Confession

52 2 0
                                    

SEVEN: Confession

        Hindi ko na nahintay pa si Wyatt dahil nilalamig na ako. Dumiretso na ako sa tent at nagbabalak nang matulog dahil pagod na rin ako sa mga activities na ginawa namin ngayong araw.

        "Girl, mag bobonfire pa raw!" Rinig kong sabi ni Evone.

        "Ayokong sumamaㅡ Aray!" Angal ko dahil hinatak niya ang braso ko.

        "Alam kong hindi kita classmate, pero alam ko 'yong tingin sayo ng mga tiga section 2, 'no!" Rinig ko pang sabi niya.

         "Graduating na tayo, ayaw mo bang magkaro'n at least isang friend bago ka gumraduate? Tara na!"

        Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sumama ako. Nakapaikot kami sa apoy kasama ang section 1 and 3. Katabi ko sila Mae at napako naman ang tingin ko kay Wyatt na nasa kabilang side kasama ang mga tropa niya.

        "Hmm, let's play a game," suggest ni Evone.

        "Isip kayo, bilis." Dagdag pa niya. Nagsuggest sila ng kung anu-anong laro at ang napili nila ay hide and seek at may napili na ring taya.

        "Wait! Dapat by partner 'yong hahanapin, kung isa-isa baka bukas pa tayo matapos, e. Dalawa rin ang taya dapat." Sabi ng taya na tiga section 2.

       "Oo nga! Oo nga!" Rinig kong sigaw ni Wyatt.

        Lumapit sa 'kin si Wyatt saka ngumiti. Binaling ko na lang ang tingin ko kung saan. Saan ba siya nanggaling kanina? Tch.

        "Partner tayo, Lila." Nakangiting sabi niya naman, iniwasan ko siya ng tingin.

        Naglaro kami para malaman kung sinong magiging partner namin. Partner ko si Neil at partner naman ni Wyatt si Mae.

        "Wait! Unfair 'yong laro, hindi ba pwedeng mamili na lang tayo ng gusto nating partner?" Tanong ni Wyatt.

        "Huwag ka nang manggulo, Rylie! Okay na nga, e." Si Evone.

        "Eh gusto kong kapartner si Lila, e!" Sigaw naman niya.

        "Ano ba, Wyatt?!" Inis na sabi ko sa kaniya, sinamaan naman niya 'ko ng tingin.

        "Ha... Okay!" Inis na sabi niya saka umalis na.

        "Tara, Lila." Hinawakan ni Neil ang kamay ko saka hinatak ako kung saan.

        "Bawal magholding hands!" Rinig kong sigaw naman ni Wyatt!

        Ano bang problema no'n?

        "For sure, hindi tayo makikita rito." Sabi niya. Nagtago kami sa damuhan sa likod ng malaking puno.

        Pareho naman kaming nagulat ni Neil dahil biglang may tumabi sa'min.

        "Bakit kayo nandito?" Bulong ni Pres.

        "Bakit? Bawal ba?" Malakas na sabi ni Wyatt.

        "Hinaan mo nga 'yang boses mo!" Iritableng sabi ko.

        Nagtama naman ang paningin namin ni Mae saka ngumiti. Nawala ang awkwardness sa aming dalawa mula nung magkaayos kami sa bus.

        Napilitan naman akong sumadal kay Neil dahil medyo nangangawit na ako.

        "Lila!" Sigaw ni Wyatt, nagulat naman ako. Maya-maya lang ay may tumutok na ilaw sa pwesto namin.

        "Ha! Huli kayo, Rylie and Mae!" Tumayo silang dalawa saka nagpagpag ng sarili.

        "Nandito rin silaㅡ"

A Face Like a Wet WeekendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon