontliners na ating hinahangaan
Respeto sa kanila'y ilalaan
Tayo nama'y namalagi sa ating tahanan
Upang sila'y atin ding matulungan

Ngunit sa gitna ng laban
Marami parin ang nasa inuman
Matitigas ang ulo nasa tambayan
Na parang walang muwang sa ating kinalalagyan

Wag sanang kalimutan, itatak sa isipan
Pagsubok na ating pinagdadaanan
Sa gitna ng kaguluha't kagipitan
Tayo sana'y maki isa sa bayanihan


....







Written PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon