"Hades, tayo na. Kailangan na nating umalis." Ani Thanatos kay Hades na nakatulala sa isang dalaga na tumatawa kasama ang kanyang mga kaibigan.
"Huli na ito, Thanatos. Bigyan mo pa ako ng kaunting oras."
Unti unting pumatak ang mga luha ni Hades, habang nakatingin sa mortal na dalaga.
Sariwa pa rin sa isip niya ang nangyari.
Binuhay nga ni Zeus si Persephone kapalit ng maraming bagay.
"Kung ganoon, ipinapagkaloob ko ang mortal na buhay sa kanya, tatawagin siyang Kore sa mundo ng mga tao at wala kahit isang memorya ang matatandaan niya mula rito." Ani ni Zeus.
Nabasag ang puso ni Hades sa narinig niya ngunit wala siyang magagawa. Kahit tignan na lamang niya sa malayo ang dalaga, ang mahalaga ay buhay ito.
At ganito nga ang eksena ngayon. Tinitignan niya si Persephone, kasama ang mga kaibigan nito sa mundo ng mga tao, namumuhay ng normal at malayo na sa kaguluhan.
"Tayo na, Hades. Hindi ka pwedeng mahuli sa kasal ninyo ni Hecate."
Indikasyon lang ito na hindi talaga sila pwede, noon man o ngayon.
"Sana, kung may susunod pang buhay, magtugma na tayong dalawa. Mamuhay ka ng payapa, Mahal ko. Palagi kitang pagmamasdan kahit sa malayo."
Isang malumbay na ngiti ang iniwan ni Hades bago siya unti unting tumalikod mula sa nag iisang babaeng una at huli niyang mamahalin.
BINABASA MO ANG
The Tears of Hades
FanfictionOne-shot story The tears of Hades Written by: Heirezetteee Genre/s: Romance, Myth