Malaya na akong naglalakad sa hallway ng hospital kasi wala ng nakabantay saamin and also wala na yung dalawa na halos maging pader, poste o basurahan sa laging pagsunod saakin
Yung dalawang Pulis ang tinutukoy ko
Si Zion kasi bumalik ng Japan at kailangan niyang mag report sa hospital kung saan siya nagtra-trabaho
Si Mikay naman nasa Manila ngayon para kumuha ng board exam at ng maging lisensyadong Psychologist
Nung una kasi kuntento na siya sa pagiging secretary or intern niya saakin but lagi ko siyang kinukulit kaya siguro itinuloy na niya dahil nakulitan na saakin
Ako lang tuloy mag-isa sa office ko...
Ay...May naririnig akong ingay mula sa office ko baka eto yung dalawang Doctor na wala nang ginawa kung'di ang maghabulan
"Dra Lan-lan!" sigaw ni Dr. Lim saka nagtago sa likuran ko
"Ano nanaman ba yan isang buwan niyo lang pinatahimik yung mundo ko" reklamo ko
"Pano kasi yang babae na yan wala ng ginawa kung'di ang habulin ako hindi ko naman type" katwiran niya
"Hindi mo ako type pero nabuntis mo ako! Hoy! panagutan mo ako!" galit na sigaw naman ni Zar
"Ano?! buntis ka Zar at si Susuhong ang nakabuntis sayo?!" gulat na tanong ko kasi naman haist!
"Oo Dra Lan-lan siya ang Ama ng batang nasa sinapupunan ko Three months na akong buntis pero sa three months na yon lagi niya akong tinatakbuhan or pinagtataguan.. Hindi lang ako makapag sumbong sayo Dra kasi naging busy ka nitong nakaraan gusto ko sanang ipakuryente utak niyan bakasakaling magtino" paliwanag ni Zara
Si Zara at Suho ay binansagang Lovey Dovey Couple kasi simula high school magkakilala na sila hanggang sa trabaho magkasama parin sila
"Kausapin ko nga kayong dalawa.. Suho umayos ka ng upo dun ka sa tabi ni Zara" seryosong utos ko
Itinuring ko ng mga kapatid ko itong dalawang to kaya hindi ako papayag na hindi magkalinawan ito at mamaya mababatukan ko tong si Suho
"Ayaw dun nalang ako sa tabi mo" pagmamatigas ni Suho si Zara naman umupo na
"wag mong hintaying bilangan kita.." Banta ko umupo naman siya sa tabi ni Zara
"Suho..Seryoso kaba talaga kay Zara? Sagutin mo ng maayos wag kang magloloko" tanong ko at banta ko
"Oo seyoso ako sakanya aanakan ko ba siya kung hindi" sagot niya
"Bakit ganyan ang ikinikilos mo sakanya? aware ka naman na hindi mangandang mai-stress ang buntis"
"Oo aware ako..Kaso nahihiya ako sa ginawa ko"sagot niya
"Ano ikinakahiya mo dun? kung simula nung una ganyan ka naman na talaga? kaya nga kita sinagot dahil yan ang nagustuhan ko sayo.. Kahit na may pagka-childish ka at akala ng iba naglalaro or nilalaro mo lang ako pero hindi nila nakikita kung paano mo ako tratuhin ng tama at kung paano mo naipapakita o naipaparamdam saakin kung gaano mo ako kamahal" singit ni Zara
Napangiti naman ako sa naging reaksyon ni Suho
Akala mo kasing inosenteng kaurap-kurap na nagulat
Saakin lang kasi nila ipinapakita yung ganyang side nila minsan nga dito pa sila naglalambingan sa office ko kapag wala akong pasyente or naka break sila sa trabaho
"Anong Plano niyo?" tanong ko
"Papakasal na siguro kami Dra. Tutal madami na ipon ko nakakahiya naman sakanya" sagot ni Suho
BINABASA MO ANG
Hanggang Dito Nalang
Short StoryMeet Luna Lanrete isang psychiatrist na handang tumulong sa mga taong may mental illnesses or problem kahit walang bayad.. sa dami ng kanyang nagamot o matulungang makaalala, matutulungan din kaya niya ang isang pasyenteng nagkaroon ng amnesia mula...