Sinta

8 0 0
                                    

Ako'y iyong tinulungan, nong ako'y nabihag
Sa isang patibong hindi inaasahan
Ngunit bigla nalang tumakbo ng ako'y nagising
Nakakatwa dahil sa isang iglap ako'y iyong napaibig

Sa kalagitnaan ng laban
Ika'y aking kinuha upang siya'y lamangan
Oo siya, siya na iyong sandalan
Siya na aking kinaiinggitan

Pumunta ako sa mundo mo
Upang ika'y hanapin
Dahil ako ay 'yong nilinlang, oo
Ngunit aking natanto, ikaw pala ang kailangan

Puso'y umibig
Sa aking kasalungat
Ikaw na nasa panig ng kabutian
Ako nama'y kasamahan

Pero di mapigilan
Ika'y tutulungan
Sa panganib , ako ay nariyan
Di papabayaan kahit puso na'y napabayaan

Ngunit wag mag alala
Ikaw akin ng pinapaubaya
Sa taong tunay na nagpapaligaya
Sa iyo aking sinta

.....

An:

It was inspired to a chinese drama<3

Written PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon