Ikasampung Kabanata

2 1 0
                                    

Katatapos lang ng kasal nila Suho at Zara kasalukuyang pabalik ako ng hospital dahil doon ko iniwan yung mga gamit ko

"Dra Eternal!" tumatakbong tawag saakin ni Cerestian

"Oh! bakit ngayon ka lang nagpakita?" tanong ko

"Sunod sunod kasi naging flight ko nitong nakaraan ngayon lang ako nagkaroon ng day off.. tuloy pumunta na ako sayo para sa huling check up ko" sagot niya

"Hulaan ko... Naaalala mo na ang lahat lahat hano..." Nakangiting tanong ko

"YES! Dra! natatandaan ko na ang lahat at dahil sayo yon diba nung pununta tayo sa school kinabukasan pagkagising ko bigla ko nalang naalala ang lahat kaso hindi ako tumawag sayo kasi ang gusto ko personal kong sabihin ang lahat sayo" tuwang tuwa niyang kwento

Binuksan ko na muna yung pinto ng office ko saka siya pinaupo dun sa receiving area

Saka ko kinuha ang lahat ng files saakin ni Cerestian

Sinulatan ko naman na muna ito ng Goal achived saka ako lumabas at pumunta sa receiving area

"Ano naman ba ang mga naramdaman mo nung bumalik na alalaala mo?"tanong ko

"Sumakit lang ulo ko then wala na para bang nafull charge ako" paliwanag niya

"Kung ganon...Natandaan mo na yung dahilan kung bakit mo sinusundan yung babae at ano ang nagustuhan mo sakanya also her name?" tanong ko

Nakangiti naman siyang tumango

"Grade Nine or third year palang ako nung may makita akong isang babae na nag iisa sa loob ng classroom nila na nag babasa lang ng libro katabi lang namin ang room nila.. nung una hindi ko nalang pinansin but nung mga sumunod na araw ganon din ang aaabutan ko and then one day nakasalubong ko yung isa sa mga kaklase niya na galing ata sa canteen kaya tinanong ko ang sabi niya ganon lang daw talaga yung babae,madalang lumabas ng room, so simula non nag decide akong sundan siya palagi sa school lagi kasing same time and same teacher ang paglipat namin kaya lagi ko siyang nasusundan...Bago ata mag bakasyon non napansin niya ako kaya kinausap niya ako at naging magkaibigan kami....Tumagal yon hanggang nag Grade ten or fourth year kaso sa kalagitnaan ng fourth year inilipat ako ng agaran sa ibang school dahil sa course na kukuhanin ko sa college hindi na ako nakapagpaalam sakanya....But nung bumalik ako para makuha yung forms ko wala narin siya at sabi ng mga kaklase at bestfriend niya nawalan narin daw sila ng connection..Hanggang makalipas ang ilang taon nabalitaan ko na siya ang Guest Speaker ng School namin dati kaya nagmadali akong umuwi hanggang sa naaksidente nga ako papunta ng school" pagkwe-kwento niya

"Ikaw ba Dra...may natatandaan ka ba sa highschool days mo?" balik na tanong niya saakin

"Meron naman..Syempre high school days memories are the best" sagot ko

"May i ask kung anong klase kang  estudyante..Maingay..Magulo..Smart.. famous?" pagtatanong niya uli

"I'm just a typical student na minsan magulo but mas lamang ang pagiging tahimik ko.. How about you?" tanong ko

"Diba normal lang sa mga lalaking studyante na napapagalitan minsan ng guro dahil magulo?.." Tanong niya

"Oo naman maski sa kahit na anong uri naman ng estudyante" sagot ko

"Ganon kasi ako kaso..Madalas mangyari yon kasi hindi ako nakikinig" sagot niya

Natawa naman ako eto na ang last na pagkikita namin dahil hanggang dito nalang ang serbisyo ko sakanya

Ganon naman ang mga psychiatrist, psychologist, social workers also the counselors ... lahat ng mga nagiging pasyente namin kapag nasa maayos na kalagayan na at naachive na nila yung goal nila sa treatment hanggang doon nalang at wala ng kasunod pa

Hanggang Dito NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon