Bad enough to hurt others

71 1 0
                                    

FIVE: Bad enough to hurt others

Warning: This chapter contains scenes some readers may find disturbing/triggering.

      Year 2003,

      "Congratulations, Lila!" Bati sa akin ni miss, ballet instructor ko matapos maging successful ang audition ko as Clara.

      "Thank you, miss!" Nakangiting sabi ko.

      "Congrats, Lila! I knew you'll be Clara, sabi sa'yo, e." Biglang lapit naman ni Faith, my best friend.

      "Thank you, Faith. Thank you, everyone!" Sabi ko.

      "Congrats ulit, Lila!" Nakangiting sabi ni Faith saka ako niyakap.

      "May next time pa, Faith. So, make sure na ikaw naman next time, ah!" Sabi ko sa kaniya.

      "Yes naman. Congratulations!" Sabi niya ulit. Matapos no'n ay pumunta kami sa canteen ni Faith saka niya ako nilibre ng kung anu-ano.

      Tatlong araw ang nakalipas matapos kong makuha ang role na Clara. Binati ako ng lahat ng kasama ko sa class.

      "I knew it, ugh! Sabi na ikaw talaga ang mapipili!" si Loraine.

      "Shh, tama na nga!" Sabi ko dahil masyado na akong nao-overwhelm sa mga sinasabi nila.

      Dumating na si Miss at nagstart na kaming magpractice.

      "Good job, Lila! Faith, your hand is in the wrong position! Kate, higher!" Si miss.

      "Okay, good job everyone, keep it up!" Dagdag pa niya at nagpatuloy lang kami sa pagsayaw.

      "Everyone, I noticed a lot of mistakes in your performance. Let's go back to the basics and line up again!"

      Ilang oras at natapos na rin kaming magpractice. Inabutan ako ni Faith ng tubig at tumabi sa'kin. Nakapagbihis na pala siya.

      "Thanks." Sabi ko matapos kong inumin ang tubig.

      "Ah... I'm really jealous..." Rinig kong mahinang sabi ni Faith.

      "Jealous? Saan?" Tanong ko.

      "Naiinggit ako sa 'yo. You're just... too good? I'm a little jealous. Hays, I'd like to be Clara too, though." Sabi niya at bumuntong hininga habang nilalaro ang mga daliri niya.

      "Edi magpractice ka pa para malamangan mo 'ko." Natatawang sabi ko.

      "Tch, talaga! Bye na Lila, nandiyan na sila mommy." Sabi naman niya.

      "Bye, ingat!" Sabi ko saka nagpalit na rin ng damit at nagligpit na ng gamit ko.

      Nakita ko naman si mama sa labas at nakasandal sa kotse.

      "Lila!" Masayang salubong niya sa 'kin.

      "Mama!" Sinalubong ko naman siya ng yakap.

      "Ngayon uuwi si papa, di ba?" Excited na tanong ko sa kaniya.

      "Yes. Feeling ko napromote ang papa mo, nasa bahay na ata siya kaya naman pumasok ka na sa kotse at nang makauwi na tayo." Sabi ni mama, mabilis naman akong pumasok sa kotse at excited na umuwi.

      Hinatid ako ni mama sa gate ng bahay, "Kukunin ko lang 'yong cake na pinagawa ko, pumasok ka na sa bahay at salubungin ang papa mo." Sabi niya, tumango ako at mabilis na pumasok sa bahay.

      "Pa?" Sigaw ko agad pagpasok ko sa loob. Nakita ko naman siyang nakaupo sa sala, niyakap ko siya mula sa likod, ilang linggo ko rin siyang hindi nakita.

A Face Like a Wet WeekendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon