9

3.4K 282 176
                                    

Parang nagbago ang mood ni Hiram pagkatapos no'n

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Parang nagbago ang mood ni Hiram pagkatapos no'n. Nang makalapit na s'ya sa amin, he just smiled casually at our girl classmate. Pero halata sa ngiti n'ya na iba na ang mood n'ya kaysa kanina. 

His eyeglasses are reflecting the night lights so I couldn't see his eyes properly. But with the way his smile curved, I can feel that there's something wrong.

Tiningala ko ang tangkad ni Hiram nang harapin n'ya na ang babaeng kaklase naming dalawa. Ipinakilala ng babae naming kaklase ang boyfriend n'ya.

"We just watched a movie and ate." That's what Hiram said when she asked him what we did at the mall. 

Inasar pa s'ya ng babae naming kaklase na nasa date daw kaming dalawa ni Hiram. Hiram just laughed but I knew it was fake.

Ano'ng meron sa reaksyon n'ya?

Kahit nang umalis na ang babae naming kaklase, gano'n pa rin s'ya. He talks to me but he seems a bit off. 

Nang hinatid n'ya ako pauwi at nang magpasalamat ako sa kan'ya, gano'n pa rin ang reaksyon n'ya. 

Gusto ko sanang tanungin s'ya pero hindi ko magawa. His reaction is a bit different. I haven't seen that expression on him before. 

Pinagmasdan ko ang phone ko nang makaupo na ako sa kama ng kwarto ko, pinag-iisipan kung ime-message ko ba si Hiram o hindi. Sa huli, I chose to message him.

September Elizabeth Ferreira:
Nakauwi ka na?

I frowned as I watch our conversation. When he read my message, I shifted my weight and waited for a reply. 

Hiram Nicholas Veloso:
Yup.

Hinintay ko ang kadugtong no'n pero mukhang wala. 

September Elizabeth Ferreira:
Thanks for today.

Hiram Nicholas Veloso:
No problem.

Lalong kumunot ang noo ko. 

September Elizabeth Ferreira:
What's your problem?

Hiram Nicholas Veloso:
What do you mean?

Tinitigan ko ang reply n'ya, naguguluhan. 

September Elizabeth Ferreira:
Wala.

Nakakainis. 

September Elizabeth Ferreira:
Good night.

Hiram Nicholas Veloso:
Good night, friend.

September Elizabeth Ferreira:
???

What the hell is wrong with him?

━━━ ☁ ━━━

Something's wrong, I'm sure of it. 

Remember, September (Young Love Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon