Ch.25 KATAKAWAN

34 3 0
                                    

CH.25

UWAAAAAAAAA!!!

2nd kiss!! 2nd kiss!! TT____TT

Nakababa na kami ng bus at di ko siya pinapansin. Nakakainis! Bakit na naman ba niya ginawa yun??

Paano kung may nakakita? Paano kung may nakakuha ng pic?

Paano kung kumalat yun sa internet???

PAANOOO!!! X((

“UYY!!” sinundot-sundot ni Toning yung tagiliran ko. Siguro naman di niya nakita yun di ba? Tulog siya. Tulog sila. Oo, tulog sila ni gray.

“Ano?” kinalma ko yung sarili ko na parang walang nangyari. Baka kasi pag pinahalata ko malaman niya na may nililihim ako sa kanya.

Ngumiti lang siya. Yung ngiti na parang nang-aasar. Di nga ngiti yun e, ewan ko kung anong tawag. Kinabahan ako. Kasi mukhang alam niya?

“Anong klaseng mukha yan?” sabi ko sa kanya.

“Mukha ng isang maganda ano pa ba. Haha. Uyy!! Uyy!!”

“Ano ba Tonyo?! Uyy ka ng uyy.. kanina pa yan.”

Naglalakad na kami papunta sa bahay na tutuluyan namin. Malaki daw yun sabi nila e. at hindi naman pala sa Banahaw ang punta namin, sa Iba, Zambales ‘to eh! Loko yung mga yun.

“Gusto mo talagang sabihin ko? >:)” na kulang na lang mapunit yung mga labi sa sobrang laki ng ngiti.

“Ano nga?!” pero sa totoo lang kinakabahan ako na baka yun ang sasabihin niya.

“I saw it. Ayeeee!!”

*gulp*

“Ang alin?” painosente kong tanong.

Binigyan niya lang ako ng isang makabuluhang ngiti at naglakad na papunta kay Gray. Nako!! Sinasabi ko na nga ba e, may nakakita! T___T Paano na ko ngayon?! Nahagip ng mata ko si Ian na naglalakad at sumisipol sipol pa.

*puk!*

“Aray! Bakit mo ko binatukan? Amasonang ‘to!” hawak pa din yung ulo niya.

“Dapat lang sayo yan! Magnanakaw ka kasi!”

“Ano namang nanakawin ko sayo?!” nakataas pa yung kilay niya.

“Yung ano… Yung ano ko..” di ko masabi eh. Baka may makarinig.

“Yung alin??”

“Yung ano nga… Kasi! Basta!”

“Ehh di mo nga masabi tapos sasabihin mong magnanakaw ako??”

“Yung 2nd kiss ko!!!” sigaw ko sa kanya.

Napatingin sa amin yung iba kong mga klasmeyt na nasa likod at harap namin, pati na din si Toning at Gray. Geez! Anong ginawa ko?? TT____TT Buti na lang wala yung mga teacher at nasa harap lahat.

As if on a cue, sabay sabay silang nag-“ayeeeeeee!”

Para akong nakakain ng isang dakot na siling labuyo. Ang init ng mukha ko! Grabe!

Nilingon ko sa tabi ko si Ian at nakitang naka-smirk. Ngumiti ako ng pilit sa kanya at lumapit papunta sa tenga niya.

“Gago ka.” Bulong ko.

**

“Dun ka nga!” sigaw ko.

“Ayoko!”

“Dun ka sabi!!”

“Nabili mo ‘to?”

“Hindi! Nauna ko sayo dito!”

Nagtataka siguro kayo kung ano na naman yung pinagtatalunan namin. Eh kasi naman may parang seminar muna bago kami pumasok sa tutuluyan naming bahay. at sa kasamaang palad ay wala kaming upuan. Ngalay na ngalay na akO!! Buti na lang at may nag-iisang upuan ako nakita at dun na nagsimula ang pagtatalo namin. Nag-aagawan kami ng upuan!!

WISHLIST [o.n.h.o.l.d]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon