Masayang nagdiwang ang kaharian nila dahil sa magandang balita ng...
"Bakit tila hindi man lang ako imbitado sa pagdaraos na ito?"
Natigilan sila ng makita si Hera sa gilid ng pintuan at may hawak na kopita.
"Mukhang nagkakasiyahan kayo rito." Humakbang siya palapit kay Hades at inilapit ang bibig sa tainga nito.
"Mukhang nakakalimutan mo ang kasunduan natin.." bulong nito sa kanya.
"Hindi ko iyon makakalimutan. Napaka laki ng utang na loob ko sa iyo." Sagot sa kanya ni Hades at pagdaka ay lumuhod ito. "Ano mang ipag utos mo ay malugod kong susundin."
Marahang tawa ni Hera ang tanging ingay sa palasyo ng mga oras na iyon.
Tinignan niya muna sa Persephone bago lumuhod kapantay ni Hades at binigyan siya ng isang mabilisang halik.
Gulat ay agad na napatayo at napalayo si Hades. Ang unang pumasok sa isip niya ay si Persephone.
"Maging akin ka rin, Hades. Yun ang utos ko."
Agad lumuhod si Hades.
"Mahal na reyna, kahit ano ay gagawin ko wag lamang iyan. Kami ay mag iisang dibdib na, at hindi ko pagtataksilan ang kapatid at magiging asawa ko.""Kung gayon...handa mo siyang isakripisyo?"
Isang palahaw na iyak ang nagpatayo kay Hades. Kita niya sa kinatatayuan niya na unti unting humihigpit ang tali na nakapulot sa leeg ni Persephone, ang mahiwagang tali ni Hera.
"Ano pang hinihintay mo, Hades? Ang kamatayan ng minamahal mo?"
"Tama na! Makakarating ito sa Hari!"
Pagak na natawa si Hera. "Bago pa ito makarating aa kanya, wala na ang pinakamamahal mo, at tingin mo ba ay paniniwalaan ka ni Zeus kaysa sa akin?"
"B-bitiwan mo siya at gagawin ko ang gusto mo"
"Hindi ko siya bibitawan hangga't hindi mo ginagawa ang gusto ko, Hades."

BINABASA MO ANG
The Tears of Hades
ФанфикOne-shot story The tears of Hades Written by: Heirezetteee Genre/s: Romance, Myth