Natatakot man ay marahan niyang binuhat si Persephone at dinala sa loob ng kanyang silid.
Eto ba ang sinasabi ni Hera?
Tinititigan lang niya at hindi parin makapaniwala ng biglang magbukas ng mga mata ang magandang dilag.
"H-hades?"
Mas lalong ikinagulat ni Hades ng sambitin nito ang pangalan niya.
"P-paano mo ako nakilala?" Tanong niya rito.
"Palagi kang kinukwento sa akin ng aking ina." Ngiting sambit ng dalaga at yumuko.
Agad naman siyang lumapit at inangat ang mukha nito upang magtama ang paningin nila.
"Ano naman ang pakay mo rito?" Muli niyang tanong.
Naiilang man ay nakuha pa ring sumagot ni Persephone.
"Ipinadala ako dito ng reyna mula sa itaas upang manilbihan sa iyo." Maamong wika nito.
Unti unti ay sumilay ang ngiti sa mga labi ni Hades. Hindi niya alam kung paano siya magpapasalamat kay Hera.
Gaya ng ibang kwento, unti unting nahulog ang loob ni Persephone sa Hari.
Unti unti ay naging panatag ang loob nila sa isa't isa at hindi na niya mapigilang mahalin ito.
Ramdam niya ang ibang uri ng trato nito sa kanya ngunit ayaw niyang bigyan ito ng ibang kahulugan dahil baka masaktan lamang siya.
"Persephone.." wika ng hari isang araw.
Agad naman siyang lumapit rito.
Nagulat siya ng malambing na hawakan ni Hades ang mukha niya at unti unting ilapit ito sa mukha ng hari.
Sa hindi malamang dahilan ay unti unti niyang ipinikit ang kanyang mga mata at naramdaman ang pagdampi ng isang malambot na bagay sa labi niya.
"Pakasalan mo ako.." bulong nito sa kanya. Isang ngiti at halik na lamang ang isinagot niya dito, indikasyon na pumapayag siya.

BINABASA MO ANG
The Tears of Hades
FanfictionOne-shot story The tears of Hades Written by: Heirezetteee Genre/s: Romance, Myth