With you

75 1 0
                                    

SIX: With you

        Year 2006,

        Hindi na bumalik si mama sa bahay matapos nung nangyari noong nakaraang araw. Nilagay ko na sa bag ang mga gamit ko at lumabas na ng bahay.

        "Okay ka lang ba, Lila?" Tanong ni tita sa'kin.

        "Opo," sabi ko na lang saka sumakay na sa kotse.

        Ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay nila.

        "Hello, ate Lila!" Bati sa 'kin ng anak niya.

        "Si Bea 'yan, pinsan mo." Nakangiting sabi ni tita.

        "Kumain ka na, Lila. Madami akong niluto." Umupo ako saka niya ako pinaghanda ng makakain.

        "Kumain ka nang marami, hay nako ang payat-payat mo naman. Hindi ka ba kumakain, ha?" Nag-aalang tanong nito.

       "Mabilis lang siguro masyado 'yong metabolism ko kaya hindi ako tumataba." Sabi ko saka nagsimula ng kumain.

        "Meta— what?" Si Bea.

        "Dito ang magiging kwarto mo, katabi mo lang 'yong kwarto ni Bea. Sa baba naman ang kwarto namin ng tito mo." Nakangiting sabi ni tita.

        "Salamat po." Sabi ko na lang.

        "Sige, huwag kang mahiyang magsabi kung may kailangan ka pa." Sabi niya, tumango naman ako.

        Pumasok na 'ko sa kwarto at humiga sa kama.

        Huminga ako nang malalim at nag isip-isip. Nag-iisip ng dahilan kung bakit nangyayari sa 'kin lahat ng 'to. Naging mabuti akong anak, mabuting kaibigan, mabuting tao, pero bakit sa akin?

        Mula noong nakulong si papa, nalulong sa bisyo si mama dahilan kung bakit naghirap kami at nabaon siya sa utang. Minsan iniisip ko, tama ba ang ginawa ko? Tama ba ang naging desisyon ko? Paano kung sinunod ko ang kagustuhan ni mama at hinayaan na maging kumpleto pa kami, may magbabago kaya?

        Napabangon ako bigla sa kama nang biglang bumukas ang pinto.

        "Ate Lila?" Si Bea.

        "Bea... M-may kailangan ka ba?" Sabi ko

        "Pwede ka bang makausap? hehe" Sabi niya. Tumango ako at umupo naman siya sa tabi ko.

        "Hmmm... Wala akong alam sa kung ano talaga ang nangyari sa inyo ni tita, alam kong hindi ka pa okay ngayon, so I just want you to know na nandito kami nina mama. So, sana ate Lila hindi ka ma-awkward sa amin. Sabi ni mama ayaw mo raw ng maingay, eh maingay kaming lahat dito pero madali naman kaming pakisamahan. Sana magkasundo tayo," sabi niya.

        "Salamat."

        "Ayun! By the way, dalawang taon lang naman ang age gap natin, so, hindi ako gano'n kabata, heh... Sige na ate." Sabi niya, tumango ako saka ngumiti.

        Mula noong lumipat ako kila tita, sabay na kaming pumapasok sa school ni Bea. Hinahatid kami ni tita sa school bago siya pumasok sa trabaho niya. Napalapit na rin ang loob ko sa kanila at nasanay na lang din ako sa ingay nila. Masyado silang masayahing tao, napakaopposite sa ugali ko.

        Mabait si tita at madaldal, parehas sila ni Bea. Si tito naman ay palabiro kaya parating maingay ang bahay. Maayos ang trato nila sa 'kin at hindi nila pinaparamdam na mag-isa ako. Napakaswerte ko at sa kanila ako napunta.

A Face Like a Wet WeekendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon