Ch.24 INDENIAL

35 3 0
                                    

--

IAN’S POV:

I don’t know why I feel very comfortable whenever I’m with her. Di ko alam kung bakit ako tumabi sa kanya at di ko alam kung bakit ako nakasandal sa balikat niya ngayon. Nung makita kong may hinahanap siya, nag-assume na ako nab aka ako ‘yun. Haha. She’s different. Pero ang mission ko is to make her fall in ove with me and not to let this feeling to grow. >____<

Ang alam ko lang, NANGANGALAY na ako! 30 minutes na ata akong nakasandal sa mababang balikat ng babaeng ‘to. Pero sige lang, ginusto ko ‘to eh! Haha.

“Hoyy! Tulog ka ba?” bulong niya sa akin. Etong babaeng 'to, ang hilig mag-hoy, may pangalan naman ako =____="

“Hoyy! Tulog ka ba talaga?” tanong niya uli. Di pa siya nakuntento, inuga-uga niya pa ako pero mahina lang. Sige lang para naman magalaw yung leeg ko.  Di ko na talaga kaya, kaya naman umarte akong nagising pero nagbago lang ako ng pwesto pero di ko sinasadyang mapasiksik sa leeg niya. Baka kasi mahalata na niyang gising ako eh xD

Kinalabit-kalabit naman niya ko. Haha. Para siyang bata xD

Pero hindi na talaga kaya ng leeg ko kaya naman iniangat ko 'to at iniayos uli sa pagkakapatong sa balikat niya. Di ko na alam kung anong itsura namin basta ayos na ko. Haha.

Mag-iisang oras na din siguro ang byahe namin, byahe lang pala nila papuntang Banahaw kasi ako biyaheng langit na ehh.

Utak niyo! Byaheng langit ako dahil ang katabi ko si Ellein. Ang corny ko na talaga! >__________<

Alam niyo yung feeling na may nakatingin sa inyo? Yun yung nararamdaman ko ngayon. Kumilos siya pero di pa din natatanggal ung ulo ko sa pagkakapaton. Naamoy ko na lang na may alcohol ata?  Nag-alcohol siya?

At biglang may dumampi sa mukha ko.

Yung kamay niya.. ang lambot. Ilang segundo din ang lumipas na hawak niya pisngi ko.

"Baka magasgasan." sabi ko habang nakapikit.

At nagising ako dahil sinampal niya ko. Yung mejo mahina na papalakas? Meron ba nun? Haha.

"Aray!" napahawak ako sa pisngi ko. Mukha na niya agad ang sumalubong sa akin. Di ko alam na ganun na pala kalapit yung distansya namin. "Ikaw na nga lang nakikihawak nananakit ka pa?"

"May lamok kasi." sabi niya pero di makatingin.

"Huweh! Inggit ka lang kasi makinis yung mukha ko! Haha." Di pa din ako umaalis sa pwesto ko, nagbblush ata siya? Namumula eh.

"Uyy, bakit ka namumula?"

Kinapa ko yung noo niya.

"Wala ka namang lagnat."

"Pinagpapawisan ka pa."

Eh ang lamig-lamig kaya! Di ko kasi nailabas yung jacket ko e.

"Natatae ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Gago." Yun lang nasabi niya. Namura pa ko =____=

"Bad girl. Namura pa ko ah. Haha."

Nakita kong namumungay-mungay yung mata niya. Napagod ata sa pagtitiis sa pagsandal ko.

Ngayon, baliktad naman. Siya naman yung isinandal ko sa balikat ko. Mukha siyang inaatok at pagod.

"Don't say anything. Just sleep." sabi ko sa kanya bago ako tuluyang makatulog habang nakasandal siya sa akin. Inaantok na din kasi ako.

--

I woke up after an hour and 30minutes, 3hours ata ang estimated na byahe pero tulog pa din siya, napangiti ako ng makita ko yung mga kamay niya sa braso ko. Aish. Hindi ikaw ang dapat ma-fall Ian, dapat siya.

Kaso weird, bakit basa ata yung bandang balikat ko? Pinagpapawisan ba siya?

"Wow. Parang falls." Natatawa kong sabi kasi may laway siya sa bibig. Haha. Di turn off yun, lahat naman tulo-laway pag natutulog.

At nagulat ako ng may marinig akong mahinang paghihilik sa kanya. Babae ba talaga 'to? Haha.

Inilabas ko yung cellphone ko at ano pa, nirecord ko yung paghihilik niya. Ringtone! Haha.

--

Ilang minuto pa ang lumipas, malapit na kaming makarating sa destination. Halos nakayakap na siya sa akin, ayoko naman galawin baka biglang magising. Oh baka gusto mo lang talaga yung posisyon niyo ngayon? sabi ng isip ko. Tama nga siguro.

Ginising ko na siya pero ayaw niya. Tulog pa halos ang karamihan? Tssss.

*poke*

*poke*

Ayaw pa din.

*poke*

Ayaw mo ah.

*tsup*

JOHN'S POV:

Ang sarap matulog. Ang haba ng unan ko.. Ikinuskos ko pa yung mukha ko sa unan ko. 

*poke*

May kumakalabit sa akin. Tssss. Istorbo..

*poke*

Anobayan? 

Iniangat ko na yung mukha ko at nagulat sa sumalubong sa akin...

yung labi ni Ian!

*tsup*

2ND KISS KOOOOOOOO!!!! T_______T

WISHLIST [o.n.h.o.l.d]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon