Punong puno man ng sakit at lumbay, dahan dahang lumakad si Hades palapit kay Hera.
"W-w-wag..." Rinig niya sa nahihirapan ng si Persephone. Dahil dito ay mas binilisan niya ang lakad.
Nang makarating siya sa harap ni Hera ay dahan dahan niyang hinawakan ang mukha nito, dahan dahang inilalapit ang mukha niya ng isang malakas na kidlat ang sumira sa pintuan.
"ANO ANG IBIG SABIHIN NITO?!" Dumadagundong sa lakas na sigaw ni Zeus na siyang nagpalayo sa kanila.
Punong puno ng galit ang mga mata ni Zeus na nagpalipat lipat ng tingin sa kanila.
"Kung hindi ka magiging akin, hindi ka rin magiging kanya." Bulong ni Hera bago ito madramang lumapit kay Zeus na para bang siya ang inagrabyado.
Biglang kumulog ng malakas at ng iba ang kulay ng mga mata ni Zeus.
"Isinusumpa ko sa mga kidlat, na bawiin ang buhay ng babaeng alipin bilang kaparusahan sa kalapastangan mo, Hades. At bilang na rin sa pagsuway mo sa pagpapakasal kay Hecate. Walang hanggang lumbay ang mararamdaman mo habang buhay!" Sigaw nito at nagpatama ng isang kidlat.
Huli na ng mapagtanto ni Hades na ang kidlat ay mismong tumama kay Persephone.
Agad agad niyang pinuntahan ang walang buhay na katawan nito. Unti unti ay pumatak ang mga luha niya, sumiklab ang galit at paghihinagpis niya na siyang naramdaman ng buong palasyo.
"G-gagawin ko ang lahat, buhayin mo lang siya." Aniya sa harapan ni Zeus habang buhat ang walang buhay na si Persephone.

BINABASA MO ANG
The Tears of Hades
Hayran KurguOne-shot story The tears of Hades Written by: Heirezetteee Genre/s: Romance, Myth