Ch.18 POST-IT

31 3 4
                                    

Happy 600+ Salamat sa mga nagbabasa pa! :))

--

John's POV:

Panibagong umaga. Wushoooo! =)))

Nakakatamad bumangon ano? Pano ba naman, puyat e. Yung abong yun kasi e, masyadong masaya mang-intriga! Di ko pa rin talaga lubos maisip na sinabi niya yun, di naman April Fools day nun. -_____-

Anong araw na ba ngayon? Tignan niyo, di ko din alam kung anong petsa na. Ang alam ko wala ng pasok e. Edi ibig sabihin,

BAKASYON NA! YEHEY!!! Malapit na magpasko! =))

Magdadalawang buwan na rin pala mula ng makilala ko si Ian.. Hmmm. Posible ba yun? Na magustuhan niya ako sa mga panahong yun? Ihhhh! Anu ba yan! Puro away lang naman kami. Aaarrggg. Erase.Erase! =____=

Makabangon na nga!

Ayy wag na lang pala muna. Inaantok pa ko e.

-__- zZZZ

O_- zzZ?

-_O zzZ?

Pati ba naman pag tulog kinakatamaran ko na din? Grabe ha!

*Boogssh!*

GRABE! Yung pinto bumalibag! Napatayo ako bigla.

"BESSSSY!"

"Hoyy! Daig mo pa alarm clock!! Ano bang ginagawa mo dito?" nagising ang dugo ko dun ah.

"Ikaw?? Ano pang ginagawa mo??! May pasok tayo!!"

HA?? O__O May pasok??

"Look!" tinuro niya pa yung relo niya. "8AM na! Malelate na tayo!"

"Eh bakit di ka  nakauniform? =____=" Niloloko ba ko nito?

"Inannounce kasi after the party na may pasok pa, nakacivilian dahil may sasabihin daw silang importanteng mahalaga. =___=" pagod na siya sumigaw, he-he-he ^___^

"Osige, hintayin mo ko dyan. Maliligo muna ko ha! :P"

Pumasok na ko sa C.R , pero tinatamad talaga ako e. -_____-

2minutes lang. Iidlip lang ako xD

*Boogssh!*

Bumukas yung pinto at iniluwa si bakla at dahil dun napatayo ako at nauntog sa kahoy, nahulog pa sa akin ung lalagyan ng sabon. Wow nice!

"Hoyy! 5minutes na ang lumipas, wala pa din akong naririnig na ingay ng tubig. Kaya naman pala, nakaupo ka jan sa may bowl!"

Hahaha. Umupo muna kasi ko, bakit ba? xD Oyy, di ako nagpupu ah :))

"Osige eto na talaga! Lumayas ka na dito! :))" pagtataboy ko sa kanya palabas ng banyo.

"Ako na maghihilod sayo! Hubad!" Nakaakma na niyang hawakan yung damit ko.

"H-hoy! Magtigil ka Toning! Sasapakin kita dyan!" sabi ko habang hawak-hawak yung damit ko.

"Bakit? Tutal may nangyari na din naman satin. Nahalikan mo na ako..." Tingin niya pa sa akin na parang may sapi.

"Gago! Tigilan mo ko Tonyo dyan sa mga linya mong may nangyari sa atin ah!" nakakakaba pala tong baklang to pag naging lalaki >_______<

"May nangyari na din naman satin at....

NAKAKADIRI YUN! Lalabas na nga ako! Ayokong makita yan nuh. EEEEEEWWWW!" Sabi niya with matching facial expression na para  bang diring-diri!

"HAHAHA. Lumayas ka na nga dito at baka ikaw ang halayin ko!" sabay balibag ko ng pinto!

Okay. START na ng ligong sundalo! HAHA.

--

After 15minutes natapos ko na lahat, maligo at magbihis. Ang bilis noh? Baka kasi pasukin ako e, Haha.

Paglabas ko ng pinto bumungad sa akin ang ngiting tagumpay ni bes. Para bang nanalo sa lotto =____=

"Anong nginingiti mo dyan?" tanong ko. May hawak siya e,

Nilabas niya yun at itinapat sa mukha ko. Halos maduling na ko -_____

"Ano to bessy?? Ikaw ha!" Kinikilig niya pang sabi. Pano ko mababasa eh nakadikit na sa ilong ko.

"Oo, baka nababasa ko di ba?" tapos inilayo niya.

"1st date?

December 18, 20--"

Hala! Tsaka ko lang naalala na may nilagay pa pala kong note bukod dun sa WORST DAY!

"Ano sa tingin mo? Malamang papel =____=" patay-malisya kong sabi.

"Ayiiiie! May ikkwento ka sa akin ha! Kumekerengkeng na ang bessy ko kay Fafa Ian! Nawala kayong parang bubbles kagabi! Haha. 1st date? \\*0*//" sabi pa niya na parang may heart sa mata.

"Hoy ikaw! Hinawaan mo ng kabaklaan si Abo ha! Pektusan kita sa apdo eh! Tara na nga!"

--

Nakarating na kami ng school at ayun, mukhang late na kami. Haha. Malapit na atang matapos ang program? Program ba yun? Ahh ewan.

"So, tapos ko na kayong batiin ng Merry Christmas at wait, pagkatapos ng party kagabi. Napagkasunduan naming mga teachers and principal na magakaroon tayo ng simpleng team building bago magChristmas Vacation. That will be tomorrow, overnight." 

Team building? Gastos lang yun e. =___=

"Yesss!" sigawan ng mga estudyante. Excited sila ha.

"Wait, di pa tapos. Required na sumama lahat dahil parang recollection na din 'to pero di totally na recollection, bonding na rin niyo dahil ggraduate na kayo. No gadgets allowed kaya wag na kayong mag-abalang magdala ng mga techies, okay?"

WHAT? REQUIRED?? NO CHOICE! WALA PANG GADGETS?? ANUBENEMENYEN!! =____=

"Besssssy! Sama tayo ha!" kulit sakin ni Tonyo.

"Required nga diba? Malamang kasama talaga tayo! Pssssh."

"Tomorrow at exactly 5:30AM, magkikita kita tayo sa school. Okay?  That's all. You may go."

Ang aga naman :((

Tumingin-tingin ako sa paligid. Hinahanap ko siya. At nakita ko siyang nakatingin sa akin.

Poker face na naman =___=

Sabi ko na nga ba, wala lang talaga yun e.

"Oyy bessy! Kanina pa ko nagsasalita dito e." reklamo niya.

"Inistorbo mo pa ko, wala naman pala kong mapapala." Sabi ko kay Toning habang nakatingin pa rin kay Ian at siya nakatingin sa akin.

"Nakakainis ka!" Nilakasan ko talaga para marinig niya.

WISHLIST [o.n.h.o.l.d]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon