Ch.10 JERSEY

61 2 0
                                    

UPDATE muna bago manahimik ng ilang araw dahil wala ng load ang broadband xD

***

Ch.10

New day.

It's been 2 weeks since that day na nag-away kami. ng halimaw na yun.

Ayos na rin yun. Walang nag-aasar sakin. Walang nanggugulo. Walang malas.

Nakikita ko naman siya, nakikita niya din ako dahil akalain mo, isang room lang pala ang pagitan namin? Ang weird lang dahil di kami magkakilala.

Minsan nga pag nagkikita kami, DEDMA. As in parang hangin lang ako na dumadaan sa kanya. Well, ginusto ko naman yun.. And, somehow ayos lang. At di ko naman siya BOYFRIEND. Affected much na ba ako masyado?

December na.. malapit na magpasko!!

 To be exact, December 10 na.

Inanounce na rin ng teacher ko na magkakaron kami ng christmas party sa buong school namin. Baka makita ko na naman siya. Nakasimangot na naman yun. Lagi naman. Di na niya ko nginingitian at lagi ding may earphone sa tenga. Minsan may pagkabully, minsan naman tahimik, may toyo talaga sa utak yun =_=

Ewan ko pero parang may kulang kasi…

Di ko naman namimiss yong mokong na yun.

Halos puro kamalasan lang naman yung dinulot nun sakin.

Pero pansin niyo laging napupunta sa kanya yung topic? Hmmm. Nevermind, siguro nasanay nalang akong may nambibwisit sakin.

Wala kaming pasok ngayong araw at nandito ako sa playground malapit samin. Halos dalawang linggo din akong nagsawa sa pang-aasar ng bestfriend ko. Updated kasi siya sa pangyayari ng buhay ko. AMP yun. Nagsisisi tuloy ako kun bakit pa ko nagkwento sa kanya.

“Uyy nag-iisip ka na naman sis. Namimiss mo noh? Ayiieee!” ayan na naman siya, yan ang sinasabi ko. Puro panunukso kay Ian. May love-team pa siyang nalalaman ha.

EL-IAN. Yan ang love-team na binuo niya. Parang ALIEN lang eh xD

“Yan kasi. Pinalayo layo mo tapos ngayon namimiss mo. Ang halik mo! Namimiss ko! Haha” kumanta pa ang lokaret na ‘to, kakantahan ko nga din siya.

“Gusto mong halikan to. *sabay taas ng kamo ko*”

“Ha-ha-ha. Joke lang best! Kantahan mo na lang ako bessy ng may magawa naman tayo.” Sabi niya, kahit papano maganda naman ang boses ko :)

“Best! Kakantahan kita ng Christmas song >;)” nakangisi ko pang sabi.

“Sige.sige! GORABELS!” HAHA. Natuwa pa xD Eto na.

“Dedicated to Antonio Maghirang! BOW!"

Eherm.ehem..

May bakla sa gabi, siya ay nakabestida.

Isusumbong ko sa kuya para gawin siyang tinola.

Sa bahay ng ate ako ay papunta na.

Sa kanilang tahanan siguradong bugbog siya.

Tayo na Toning!

Samahan na ako.

Sabihin sa tatay mo,

Bakla po ang anak niyo.

Di ba noche Buena sa gabing ito,

At bukas ay titigilan na ako!”

HAHAHA. Ilang araw na rin naman pasko na eh xD

“Ayy grabe ka sis!!! Wag naman. Ayokong maging tinola :(“

“HAHA. Tigilan mo na ko sa kaka-ELIAN mo, matagal ng wala yun sa buhay ko.”

“Uyy edi naging parte na din siya ng buhay mo :”>”

“TONING. =_=”

Somehow napaisip ako. Naging parte na ba siya ng buhay ko? Is there any possibility na maiss mo ang isang taong walang ginawa kundi asarin, painitin at sirain ang araw mo? O kaya mamiss ang isang taong ilang beses mo lang din naman nakasama?

Siguro naaalala ko lang yung lalaking yun dahil ang dami niyang kasalanan sakin! AT ANG FIRST KISS KO!!! Oo. Dahil nga dun kaya ko siya naalala! Wala ng iba pa John. >.<

Sa di kalayuan naman, may nakita akong isang familiar na mukha, naglalaro siya ng basketball.

Di ko lang alam kung siya yun.

Pero ang nakalagay sa jersey niya, Gray.

***

A/N: Short update dahil busy sa paggawa ng report ^_^

WISHLIST [o.n.h.o.l.d]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon