Kinilabutan ako nung ako na mismo ang nakapanood ng sinasabi niyang video kagabi doon sa feris wheel at totoo ngang inaaral ang structure ng bahay lalong lalo na yung backdoor kaya etong kambal ko nagpalagay na ng survaillance camera sa bawat paligid ng bahay maski sa kasulok-sulukan naglagay na siya pinabago din niya yung lock ng bawat bintana at pinalagyan narin ng steel mating..
Para daw hindi na mabuksan at para kahit wala daw siya mamonitor daw niya ako through Survaillance Cam
kaya maski sa pagpasok ko sa office dito sa hospital naglagay siya ng hindi nalalaman ng Director
Masyadong Protective
"Wag ka na munang aalis ng ikaw lang mag isa kung maaari dapat lagi mong kasama si Intern Mikay para kahit paano may magagawa siya" bilin pa niya habang nag kakabit sa bawat sulok
"Wag kang uuwing mag isa susunduin nalang kita" dagdag pa niya
"Lagi mo kaya akong sinusundo...Saka wag kang mag alala hindi na ako lalabas ng Hospital at kung lalabas man ako dun ako sa maraming tao kagaya sa Near Park"
"Good.. Oh mag iingat ka dito ahh tatawagan kita kapag may suspicious na nangyayari sa paligid mo lagi mong dalin ang phone mo" bilin niya ulit saka itinap yung tutok ko
"Oo na ang dami mong bilin, papasukin mo na si Intern mikay at kanina pa naka masid yan"
"Ay Oo nga pala sory naman nakalimutan ko ohh mauna na ako UULITIN KO YUNG MGA BILIN KO WAG MONG KAKALIMUTAN" pahabol niya saka umalis
Bigla namang pumasok si Intern at binuksan na ng maayos yung pinto
"Dra bakit ang daming bilin ni Detective?" tanong niya
"Ano yung ibinilin sayo?" tanong ko
"Ahmm...Sabi niya wag daw kitang iiwan and kapag oras daw ng uwian isasabay niyo nalang daw ako pauwi tapos kapag daw may suspicious sa paligid tawagan ko daw siya" pag iisa-isa ni mikay sa bilin sakanya ni Moon
"Ano ba kasing Problema Ate Lan lan?" nag aalalang tanong niya
Hindi narin niya ako tinawag na Dra kapag ganyan talaga siya seryosong nag aalala na yan
Nag gesture naman ako na lumapit siya saakin saka ko inilabas yung phone ko
"Naaalala mo yung ikinuwento ko sayo? yung nangyari sa older brother namin" pagtatanong ko
"O-opo.....Bakit nahanap na ba yung SK?" (SK means serial killer)
"Hindi pa But...." putol ko sa sinasabi ko ng iplay yung video footage ng CCTV
"....Yan yung lalaki...And he's after me kaya ganon nalang ang pag iingat at proteksyong ibinibigay ni Kuya Evan mo" Tuloy ko sa sinasabi ko dahilan para matakpan niya yung bibig niya at puno ng pag aalala siyang tumingin saakin
"Hala.....Ate Lan-lan.."Naiiyak siyang yumakap saakin ramdam ko narin yung paghikbi niya
"Shhhh...tumahan kana..Wag kang mag alala kaya ni Ate Lan-lan ang SK na yon.. Saka nandiyan yung Kuya Moon mo para maprotektahan ako.. Hindi mo naman ako pababayaan diba?" Pagpapatahan ko
"O-opo hindi ko kayo pababayaan... Susundan at sasamahan kita saan ka man magpunta" sabi niya habang nakayakap parin saakin
"May mag papacheckup ba ngayong araw?" tanong ko
"Isang pasyente lang po ang meron ngayong araw"
"Anong oras ang appointment ng pasyente?" tanong ko uli
"Hmm mamaya pa pong..Wait wala pong time na ibinigay" sabi naman niya habang seryosong tinitignan ng paulit-ulit na tinitignan
Ang cute niya!
BINABASA MO ANG
Hanggang Dito Nalang
Short StoryMeet Luna Lanrete isang psychiatrist na handang tumulong sa mga taong may mental illnesses or problem kahit walang bayad.. sa dami ng kanyang nagamot o matulungang makaalala, matutulungan din kaya niya ang isang pasyenteng nagkaroon ng amnesia mula...