Thank you, Wyatt

41 1 0
                                    

NINE: Thank you, Wyatt

5 years later...

      "Ikaw Bea, ang tanda tanda mo na jusko naman anak, magbebente ka na, e." Si tita na katawag si Bea at kanina pa stress sa kaniya dahil ayaw bumyahe ng mag-isa.

      "Hoy Lila, wala ka bang pasok?" Tanong ni tita matapos niyang kausapin si Bea.

      "Wala, Saturday ngayon," tinatamad na sabi ko saka humiga sa sofa.

      "Oh, tulungan mo na lang akong magluto." Sabi niya, tumayo ako saka tinulungan siyang magluto.

      "Siya nga pala, pwedeng pakiasikaso naman si Bea," aniya.

      "Tita, busy ako—"

      "Sige nanaman, oh. Hindi ko na alam ang gagawin sa babaeng 'yon, umiiyak nga at gustong magpasundo." Sabi naman niya.

      "Malaki na si Bea, kaya na niya 'yon." Sabi ko naman

      "Anong malaki na? Isip bata pa 'yon! Umiiyak nga at nagpapasundo sa akin sa bahay, akala mo naman ang lapit ng Sydney." Sabi ni tita.

      "So, uuwi ako sa Pinas? Kailan naman?" Tanong ko.

      "Sa katapusan."

      "Ha? Bukas na 'yon, ah?" Sabi ko.

      "Iyon nga, bukas. Kaya maya-maya ay mag-ayos ka na ng gamit." Sabi naman niya.

      "Siya nga pala, di ba malapit na rin 'yong date ng meet up niyo nung Wyatt? Hindi ka nanaman ba pupunta?" Tanong ni tita.

      "Tita?" Iritableng sabi ko.

      "Bakit? Eh pa'no nga ba kung naghihintay talaga 'yon do'n?" Tanong niya.

      "Tch, imposible." Sabi ko naman saka naghiwa ng kamatis.

      "Alam mo, Lila? Ayan talaga 'yong ayaw ko sa ugali mo. Nakakabadtrip ka to be honest." Inis na sabi naman niya. Napahinga na lang ako ng malalim saka hindi na sumagot pa.

      Alam ko sa sarili ko na gano'n ako, napapansin ko naman 'yon. Hindi ko alam kung bakit hirap akong baguhin ang sarili ko, masyado akong takot na masaktan ulit, na maloko ulit.

      Limang taon na ang nakalipas nang iwan ko ang Pilipinas, pero sa limang taon na 'yon, ganito pa rin ako. Walang nagbago sa akin, nasa dilim pa rin ako at hirap na makaalis.

      Matapos kong umalis, ilang beses akong tinext ni Wyatt kaya mas pinili kong patayin na lang ang phone ko at bumili ng bago dahil hindi ko alam ang irereply sa kaniya at gusto kong tumigil na siya. Pasimpleng niloloadan naman ni Bea ang number ko.

      Hindi ko alam ang mukhang ihaharap ko kay Wyatt kaya hindi ako bumalik. Nahihiya ako sa kaniya, nahihiya akong ipakita sa kaniya na walang nagbago sa 'kin kaya mas pinili kong magstay na lang dito.

      Ilang araw na ang nakalipas nang makabalik ako sa Pinas. Dumiretso ako sa bahay para sunduin si Bea.

      "Sorry ate Lila, natatakot kasi akong bumyahe, e. Lalo na't first time kong sumakay ng eroplano." Sabi naman ni Bea.

      "Nah, it's okay. Nakapag ayos ka na ba ng mga gamit? Bukas na ang flight natin." Tanong ko sakaniya.

      "Oo, pero samahan mo muna akong kunin 'yong credentials ko sa school." Sabi niya, tumango naman ako.

      Nang makarating kami sa school ay pumasok na si Bea at naghintay naman ako sa gate. Wala namang nagbago sa school, gano'n pa rin tulad ng dati. Hapon na din dahil medyo madilim na ang langit.

      Habang hinihintay si Bea, nakita ko naman sa hindi kalayuan sila Mae. Tumalikod ako saka iniwasan sila. Naglakad-lakad ako kung saan para makalayo lang sa kanila. Nakahinga naman ako ng malalim nang hindi ko na sila matanaw.

      Hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa playground. May nag-uudyok sa 'kin na pumunta doon at silipin kung nandoon si Wyatt.

      Nilakasan ko ang loob ko saka naglakad papuntang playground. Malakas ang kutob ko na wala siya doon, sinong tangang maghihintay ng gano'n ng walang kasiguraduhan, di ba?

      Pagdating sa playground ay halos maestatwa ako at hindi alam ang gagawin nang makita ko si Wyatt na nakaupo sa duyan.

      Nakaupo lang siya doon at nakatitig sa kawalan.

      Hindi ko alam ang gagawin, parang gusto kong umiyak.

      Kinuha ko ang lumang phone ko saka binuksan ito. Sunod-sunod na lumabas ang text messages ni Wyatt, 2 months ago ang last niyang text sa akin.

      "Lila, this will be my last message. Sorry kung hindi ko matutupad yung pangako ko sayo. Siguro nagsisimula na akong mapagod maghintay. I'm sorry. I hope you're happy and doing well. - Wyatt"

      Hindi ko napigilang maiyak. All these years hinihintay niya ako. Nanginginig akong hinanap ang pangalan niya sa contact list ko. Tatawagan ko sana siya nang biglang magring ang phone ko.

      "W-wyatt..."

      "L-Lila, I didn't expect you to answer my call," nakangiti ngunit malungkot na sabi niya.

      "Sorry, I... I was busy—" pinutol niya ang sasabihin ko.

      "Lila, I'm sorry. I'm sorry dahil napagod ako. Hindi ko alam kung mahihintay pa ba kita,"

      "W-wyatt,"

      "Sorry, Lila. Hindi ko na yata matutupad ang promise ko, sorry. Napagod ako, sorry Lila..." Pinunasan niya ang luha niya.

      "I— I'll let you go." Humikbi siya. 

      "I'll let you go, Lila. I... I'll let my feelings go,"

      "N-no, Wyatt—"

      "I won't bother you anymore. Hindi na 'ko mang-iistorbo. I'm sorry..." Huminga siya ng malalim at pilit na pinapatahan ang sarili.

      "Hindi, Wyatt. Nandito ako—"

      "Thank you, Lila. For letting me love you. Don't worry, I'll get better in time. Basta, maging okay ka."

      "No, Wyatt— Pwede ba tayong magkita? N-nasa Pinas ako ngayon," Sabi ko sa kaniya.

      "N-nandito ako, Wyatt." Dagdag ko pa.

      "I... I don't want to see you, Lila."

      "B-bakit?"

      "Pareho lang tayong masasaktan. I'm letting you go. Sorry dahil pinilit ko 'yong sarili ko sa 'yo. I wanted to be with you, and to look after you until the end, pero  pasensya na kung hanggang dito na lang ako."

      Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang kausapin, gusto ko siyang yakapin, pero nawalan ako ng lakas ng loob.

      "I'm sorry..." Umiiyak na sabi ko.

      "D-don't worry, okay na 'ko. Masaya na 'ko, Wyatt." Pagsisinungaling ko.

      "Wyatt, you are that someone... Ikaw yung tumulong sa'kin na makaalis sa past ko, ikaw yung tumulong sa'kin na magmove on, ikaw 'yon, Wyatt."

       "K-kung hindi kita nakilala, I wouldn't have realized my mistakes. Salamat sa lahat," sabi ko.

       "A-at salamat dahil minahal mo 'ko..." Hindi ko na nacontrol ang tono ng pananalita ko nang sabihin ko ang mga linyang 'yan. Hindi na siya sumagot pa at binaba na ang linya.

      Bumalik ako sa gate at nakita ko namang naghihintay na si Bea.

      "Oh, sa'n ka galing?" tanong niya.

      "U-umalis na tayo." Sabi ko sa kaniya. Sumakay na kami ng taxi at ilang minuto ay nahatid na kami nito sa bahay.

      "Okay ka lang ate? Anong nangyari?" Tanong ni Bea. Niyakap ko siya at humagulgol ng iyak. Tinapik niya ang likod ko saka hinayaan ako sa ginagawa ko.

ㅡ ❁ ㅡ

A Face Like a Wet WeekendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon