Masayang namimitas ng bulaklak ang dalagang si Persephone ng maramdaman niyang may nag mamasid sa kanya.
Agad siyang tumingin sa paligid ngunit walang bakas ng anino na nakita. Nagpatuloy siya hanggang sa marinig niya ang tawag sa kanya ni Demeter, ang kanyang ina para sa isang hapunan.
Sa kabilang banda, isang taga bantay ang agad agad lumapit kay Hades, dala ang isang balita.
"Mahal na hari, ang reyna mula sa itaas ay paparito na sa ilan lamang sandali."
Gulat man sa balita ay agad inutos ni Hades na maghanda para sa bisita.
Anong sadya ni Hera? Ang tanong niya sa sarili.
Maya maya pa ay pumasok na sa silid ang napaka gandang reyna, si Hera.
Agad namang inalok ni Hades ito ng inumin at upuan bago sinenyasan na iwan muna sila pansamantala.
"Ano kaya ang sadyang ng isang reynang katulad mo sa aking palasyo?" Tanong niya kay Hera.
"Sa pagkakaintindi ko kanina ay may isang dalaga na nagpapatibok ngayon sa iyong puso... Tutulungan kita."
Gulat man ay nanatiling nakikinig si Hades.
"Sa isang kondisyon.." tumayo ito at lumapit sa kanya. Hinawakan ang kanyang mukha para itapat sa kanya. "Ngunit hindi pa ngayon." Ani nito bago tuluyang naglaho.
Ilang sandali lamang ay nagmamadaling pumasok si Thanatos sa silid at naabutang nakatulala mag isa si Hades.
"Si P-persephone.." narinig lang ang pangalan nito ay agad bumalik sa katinuan niya si Hades.
"Ano? Anong nangyari sa kanya?" Napatayo pa ito at humahangos na lumapit kay Thanatos.
Ngunit laking gulat niya ng makitang walang malay sa labas ng silid niya si Persephone.

BINABASA MO ANG
The Tears of Hades
Fiksyen PeminatOne-shot story The tears of Hades Written by: Heirezetteee Genre/s: Romance, Myth