"bakit ayaw mong lumabas at makisama sa ibang students dito sa school?...for sure marami ang gustong makipag kaibigan sayo" sabi niya habang kumakain kami dito sa canteen
"alam mo kung gusto nila akong maging kaibigan kahit hindi ako makihalobilo or makisama sakanila lalapit at lalapit sila saakin...kagaya mo lumapit ka ng kusa saakin" sagot ko naman
"mas gusto mo ba talaga yung lagi kang nag iisa at halos hindi nagsasalita?" tanong niya uli ibinaba ko naman yung kutsara ko saka tumingin sakanya ng diresto
"hindi ako nag iisa gaya ng sinasabi mo at isa pa kausap kita"
Napabalikwas nalang ako ng bangon dahil sa tunong ng alarm clock...ibinato ko naman yon hindi ko alam kung saan tumama
never akong nag set ng alarm dahil ayoko ang tunog nito
tumayo nalang ako at gumayak at late na ako sa hospital sigurado akong nauna nanaman saakin yung mga pasyente ko
After kong gumayak bumaba na ako sa parking lot para pumasok sa Hospital kung saan ako nag tra-trabaho
Simula nung inimbitahan ako ng may ari ng hospital na ito na dito na ako mag office..tinanggap ko na para makatulong sa mga patients na may problema thru mental health
So Heto nga ako ngayon nagmamadaling pumasok habang inaayos ang buhok kong ipinone ko ng basa
hindi pa ako nag susuklay ng lagay na ito
Pero bago pa man ako makapasok may nauna na saakin isa siyang pasyente na duguan mukhang galing sa isang aksidente
"Hay mga tao nga ngayon hindi iniingatan ang sarili" bulalas ko sa hangin habang naglalakad papuntang elevator
"Dra Luna Lanrete Angeles naunahan ka nanaman ng pasyente mo" bungad ng secretary ko na ibinigay saakin ang list ng mga pasyenteng may appointment saakin
"Sige Salamat! " pag papasalamat ko saka pumasok sa loob ng Counseling Room
After kong asikasuhin ung patients ko pumunta muna ako sa cafeteria kung nasaan ang isang pasyente ko
pasyenteng walang sakit at may tama sa isang tao
"Dra!" sigaw niya hindi pa man ako nakakapasok sa cafeteria
Napilitan tuloy akong mag u-turn papunta sa isang sulok
"Na late ka ata Dr. Lim?" tanong ko sakanya
"Nag kaemergency kasi, ako yung nag first aid dun sa malaking aksidente kanina, tapos inasikaso ko pa yung kaisa-isahang pasyenteng naka survive"
"Ahh ikaw nga siguro yung nakita ko" walang ganang sabi ko
"May favor sana ako sayo kung pwede lang"
"Ano yun?"
"About to dun sa isang pasyenteng nakaligtas, need niya kasi ng therapy dahil sa aksidenteng nangyari sakanya tingin ko need niyang mag consult sa isang psychiatrist, tutal ikaw ang kilala kong makakatulong sakanya kaya irerefer kita sakanya okie lang ba?"
"I refer mo man o hindi talagang need niyang mag seek sa isang psychiatrist or counseling para malaman kung nagkaroon ba siya ng trauma or kung ano ang naaalala niyang nangyari before the accident" paliwanag ko naman
"Ganon pala yon, sige kapag nakarecover na siya physically sasabihin ko sakanya na pumunta nalang sa clinic mo, kasi unconsious pa yung patient but normal ang mga vitals niya"
"Sige lang, kung wala ka ng sasabihin kakain pa ako at may theraphy pa mamaya" paalam ko pero pinigilan niya ako
"Wait sabay na tayo. Pero bago yun pa check nga kung andyan si Zoraida?"
BINABASA MO ANG
Hanggang Dito Nalang
Short StoryMeet Luna Lanrete isang psychiatrist na handang tumulong sa mga taong may mental illnesses or problem kahit walang bayad.. sa dami ng kanyang nagamot o matulungang makaalala, matutulungan din kaya niya ang isang pasyenteng nagkaroon ng amnesia mula...